Chapter 6

214 25 14
                                    


Chapter 6

Sereia's PoV

"Sa'n tayo papunta?" Tanong ko kay Lyr habang sumusunod sa kanya. Papalabas na kami ng Academy at wala akong idea kung saan kami pupunta.

Huminto ito sa paglalangoy at hinarap ako. "I already talked to Sir Lin about you," panimula niya. "You can study in Academy na if you want,"

Tila natuwa ang aking puso dahil sa narinig. Yeeeessss!!

"And ahm.." napatingin ako sa kanya dahil parang may gusto siyang sabihin.

"Anong ahm?"

"About that guy.."

huh? Sinong guy?

"Please stay away from him,"

Huh?

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan na ako sa lalaking 'to ah.

"That Noam guy," parang naiinis pa niyang sabi.

"Ano namang masama sa kanya? Bakit ko siya lalayuan eh mabait nama siya a—"

"You don't know him," pagputol niya sa akin.

"I know him," sagot ko naman sa kanya. Totoo naman ah! "His name is Noam Angra!"

Tumingin naman ito sa akin na para bang nauubusan na siya ng pasensya. "Still.. you only know him by name,"

Ngumuso naman ako at tinaasan siya ng kilay. "Pero at least kilala ko pa rin, hmp!"

Napailing nalang ito. "Let's go, we need to eat na,"

Dahil gutom na rin ako ay sumunod nalang ako sa kanya. Habang papasok kami sa palasyo ay nakita ko si Savannah na lumalangoy at mukhang naghahanap ng mauupuan.

"Savannah!" Tawag ko dito, lumimgon naman siya sa akin at kumaway.

Lumapit ako sa kanya. "Sabay ka na samin," aya ko sa kanya.

"Ah h-hindi na!"

"Sige na," pagpipilit ko dito. "Do'n lang naman kami naka-upo oh," tinuro ko pa sa kanya ang aming inuupuan kung saan nakaupo na pala sina Aillard at Lorcán.

Napatuptop naman siya ng bibig at tila nagulat sa nakita. Hindi ko na inantay ang kanyang sasabihin dahil agad ko siyang hinila papunta sa kinauupuan namin.

Tahimik lang kami na nakaupo habang inaantay ang pagakain, kaya naisipan kong ipakilala muna si Savannah sa kanila.

"Ah guys, si Savannah nga pala," turo ko kay Savannah. "Kaibigan ko," tumingin naman ako kay Savannah, "Savannah, this is Aillard," turo ko kay Aillard, "Lorcán," tinuro ko si Lorcán. "And Lyr,"

Tumango tango naman si Savannah at tila hindi mapakali sa inuupuan. Tinanguan lang siya ni Aillard, si Lorcán naman ay umiiwas lang ng tingin at si Lyr ay halatang walang pake.

Atlantis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon