ೋ
Chapter 9Sereia's POV
Pagkatapos naming mag practice ng sayaw ay dumeretso ako sa Bay para magpahinga. Masyado kasi akong napagod. Hindi ako sanay na may buntot ako, kaya hindi ako maka-catch up, lalo na ng naging mahirap ang dance steps.
May pa ikot ikot pa tapos kung ano ang ginagawa namin, nakakahilo na talaga.
Buong maghapon ako nagpahinga. Hindi ko na rin nakita ang mga kasama kong guardians.
Kinaumagahan ay niyaya ako ni Savannah na pumunta sa tabing dagat. Walang tao doon dahil isla daw iyon na pagmamay-ari ng isang protector. At minsan na daw siyang pumunta dito.
Habang nakadapa sa buhangin at nakatingin sa paligid, bigla kong naalala si mommy. Kamusta na kaya siya?
Na-miss ko na ring maging tao, huhu.
"Sereia, punta tayo sa pangpang ng dagat mamaya," biglang sabi ni Savannah habang sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang sariling kamay.
"Pero 'di ba bawal 'yun?" Ngumuso naman ito.
Nag-cross arm nalang ito at walang nagawa.
"Pero sisilip lang naman tayo ih," pagpupumilit pa niya.
"Kahit na, delikado kapag nakita tayo ng mga tao," sabi ko sa kany habang nilalaro ang buhangin.
Wala na itong nagawa. Ngumuso nalang ito nang ngumuso.
Pagkatapos naming magchika-chika ay tumungo kami ng Coraleux para kuhanin ang aming napiling damit.
"Wow ang ganda!" Saad ni Savannah habang sukat ang kanyang damit.
Umikot-ikot ito sa tubig at nag pose na akala mo ay isang model.
Natawa nalang ako sa kanya.
"Isukat mo din ang sayo, Sereia!"
"Nako, huwag na,"
"Aish, sige na," pagpipilit pa niya sa akin.
"Mahilig ka talagang mamilit 'no?"
"Oo naman! Ako pa!"
Aish.
Wala na akong nagawa kundi sukatin nalang ito.
Ang desenyo ng aking pang-itaas ay shell lang na pastel, tinatakpan lang nito ang pribadong parte ng aking katawan. May mga perlas din na pumapalibot sa leeg ko.
Ang pang-ibaba ko naman ay parang mermaid dress pero ito ay transparent, may mga perlas ding nakasabit dito at sobrang gandang tignan.
"OMG! Bagay na bagay sayo ang damit mo, Sereia!"
Lumipas na ang araw at mamayang gabi na ang acquaintance party.
Nakahanda na kami ni Savannah at parehong papunta na sa palasyo ng Darya — kung saan magaganap ang party.
"Sino nga pala ang partner mo?" Biglang tanong sa akin ni Sav.
"Partner?"
"'Yung partner mo sa sayaw,"
Ah.
"Si Aillard, sayo?"
"Syempre si Noam," sagot naman nito at parang hindi siya masaya sa kanyang partner.
"Sana si Lorcán nalang ang ka-partner ko, hayst,"
Oo nga pala. Nakalimutan kong crush niya pala si Lorcán, hihi.
"Bagay naman kayo ni Noam ah," sabi ko pa sa kanya.
Ang mukha niya ay agad namang nandiri. "Yuck!"
Natawa ako sa reaksyon niya. "Yuma-yuck yuck ka pa ha, malay mo siya pala talaga ang nakatadhana sayo," pagtutukso ko sa kanya sabay tawa.
Hinampas niya naman ako sa braso. "Gagers! Palibhasa may ibang ka-partner si Lyr naging bitter ka na!"
Napatigil ako sa pagtawa at tumingin sa kanya.
"Sino ba ang ka-partner ni Lyr?"Maang maangan kong tanong.
"Sino pa?! Edi si Nazneen!"
Ahh. Hindi na ako sumagot at tumango-tango nalang.
"Kita mo! Kita mo! Nagseselos ka eh!" Bigla niyang sigaw.
Huh?
"Ako?" Turo ko sa sarili ko. "Magseselos?" Tanong ko pa at umiling iling. "No way,"
Mukha naman itong hindi naniwala. "Talaga lang ha?" Sabi pa niya sa akin na animong nangahahamon.
"Sinong niloloko mo? Sarili mo?"
Luh.
"Tigilan mo nga 'ko!" Sigaw ko dito at tumingin sa ibang direksyon.
"Tsk, tsk, tsk,"
Nang makarating kami sa palasyo ay napakarami nang mga serena't sereno ang naroon. May mga isda ding lumalangoy at naroon sa party.
Syempre hindi mawawala ang deleica! Nak, favorite ko!
Maraming magagandang seren ang naroon ngunit isa lang ang sentro ng atensyon.
Sino pa ba? Edi si Nazeneen.
Magkatabi sila ni Lyr na ngayon ay nakatigtig sa akin.
Bakit ba panay ang tingin nito sa akin?
Hindi siya loyal ah. Katabi niya na girlfriend niya tapos tumitingin pa siya sa iba?
"Hi, Sereia!" Tumingin ako sa likuran ko nang may tumawag ng pangalan ko
"Oh, Aillard!" Lumapit ako sa kanya.
Hindi ito nakatingin saakin. Nakatingin ito sa likuran ko kaya napatingin din ako doon.
Si Lyr at Nazneen ba ang tinitignan nito?
Nakita ko kung paano nag-iwas ng tingin si Nazneen na nakatingin pala sa amin. Si Lyr naman ay tumingin lang ng masama kay Aillard.
Huh? May ginawa ba itong masama?

BINABASA MO ANG
Atlantis
Fantasy[On-Going] Highest Rank Achieved: #3 in Mermaids Sereia is just a simple girl with an exquisite beauty. Halos lahat ng lalaki ay nagkakandarapa dito. A money, beauty, brain.. everything. Everyone thought she has 'everything' but there's one thing th...