ೋ
Chapter 8Sereia's POV
Mabuti nalang at nauna kaming pumunta ni Savannah sa palasyo kaya naka-abot kami sa deleica. Akala ko talaga ay mauubusan na kami.
Nang makabalik kami sa aming upuan ay nandoon na sina Aillard at Lorcán at si Lyr at kanyang kasama na si Nazneen.
Habang kumakain ay pansin kong kanina pa ako ni Lyr tinitignan, ang kanyang kasamang babae naman ay nakapulopot ang kamay sa braso niya.
Napatingin ako kay Aillard nang kalabitin niya ako.
"Hmm?" Tumingin ako sa direksyon niya.
May hawak siyang kutsara na gawa sa maliit na shell at mga perlas na pinagdikit-dikit naman ang kapitan nito.
Napatingin ako kung ano iyon at halos manlaki ang aking mga mata nang makitang deleica iyon.
"Para sakin 'yan?" Tanong ko dito habang hindi inaalis ang paningin sa deleica na hawak hawak niya.
"Yes," ngiting sagot niya.
Akmang kukunin ko na sa kanya ang kutsara nang ilayo niya ito sa akin, ngumuso ako at tumingin sa kanya. "Akala ko ba akin 'yan?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa deleica.
Tumango naman siya. "Oo nga, para sayo 'to," sagot niya naman. "Pero ako ang susubo sayo,"
Hala.
Tatanggi na sana ako kaso napatingin ako sa lamesa ko at ubos na ang deleica'ng kinakain ko. Gusto ko pa sana kumuha kaso baka ubos na. Kaya kahit nahihiya ay pumayag ako.
"Sige na nga," tumango ako at binuka ang bibig ko. Sinubo niya naman sakin iyon.
Hmmm! Ang sarap! '(*∩_∩*)′
Sumenyas pa siya na susubuan niya ako ulit kaya sinubo ko naman ito. Pagkatapos no'n ay nag-thumbs up ako sa kanya habang ngumunguya, tawa lang ang naisagot niya sa'kin.
"Sereia?" Ngumunguyang napatingin ako kay Lyr nang tawagin niya ako. Sobrang lambing ng pagkatawag niya sa akin to the point na nagtaka ako kasi hindi naman siya ganyan.
"Hmm?"
Nakita kong may hawak din siyang kutsara at may laman iyong deleica.
"Gusto mo?" Tanong niya sa akin at sa paraan ng pagkakahawak niya dito ay parang gusto niya rin akong subuan.
Oo, assumera na kung assumera pero 'yun talaga ang na-fe-feel ko!
Umiling naman ako at agad kong nakita ang pagbagsak ng balikat niya.
Masyado kasing matamis ang deleica kaya kapag na sobrahan sa pagkain ay medyo nakakasawa na.
"Eto pa Sereia oh," napatingin ako kay Aillard na may hawak ulit na kutsara at may laman iyong deleica.
Bigla naman akong nanlaway bigla at do'n ko lang na-realize na kahit matamis pala ito ay hindi ito nakakasawa.
BINABASA MO ANG
Atlantis
Fantasy[On-Going] Highest Rank Achieved: #3 in Mermaids Sereia is just a simple girl with an exquisite beauty. Halos lahat ng lalaki ay nagkakandarapa dito. A money, beauty, brain.. everything. Everyone thought she has 'everything' but there's one thing th...