Chapter 14

174 18 4
                                    

ERRORS AHEAD!!
Status: Unedited.


Chapter 14

Sereia's POV

NAKASAKAY kami ngayon sa sasakyan at patungo na sa isang sea foods restaurant, doon daw kasi kaming magsisimulang mag-imbestiga at para makahagap narin ng mga impormasyon para mapadali ang paghanap namin kila Savannah.

Tahimik lang akong nakaupo sa isang gilid, walang kibo. Ang mga kasama ko naman ay ang tahimik rin..

Ang awkward.

Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari kanina, gosh.

Ba't ba kasi ako biglang tumayo? Ba't 'di ko man lang naisip na wala pala akong damit? Ang gaga ko talaga.

Buti nalang at binigyan agad ako ng tuwalya ng lalaking protector. Naka-iwas ang mga mukha nila sakin no'n, ang iba naman ay tumatakip pa sa mata.

Pero ang gagong si Lyr ay nakatingin lang sa akin na para bang wala lang sa kanya ang nakikita niya! Argh!

Hanggang ngayon ay naiinis parin ako  sa kanya. Hindi ko siya papansinin. 'Kala niya ha.

Pagkarating namin sa restaurant ay naglibot-libot muna kami.

Ang bagal kasi maglakad ng mga kasama ko, hindi 'ata sanay na nasa lupa sila.

Well, maliban nalang kay Lyr na sa tingin ko ay halos lahat ay alam. Gusto ko siyang tanungin kung paano siya nakakalakad sa lupa nang sobrang dali samantalang ang mga kasama niy ay ang bagal-bagal kaso naalala ko na galit pala ako sa kanya at hindi ko pa siya papansinin.

Nang makapasok kami, ako na ang naghanap ng mauupuan at ako nalang din ang nag-order.

Sapat na pera lang ang ibinigay sa amin ng protector kaya kailangan naming mag-tipid.

Habang nag-aantay, naisipan ko munang mag-hugas ng kamay. Pumumta ako sa lababo nila at may mga babaeng nag-huhugas din roon.

"Really? Kailan ba ang circus?" Tanong ng babae sa kanyang kasama.

"Tomorrow night," sagot naman ng isa. "I'm so excited na nga na makita ang mga mermaids eh," anito na nagpatigil sa akin.

Gusto ko silang tanungin about sa mermaids pero nahihiya ako. Baka sabihin nilang chismosa ako na nakikinig sa kanilang usapan.

Umalis na ang mga ito kaya sinundan ko sila ng tingin. Nakita kong pumunta sila sa isang lalaki sa labas ng restaurant na mukhang may binebenta.

Bumili ang isang babae at nakita ng dalawa kong mga mata na isang papel ang ibinibigay niya rito.

Nagtitinda siya ng maliit na papel?

Nagtaka naman ako kaya nilapitan ko ito.

"Oh ija, bili ka na," napatingin ako sa nagbebenta ng papel nang tawagin niya ako. "Seventy pesos nalang ang ticket, bili ka na para maka-punta ka sa circus,"

Tila napintig ang aking tenga sa narinig. Circus?

Naalala ko ang sinabi ng babae kanina.. pupunta sila sa circus dahil may serena roon?

Hindi kaya...?

Agad kong kinuha ang pera sa bulsa ko at nakita kong bente pesos nalang ang tira.

Tangina? Huhuhu.

Naluluha akong tumingin sa lalaking nagbebenta ng ticket. "Kuya, hindi ba pwedeng bente nalang?" Pinakita ko sa kanya ang bente na hawak ko. "Ito nalang kasi ang natira sakin eh,"

"Ay nako ineng, hindi pwede," sagot nito kaya nanlumo ako.

Nakanguso akong tumalikod at pumasok nalang ulit sa loob ng restaurant. Umupo ako sa table namin at ang mga kasama ko ay sarap na sarap sa pagkain ng burger.

"Hmm, ang sarap nito ah," ani Aillard habang sarap na sarap sa pagkain ng burger.

Si Nazneen naman ay parang tangang tinitignan ang isang piraso ng French fries at tila sinusuri ito.

Napatawa ako dahil sa inasta nito. Kung nandito siguro si Savannah ay sigurado akong mai-enjoy niya ang mga pagkaing ito.

Napatingin ako kay Lyr na hindi kumakain at nakatingin lang sa akin. May leche flan sa harap niya ngunit hindi niya iyon ginagalaw.

Sayang.. kung ako sa kanya ay kakainin ko na ito. Paborito ko naman iyon.

"Kailangan pala nating makahanap ng pera," sabi ko sa kanila. "May narinig akong babaeng nag-uusap kanina at pupunta daw sila sa circus, at may mga serena daw roon," explain ko. "Hindi ako sure kung totoong mga serena iyon pero wala naman sigurong masamang mag-try ano?" Tumango tango lang ang mga ito sa akin.

"Eh paano ba tayo makakapunta sa circus na iyan?" Tanong ni Lorcán sa akin.

Tinuro ko naman ang lakaking nagbebenta ng tickets sa labas ng restaurant. "Kailangan nating makabili ng ticket,"

Marami pa kaming pinag-usapan. May isiping namang pumasok sa isip ko. Sa tuwing July ay may singing contest na nagaganap sa lungsod namin at ang mga nananalo ay pinepremyuhan ng ten thousand.

Hmmm...

"Guys," pagtawag ko sa kanila. Tumingin naman ang mga ito sa akin. "May idea na ako kung paano tayo magkaka-pera,"

Atlantis Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon