Chapter 11

168 20 9
                                    


Chapter 11

Sereia's POV

SIMULA nang matapos ang Acquaintance party ay hindi ko na nakita pa si Lyr. Si Savannah nalang palagi ang lagi kong kasama.

Walang sawa niya rin akong pinipilit na pumunta sa pangpang ng dagat upang makakita ng tao.

Ewan ko ba kung may crush siya doon sa lupa dahil sa pagkakaalam ko ay si Lorcán ang gusto nito.

Patungo na ako ngayon sa Academy na mag-isa. Si Savannah kasi ay may pupuntahan at kung hindi ko daw siya mahanap mamaya ay tatanungin ko nalang si Noam.

"Sa'n ka galing?" Bungad sa akin ni Lyr.

"Sa Bay," sagot ko naman as a matter of fact.

"Follow me," aniya at tumalikod sa akin.

"Huh?" Nagtaka naman ako. "Ba't anong meron?" Pahabol akong sumunod sa kanya dahil malayo na ito.

"I'm going to train you," sagot naman niya.

"Train? Para sa'n?"

"It's your duty as a guardian,"

Ay, oo nga pala. Ba't ko kasi nakalimutan na may responsibilidad pala ako dito?

Pumasok kami sa headquarters at doon nag-training. Katulad ng sabi ni Savannah ay sobrang lawak nga dito.

Ibinigay niya sa akin ang isang sandata na mahaba. Parang katulad ito sa trident pero hindi naman ito mukhang tinidor.

Pabilog ang nasa dulo nito at sa gitna no'n ay may purple na parang dyamante.

"That's yours," aniya.

Pumwesto na ako katulad ng sinabi niya. Tinuruan niya ako kung paano gamitin iyon, kung paano palabasin ang kapangyarihan dito.

Meron din siyang sandata na katulad sa trident kaso dalawa lang ang bakal na nasa dulo at mukha itong sungay. Asul ang dyamante na nasa gitna.

Nagsimula na kaming maglaban, una ay nahirapan talaga ako dahil hindi pa ako sanay pero nung tumagal ay unti-unti ko nang natututunan na gamitin ito ng tama. Pero syempre hindi pa gano'n ka galing pero at least alam ko na kung paano gamitin diba?

"Pahinga muna tayo," reklamo ko sa kanya.

Huminga naman siya ng malalim at sinilip ang bintana.

"Malapit ng gumabi," aniya kaya napatingin ako dito. "Mas mabuti siguro kung bumalik ka na sa Bay para makapag-pahinga ka ng maaga,"

Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Mas mabuti pang makapag-pahinga ako ng maaga.

Mag-isa rin akong lumangoy papuntang Bay. Nag-presinta si Lyr na ihatid ako pero ako ang umayaw.

Wala lang, trip ko lang talaga.

Kunwari pa-humble pero ang totoo niyan ay pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na maging marupok.

Pagpasok ko sa room ko ay agad akong tumingin sa bintana. Katapat ko kasi ang kwarto ni Savannah kaya iche-check ko sana kung nandyan pa siya.

Sa mga ganitong oras kasi ay palagi siyang sumisilip sa bintana at nag-uusap kami, hihi.

Pero ilang minuto na ang inantay ko ay wala akong nakitang Savannah. Sa isiping baka gumagala lang ito ay lumabas ako ng Bay at lumangoy-langoy muna.

Habang nakatingin ako sa mga nagagandahang gusali, sa mga corals at mga isda na lumalangoy ay nahagip ng paningin ko si Noam.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Savannah na kung hindi ko na siya mahanap ay tanungin ko lang si Noam..

"Noam!" Tawag ko dito.

Agad naman siyang lumingon sa akin at ngumiti.

"Nakita mo si Savannah?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm, oo. Pero kaninang umaga ko pa siya huling nakita eh, bakit?"

"Ah, wala naman, hehe."

Tumango-tango lang ito at akmang aalis na siya nang hawakan ko ito sa braso.

"Huh?"

"Alam mo ba kung saan siya pumunta?" Tanong ko sa kanya, nagnabasakaling alam nito.

Hindi ko kasi maipaliwanang kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

"Pumunta siya sa pangpang ng dagat,"

•••

Author's Note:

Pasensya na at maikli lang ang update ko. Medyo masakit kasi ang kamay ko kaka-type eh. 😅

Atlantis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon