Chapter 7

213 24 17
                                    


Chapter 7

Sereia's POV

"Where are we going?" Tanong ko kay Lyr. Pansin kong patungo kami sa itaas ng dagat.

Nang makaahon ang ulo ko sa tubig ay nakita ko siyang nakaupo sa isang malaking bato kaya tumabi ako sa kanya.

"Anong meron?" Tanong ko ulit sa kanya.

Gabi na ngayon at nakaupo kami sa isang bato sa gitna ng dagat.

"Ano palang ipapakita mo sa'kin?" Tanong ko ulit sa kanya nguniy gaya ng dati ay tahimik lang itong nakamasid sa buwan.

"Look at the moon," saad niya kaya tumingin naman ako sa moon.

"Anong meron sa moon?" Tanong ko ulit.

Mukhang napikon na ito kaya nagsalita na siya. "It's the Buck Moon,"

Buck moon? Ano 'yun?

Tatanong pa sana ako ulit sa kanya ngunit napaka-peaceful naman kasi ng mukha niya habang tumitingin sa buwan kaya huwag nalang, baka masira ko pa ang magangda niyang moment.

Ilang minuto ang itinagal namin doon ngunit nakatingin parin ito sa buwan. May luhang nalaglag sa kanyang mga mata kaya nagtaka ako.

Umiiyak ba ito?

"Hoy, ba't ka umiiyak?"

Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. "I just miss my parents,"

Ahhh.

"How about you?" Tanong niya sa akin bigla. "Hindi mo man lang ba na-miss ang mga magulang mo?"

Nagkibit-balikat naman ako. "Ni-hindi ko nga sila kilala eh," sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya pero ramdam kong nagulat siya. "Hindi ko alam kung anong itsura nila, kung ano ang boses nila," sabi ko habang nakatingin sa paligid. "Ni hindi ko nga naranasang mahalin ng isang magulang, pero kahit gano'n, masaya ako dahil may isang taong nag-alaga sa akin at tinuring akong tunay n'yang anak kahit 'di niya naman ako ka-uri," ngumiti ako at tumingin sa buwan. "At miss na miss ko na siya,"

Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin ng mariin, hindi ko matukoy kung anong emosyon ang nasa mukha niya. Nakatingin ito ng deretso sa aking mga mata at tila binabasa ang buo kong pagkatao.

"'Uy, 'w-wag mo akong tignan ng ganyan," sabi ko dito at umiwas ng tingin.

Ngumiti lang ito sa akin at tumingin ulit sa buwan.

"Bumalik ka na sa Bay, bukas maaga ka pang magigising dahil papasok ka na sa Academy,"

"S-Sige, good n-night," sabi ko sa kanya at umalis na.

"Sweet dreams, Sereia,"

•••••

Nakarinig ako ng katok mula sa aking pintuan.

"Sereiiaaa! Umaga naaaa!"

Atlantis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon