Prologue

1.3K 65 32
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction.

The names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of author's imagination and used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!!
DO NOT PLAGIARIZE MY WORK!!

Author's Note:
If you don't want to encounter grammatical and typographical errors then don't read this.


Prologue

Sereia's POV

"Irene ako 'to... ako 'to si Natoy na mahal na mahal ka,"

Agad kong pinatay ang TV at dumeretso sa banyo. Dali dali kong kinuha ang first aid kit at ginamot ang mga sugat ko sa paa.

Noong isang araw pa kasi ito eh. Sobrang kati na para bang may gustong lumabas mula dito. Kailangan mawala na 'to ngayon dahil bukas ay eighteenth birthday ko na. Hindi pwedeng humarap ako sa mga bisita na ganito ang mga paa ko.

Matapos kong lagyan ng gamot ang aking paa ay kumuha ako ng cotton balls at nilagyan ng alcohol. Pinahid ko iyon sa aking leeg dahil pansin kong may sugat din ako dito dahil sa sobrang pangangati.

Napangiwi ako dahil sa sakit pero ang pinagtataka ko ay tatlong mahahabang sugat ang nasa leeg ko at mukhang naka buka ito.

Napakalalim naman ng sugat na ito. Pero hindi ko talaga alam kung saan ko nakuha ito.

Kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko dahil sa sugat na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko dahil sa sugat na ito. O sugat nga ba ito?

Para kasing...

Umiling iling ako. Nag-angat ako ng tingin sa orasan at nakita kong alas dies na pala ng gabi. Baka sa sobrang antok ko ay kung ano-ano na ang naiisip ko.

I

nayos ko ang aking sarili at naghugas na ng kamay. Agad akong pumunta sa kwarto para matulog na. Maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok at tuliyan ng nakatulog.

Kinaumagahan ay nagising ako. Napatingin ako sa paligid ko dahil madilim parin sa labas. Bumaling ako sa bedside table dahil nandoon ang alarm clock at kitang-kita ko na alas cuatro palang ng umaga.

Ang aga ko namang nagising.

Akmang aalis sana ako sa kama dahil pupunta ako sa banyo nang pag-alis ko ng kumot ko ay gulat akong napatingin dito dahil puno iyon ng kaliskis!

Oh my gosh! That's eww!

Aalis na sana ako dahil nandidiri ako sa mga kaliskis na iyon ngunit ang mga paa ko ay tila nakadikit at hindi ko na ito mapag-hiwalay.

What the h! What is happening to me?!

"Mom?!" Pagtawag ko kay mommy.
"Mommy!" Mas nilakasan ko pa ang boses ko para marinig niya.

'Di nagtagal ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko at napaawang labi ni mom habang nakatingin sa akin.

"Mom, what is this?!" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Dali-dali siyang lumapit sa akin at binuhat ako papunta sa banyo ko at inilagay ako sa bath tub.

"Mom what are you doing?!" Naguguluhan kong tanong sa kanya dahil ginugupit niya ang shorts ko.

"Hindi makukuha ang shorts mo kung hindi natin gugupitin," saad niya. Nang makatapos siya sa paggupit ay binuksan niya ang gripo kaya nabasa ako.

"Mom!"

Tumingin naman siya sa akin na puno ng pag-aalala. "Namumutla ka," saad niya ngunit hindi ko naman nakita ang mukha ko.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin habang umiiyak.

"Sereia, I'm sorry," sabi niya habang umiiyak. Niyayakap niya ako.

"Mom, ano ba ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Wala na kasi akong maintindihan sa nangyayari.

"I'm not your real mother, Sereia," tila ba natigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa aking narinig.

"M-Mom.." nagtataka akong tumingin sa kanya habang umiiling. "Y-You're joking, r-right?"

Umiling ito habang umiiyak.
"You are Sereia Tallulah Nereida," saad niya sa emosyonal na boses.

"Your parents gave you to me, pinaalagaan ka nila sa akin ngunit wala akong karapatan para ipagkait sayo ang katutuhanan," sabi niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. "Wala akong karapatan para ilayo ka sa tunay mong tahanan,"

Hanngga't ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa aking mga naririnig. Sa kanyang mga sinasabi. Para bang lahat ng ito ay isang panaginip at ayaw akong palabasin. Ngunit ang lahat ng ito ay katotohanan, kahit hindi ko paniwalaan, kailangan kong tanggapin na iba ako sa kanila. At kailangan ko nang bumalik sa tunay kong tahanan.

Binuhat ako ni mom papunta sa labas, binalot niya ng kumot ang aking paa na ngayon ay... buntot na ng isda? Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa aking sarili. Alien ba ako?

Pinasok niya ako sa sasakyan at nagtungo kami sa pinakamalapit na dagat na sinabi niyang doon daw ako ibinigay ng aking mga magulang sa kanya noon.

Lumabas siya sa sasakyan at binuhat ako papalapit sa dagat. Medyo madilim pa ang paligid at walang tao kaya walang makakakita sa amin.

"M-Mom, marunong akong lumangoy ngunit baka malunod a-ako,"

Natawa naman siya sa sinabi ko. Hinawi niya ang aking buhok papunta sa likod ng tenga ko at tinitigan ako. "Hindi ka malulunod, Sereia. Dahil isa kang serena,"

"Hindi pa pwedeng sayo nalang ako sumama?" Kahit eighteen na ako ay hindi ko parin mapigilang umiyak. Siya ang nag-alaga sa akin mula pagkabata ko at hindi ko siya kayang iwan ng gano'n gano'n na lang.

Mapait siyang umiyak. "Magkikita pa naman tayo 'diba?"

Tumango ako sa kanya habang umiiyak. Pinunasan niya naman ang mga luha ko.

"Huwag ka nang umiyak," aniya at kinuha ang kumot na nakabalot sa aking buntot.

"Go, Sereia." Anito. "Go back to your home,"

Ngumiti ito sa akin at tinuro ang dagat. "The sea is your home, Sereia."

Ngumiti ako sa kanya bago tumalikod at nagsimulang mag-langoy. Hindi ko alam kung saan ako papunta, hindi ko alam ang destinasyon ko.

But I will let the waves bring me to a place where I really belong. A place where I can call home.

Atlantis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon