Chapter 5

253 24 19
                                    


Chapter 5

Sereia's POV

Ilang araw na ang nakalipas at mas lalo kaming naging close ni Savannah. Masyado itong madaldal at pala kuwento, mukhang hindi nga ito nauubusan ng topic. Halos lahat nalang ay kinikwento niya sa akin. Kung bakit daw doble yung n sa name niya at bakit may h sa huli ng pangalan niya. Masasabi kong weirdo ang babaeng ito pero okay na sakin 'yun kesa naman na wala akong kaibigan.

Naging busy din ako dahil panay ang training sa akin ni Lyr. Ang sabi niya ay hangga't hindi daw ako natututo ay hindi ako pwedeng pumasok sa Atlantis Academy.

Nahiya naman ako sa kanya. Sana pala ay siya nalang ang naging guro ko at itinuro niya nalang sa akin ang lahat-lahat. My gosh.

Ngayong araw ay ililibot ako ni Savannah sa Academy. Nalaman kasi nito na hindi pa ako nakakapunta doon kaya ipinangako niya sa akin na ipapasyal niya ako sa kanilang paaralan.

Meron daw kasi silang practice ngayon sa sayaw nila. May acquaintance party kasi sila next week kaya kailangan mag-practice sa introduction na sayaw nila.

Pero in fairness ah. Pati pala sa ilalim ng tubig ay hindi mawawala ang mga party-party na ito.

"Eto ang headquarters, dyan ang lugar kung saan kayo nagsasanay, nagpupulong o kung may ginagawa kayong mga importanteng bagay."
Aniya sabay turo sa isang malaking kwarto.

"Kami?"

"Oo," sagot niya at tumango. "Sa mga guardians,"

"Sa ganyang kalaking kwarto, apat lang kami gagamit niyan?"

Natawa naman ito sa tanong ko. "No, what I mean is that.. hindi lang kayong mga guardians,"

Huh? Marami pa ba?

"Eh sino pa?"

"Mga protectors of the sea, apat din sila katulad ng mga guardians. Pareho lang naman sila ng duty na mga guardians ngunit ang mga protectors ay nasa lupa, nagpapanggap na mga tao o 'di kaya ay mangingisda, sa paraang 'yun ay mapopritektahan nila ang mga serena't sereno laban sa mga taong may binabalak na masama sa dagat," mahabang ekspelenasyon nito. "Samantalang ang mga guardians ay sa dagat nagbabantay,"

Napatango tango naman ako sa mga sinasabi niya.

Ah, gano'n pala.

"By the way, samahan mo kaya ako sa ball room, nagpapractice kasi kami ng sayaw para sa party,"

Ay sosyal, may ball room sila. Sana all.

Kami nga sa lupa ay sa gym lang nagpapractice ng sayaw tapos sila may depa-ball room pa. Naks.

Lumangoy kami patungo sa ball room na sinasabi ni Savannah. Kagaya ng inaasahan ko ay sobrang ganda din nito. At hindi lang iyon, sobrang lawak din nito na kung hindi ako nagkakamali ay umaabot ito sa isang hektaryong lawak, marami ring mga serena't sereno na sumasayaw.

"Ang dami niyo naman palang sumasayaw," sabi ko kay Savannah.

"Ngek! Malamang madami, lahat kami kayang estudyante ang sasayaw,"

Atlantis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon