Chapter 12

142 21 10
                                    


Chapter 12

Sereia's POV

KATULAD nang kahapon ay mag-isa akong naglangoy patungo sa Academy.
Sinubukan kong katukin ang pintuan ni Sav kaninang umaga ngunit hindi niya ako pinagbubuksan. Siguro ay sa sobrang pagod niya kakalangoy papuntang pangpang kahapon kaya ang haba ng tinulog niya.

Hay naku, ang babae talagang 'yon.

Nang makarating ako sa Academy ay sobrang ingay ng mga estudyante, para bang nagkakagulo sila. Hindi ko. nalang iyong pinansin at pumunta nalang sa aking pwesto.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Noam na nakatingin sa kawalan. Nakatulala ito at tila may malalim na iniisip. Lalapitan ko na sana ito nang biglang dumating ang aming guro at nagsimula na ang aming klase.

Habang patagal ng patagal ay napansin kong wala parin sina Lyr, Aillard at Lorcán. Kahit si Nazneen nga ay hindi ko nakita kaninang umaga.

"Our lesson for today is about the sanibel six," saad nito.

"First is the conch, could be the fighting conch or the kings crown conch."

Hindi ko ineexpect na ganito pala ka-weird ang mga klase ng mga serena't sereno.

"Murex could be apple murex or lace murex,"

Isipin mo, puro mga about sa shells ang pinagsasabi niya pero kahit isa do'n ay wala akong alam.

"...while the cone shells is the hardest to find!"

Ano ba 'yan, huhuhu.

Anong pinagsasabi niya? Ba't 'di ko gets?

Nagpalinga linga ako ngunit hindi ko talaga nakita ang tatlo kong kasamahan na guardians. Sa'n na kaya pumunta ang mga 'yon?

"The canbile six are the conch, tulip, cone, whelk, olive and murex,"

Baka naman nag-bonding sila na 'di ko nalalaman ah.

Wala na nga akong maintindihan sa pinagsasabi ng guro namin, huhu.

Hindi ba pwedeng huwag nalang ako pumasok? I mean, ba't kailangan pag-aralan 'to? Parte ba 'to ng pagiging serena ko?

Kahit pala maging tao o mapa-serena ako ay ang hirap ng buhay. Sana pala ay naging pusa nalang ako. Tamang meow-meow lang makakanakaw ka na ng ulam.

Tumunog ang maliit na shell na nakasabit sa dulo ng silid namin, senyales na tapos na ang klase.

Nagsilabasan ang mga kaklase ko sa room kaya nakisabay ako. Agad akong nagtungo sa labas at kagaya nga kaninag umaga ay sobrang ingay. Binalewala ko lang iyon at pumunta ng palasyo para hanapin si Sav o 'di kaya ang tatlo kong kasama ngunit hindi ko sila natagpuan doon.

Naglibot libot pa ako pero kahit buntot nila ay ay hindi ko nakita.

Aish, nasa'n na ba ang mga 'yon—?

Napatakip ako ng bibig dahil may bigla akong naisip.

Hindi kaya...

Umiling-iling ako. Siguro ay hindi naman totoo ang aking naiisip.

Hindi naman siguro mag-aabsent sina Lorcán at Sav, Lyr at Aillard para mag-double date ano? Tapos nakatulala pala kanina si Noam sa kawalan dahil nalaman niya na nagdedate pala si Sav at Lorcán at may pagtingin ito sa serena?? Tapos si Nazneen naman ay nang-ha-hunt ng mga mangingisda at pinapatay niya iyon dahil brokenhearted siya. Nalaman niyang ginawa siyang kabit ni Lyr!

Oh my gosh!

Nawala ang lahat ng iniisip ko nang makita si Lyr, Aillard, Lorcán at Nazneen sa 'di kalayuan sa kanilang pwesto. Halata sa mga mukha nila ang problemado.

Lumangoy ako patungo sa kanilang direksyon.

"Hellooww!" Bati ko sa mga ito ngunit tinignan nila ako at hindi nagbago ang kanilang seryusong mukha.

"May problema ba?" tanong ko at nagsiiwasan lang sila ng tingin maliban kay Nazneen na nagsalita.

"Sabihin niyo na sa kanya?"

Sabihin ang alin? Na nag-double date sila at hindi ko alam? Hmp! Hindi naman ako magagalit sa kanila basta bigyan ba nila ako ng deleica.

"Sereia..." mahinag pagtawag sa akin ni Lyr.

"Hmm?" Sagot ko naman at pinahalata ko talaga sa mga ito na nagtatampo ako.

Mapansin niyo sana!

"Nahuli ng mga tao si Savannah at ang iba pang mga serena,"

Pagkasabi niya no'n ay tila nabingi ako. Paulit ulit iyong nagrereplay sa utak ko.

"A-Anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ang mga luha ko ay nagsilabasan na sa mga mata ko ngunit hindi iyon masyadong nakikita dahil nasa ilalim kami ng tubig.

"Nahuli sila kagabi pa.. ngayon lang namin nalaman," ani Lorcán habang nakayuko.

S-Savannah...

Atlantis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon