ೋ
Chapter 2Sereia's POV
NANDITO kami ngayon sa isang gusali. Hindi ko alam kung paaralan ba ang tawag nila dito dahil hindi naman ito mukhang paaralan.
Hindi naman sa nang-aano ako pero wala kasing dingding ang gusaling ito.
Wala din namang bubong, as in parang may sementong nakatayo lang talaga sa bawat sulok, parisukat ang hugis nito, wala rin kaming upuan."Ah, Doris, dito ba ako mag-aaral?" Tanong ko sa kanya, tumimgin naman siya sa akin at umiling.
"Papunta tayo sa Darya, kailangan mong magpakilala sa reyna at hari,"
What?! Reyna at Hari?! "Reyna at hari?" Gulat kong tanong. "Eh ang Darya? Sa'n 'yon?"
"Iyon ang lugar kung saan ka titira," sabi nito pero wala akong naintindihan. "Doon tumitira ang mga serena't sereno na may matataas na rango, nandoon din ang paaralan kung saan ka mag-aaral," dagdag pa niya, siguro ay nakuha nito na nagtataka ako.
Habang lumalangoy kami ay naisipan kong tanungin siya. "Siya nga pala, nabanggit mo kanina na ang parents ko ay third guardians of the sea, ibig sabihin may first at second pa?"
Tumango ulit ito. "Yep, at may fourth din, apat kayong mga tagabantay ng dagat,"
Tagabantay?
"Eh?"
"Sila na ang bahalang magsabi sayo ng mga tungkulin," aniya at tumingin sa akin. "Baka may masabi pa akong hindi dapat sabihin,"
Kumunot ang aking nuo sa kanyang sinabi. Kahit nagtataka ay hindi ko nalang ito itinanong.
Nang makarating kami sa lugar na sinasabi ni Doris na Darya ay halos matulala ako. Hindi ko kasi naimagine na ganito pala kaganda ang Darya.
Sobrang lawak, mala-palasyo ang mga gusali at ang gandang tignan.
(A/N: Photo on the media.)
Halatang may pagdiriwang na magaganap sa lugar na ito dahil sobrang busy ng mga ito. Mag naglalanguyan din patungo sa palasyo ng Darya, may nakita akong isang serenong papalapit sa aming direksyon.
"Kayo ho ba Si Sereia Nereida?" Magalang na tanong niya, tumango naman ako.
"Maaari po ba kayong sumama sa akin? Pinapatawag po kayo ng mga amahalan," anito at bahagyang yumukod. Tumingin naman ako kay Doris at tumango lang ito sa akin kaya nginitian ko siya.
Sumunod ako sa sereno at nang makapasok kami sa loob ng mala-palasyong gusali ay bumungad sa akin ang napakaraming serena at sereno. May mga isda pang narito. Natuon ang aking atensyon sa isang serenang naka-upo sa isang napakagandang upuan, may suot itong korona, ganoon din ang lalaking katabi niya kaya batid kong sila ang hari at reyna.
Lumangoy ako papalapit sa kanilang direksyon at bahagyang yumukod bilang paggalang. Wala akong alam sa kanilang tradisyon ngunit iyon lamang ang aking alam na paraan para magbigay galang sa Kanila. Handa din naman akong matuto ng iba't-ibang bagay sa lugar na ito.
Ngumiti sa akin ang reyna. "Ikaw ba si Sereia?"
Tumango naman ako sa tanong niya.
"Maaari mo bang ipakita sa amin ang kwintas na ibinigay ng iyong mga magulang bilang patunay na ikaw nga ang ikatlong nawawalang guardian ng Atlantis?" Tanong naman sa akin ng Hari kaya ipinakita ko ang aking kwintas.
Kita ko ang paghanga sa kanilang mga mata habang nakatingin sa kwintas ko. "Your parents did a great job in our sea," ani ng Reyna sa emosyonal na boses. "They sacrifice there lives just to save us," dagdag pa niya.
Kahit hindi ko nakilala at nakita ang aking mga magulang ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil wala na sila. Marahil ay naranasan kong mahalin at palakihin ng tama ni mommy pero iba 'yung pakiramdam na sarili mo mismong magulang ang nagmamahal at nag-aalaga sayo.
Napailing ako at binura sa aking naiisip sa ang aking isipan. Ngumiti lang ako sa hari't reyna, hindi ko naman kasi alam ang magiging reaksyon ko doon. At isa pa, hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganoong bagay.
Tulad nga ng sabi sa akin ni mom noon, stay positive lang palagi.
Nagsimula na ang selebrasyon. Maraming mga pagkain, may mga shrimps, mussels at marami pang iba.
May mga kumakausap din sa akin na mga babae ngunit hindi ako maka-gets sa topic nila. Kung ano-ano ang mga sinasabi eh.
Naisipan kong lumabas muna. Tumingala ako at kitang-kita ko ang kaunting sinag ng araw mula sa itaas ng dagat ngunit dahil nasa malalim kami na parte ng dagat ay kakaunting liwanag nalang ang napupunta sa amin.
At tanging ang mga anglerfish na palangoy-langoy sa paligid ang dumadagdag sa ilaw namin.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa aking nakikita at mga nalaman. Buong buhay ko ay hindi ko inaakala na kakaiba pala ako sa mga taong nakapaligid sa akin noon.Ngunit kung parehong serena ako, paano ako naging tao noon?
"Beautiful, right?" Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko.
Isa itong merman, unang tingin palang ay mukha na itong mabait. Nakatingin ito sa paligid habang nakangiti.
Ako ba ang kinakausap nito?
"Who are you?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa akin at hindi nagdalawang isip na ilahad ang kanyang kamay sa akin. "I'm Aillard, the fourth guardian of the seas," pagpapakilala niya kaya tinanggap ko naman ang pakikipag kamay niya.
"I'm Sereia,"
"Yeah, I know," sagot nito. "Just like your parents, my—our parents also died to save to lives of everyone here,"
"Sino ba ang kalaban nila?" Tanong ko sa kanya.
"The humans," simpleng sagot niya.
"Napaka-tahimik ng pamumuhay namin noon, bata pa ako noon kasama ang aking mga magulang nang paulanan nila ang dinamita ang dagat. Libong libong isda ang nawalan ng buhay, ang mga corals ay nawasak at sinira nila ang ating tahanan,"
Batid kong naiinis ito sa mga tao ngunit kung ang mga tao ang nagiging dahilan ng pagkasira ng kanilang tahanan bakit ako ipinagkatiwala ng aking mga magulang sa isang tao?
O tao nga ba si mommy?
"Hindi naman siguro lahat," sagot ko sa kanya. "Hindi lahat ng tao ay masama. Minsan ang iba ay nabubulag lang sa kayamanan at pera kaya nagagawa nila ang mga ganoong bagay,"
Tumango tango ito. "Tama ka nga, hindi lahat. But mostly of the humans were greedy,"
Sosyal naman pala 'tong serenong 'to. May pa English-English pa.
"By the way, I want you to meet the first and second guardian," inilibot ko naman ang paningin ko ngunit wala na akong nakitang serena at mga serenong lumalangoy sa labas maliban sa amin at sa mga isda.
"Where?"
I heard him chuckled. "They're not here," saad nito. "Bukas ipapakilala kita sa kanila,"
BINABASA MO ANG
Atlantis
Viễn tưởng[On-Going] Highest Rank Achieved: #3 in Mermaids Sereia is just a simple girl with an exquisite beauty. Halos lahat ng lalaki ay nagkakandarapa dito. A money, beauty, brain.. everything. Everyone thought she has 'everything' but there's one thing th...