ೋ
Chapter 13Sereia's POV
Nakasunod ako sa kanila habang papunta sa palasyo ng Darya. Irereport kasi nila ang balitang may nahuling serena sa pangpang.
"ANO?!" hindi makapaniwalang tanong ng hari.
"Hindi ba't sinabi na namin na huwag pumunta ng pangpang o kahit saan na malalapit sa mga tao?" Kalmado ngunit mahihimigan mo ang inis sa boses ng reyna.
"Pasensya na po, mahal na hari at reyna," ani Lyr. "Hindi po sila namin na bantayan ng mabuti," sinasabi niya iyon habang nakayuko.
Gusto ko tuloy sisihin ang sarili ko. Alam kong pupunta at pupunta si Savannah sa pangpang pero wala man lang akong nagawa. Binalaan ko na ito noong isang araw na huwag lumapit sa pangpang pero ginawa niya parin.
Ano bang meron sa pangpang at gusto niyang pumunta roon?
"Pasensya na ho, ako ang dapat sisihin dito," napatingin ang lahat sa lalaking nagsalita.
Mukhang kakapasok lang nito sa pintuan ng palasyo. Nakatingin ito ng deretso sa hari at reyna at bakas ang pagsisisi sa mukha niya.
"Ako po ang may kasalanan dito," ani Noam. Lumapit ito sa gawi ng hari at reyna at bahagyang yumuko. "Alam ko pong pupunta siya sa pangpang ngunit wala man lang akong ginawa para pigilan siya," pagpapatuloy niya ng kanyang sasabihin. "Gusto niya kasing makita ang kanyang ama kaya hindi ko na siya napigilan pa,"
Niya? Sinong niya?
"At isa sa mga nawawala ang anak ng isang protector?" Hindi makapaniwalang tanong ng reyna.
Ahh, kaya pala gustong pumunta nito sa pangpang para siguro makita nito ang kanyang ama.
Pero sino nga ba ang serenang ito?
"Hindi ito ang oras para magsisihan kung sino ang may kasalanan," ani ng hari sa kalmadong boses. "Guardians," tumingin ito sa amin. "Pumunta kayo ng lupa at hanapin ang mga nawawalang serena,"
"Ngunit hindi ba't dapat ang protectors na ang gumawa no'n?" Tanong ni Lyr. Wow ha. Ganyan ba siya ka-excited para maka-date ulit si Aillard o baka naman nabitin ito sa date nila dahil sa nangyari, huh?
Mahagyang tumalim ang titig sa kanya ng hari. "Kayo ang dapat na maghanap sa kanila dahil una sa lahat obligasyon niyong bantayan sila ngunit pinabayaan niyo lang!" Pilit pinakalma ng reyna ang hari. Siguro ay sobrang gigil na talaga nito sa amin.
Wala daw munang sisihan pero sinisi kami ngayon, hays.
Wala kaming nagawa kundi bumalik sa headquarters para kumuha ng iilan na gamit doon. May ipinabigay din sa amin ang reyna, isang singsing iyon na magpapa-anyong tao sa amin.
Napatingin ako kay Nazneen na nag-aayos din ng gamit. Hindi ba't guardians lang ang pupunta para hanapin ang mga serena? Huwag mong sabihing sasama rin ito? Dahil kung oo, aba mahirap 'to. Kasama ba naman niya ang lalaking nanloko sa kanya at pinapagpalit sa ex niya.
Hay, buhay nga naman.
Lumalangoy na kami ngayon patungo sa isla na pagmamay-ari ng isang protector. Iba ito sa pinuntahang isla namin ni Savannah. Higit na mas malawak ito at halatang tago.
Nang nasa buhangin na kami ay sinalubong kami ng lalaking nasa late 20's na nito. May dala siyang tuwalya at mga gamit.
"Ano pang hinihintay ninyo? Isuot niyo na ang singsing para mas maaga na tayong makapagplano," anito.
Mukhang siya ang protector na tinutukoy nila na nagmamay-ari ng islang ito.
Sinuot na namin ang aming singsing at ang buntot ko ay naging paa na.
Yeeesss!
Minsan aminado akong pabida kaya naman agad akong tumayo samantalang ang iba kong kasama ay nakadapa parin.
Siguro ay nahirapan silang tumayo, hihi.
Taas nuo akong naglakad at proud na proud pa ako. Ngunit ang lahat ng confidence ko ay naglaho na parang bula nang marinig ang sinabi ni Lyr.
"Sereia... you're n-naked,"
Oh shit.
BINABASA MO ANG
Atlantis
Fantasy[On-Going] Highest Rank Achieved: #3 in Mermaids Sereia is just a simple girl with an exquisite beauty. Halos lahat ng lalaki ay nagkakandarapa dito. A money, beauty, brain.. everything. Everyone thought she has 'everything' but there's one thing th...