ೋ
Chapter 15Sereia's POV
Patungo na kami ngayon sa stage, naka-suot na kami ng aming mga costumes at kami na ang susunod na kakanta.
Ito lang ang naisip ko upang magkaroon kami ng pera, 'yon ay kung mananalo kami.
"Sigurado ka ba sa plano mo?" Tanong sa akin ni Aillard na parang 'di sigurado.
Sasagutin ko na sana siya nang magsalita si Nazneen. "Kung ayaw mong kumanta, bumalik ka nalang sa dagat," aniya habang naka-cross arm sabay irap.
Hindi pa ba ito naka-move on?
"And our next performers are the Merians Corals!" Anunsyo ng babae kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Agad kong hinila si Lyr sa kamay. "Tara na, tayo na ang magpe-perform,"
Nagtataka naman akong tinignan ni Lyr. "Merians Corals?"
Tumango ako. "Hmm, 'yon ang pangalan ng banda natin, hehehe."
"Psh," si Nazneen sabay irap.
Nang makarating kami sa stage ay halos hingalin ako kakatakbo. Pumunta na kami sa aming pwesto at nagsimula nang magpatugtog si Aillard at Lyr ng gitara, si Lorcán naman ay gamit ang piano.
Kaming dalawa ni Nazneen ang kakanta kaya sana hindi pumalpak. Mukhang bad mood pa nga 'tong katabi ko. Nakapagplano na rin ako nakapagnanalo kami dito, bibili ako ng dictionary at ibibigay kay Nazneen, para naman malaman niya ang ibig sabihin ng salitang 'move on'.
"I messed up tonight
I lost another fight," nagsimula nang kumanta si Nazneen. Ang mga mukha ng mga tao ay halatang namamangha sa kanilang nakikita. Syempre, ang ganda ko ba naman."I keep falling down
I keep on hitting the ground
I always get up now to see what's next," sunod ko namang kanta. Ang mga bibig ng mga manonood ay halos ngumanga na.Syempre ang ganda ng boses ko. Char.
"Nobody learns without getting it wrong
I won't give up, no, I won't give in
'Til I reach the end," nagsabay na kami sa pagkanta ni Nazneen. Sina Lyr, Aillard at Lorcán ay patuloy parin sa pagtugtog ng kanilang instrumento.Pansin kong nakatingin ang ibang kababaehan sa likuran namin kaya lumingon rin ako doon.
"I wanna try everything
I wanna try even though I could fail
I won't give up, no, I won't give in
'Til I reach the end," pagpapatuloy ko parin sa pagkanta.Nakita ko si Lyr sa likuran ko na nasa likuran at nagtitipa ng kanyang gitara. Simpleng white long sleeves lang ang suot niya at hindi naka-butones ang sa taas n'yang damit. Napatingin uli ako sa mga babaeng kulang nalang maihi sa kinakatayuan nila habang nakatingin kay Lyr.
Sarap dukutin mga mata n'yo ih.
"I wanna try everything
Iwanna try even though I could fail
I won't give up, no, I won't give in
'Til I reach the end
Then I'll start again
No, I won't leave
I wanna try everything," pagtatapos namin sa kanta. Agad nagtayuan at nagpalakpakan ang mga tao sa amin. Pumagitna naman kami at naghawak kamay sabay bow.Oh 'di ba, ako nag-turo sa kanila ng ganyan, hihihi.
Bumaba na kami ng stage dahil may susunod pang contestant. Malalaman kung sino ang nanalo kapag natapos na ang contest na ito.
Nang makababa kami ng stage ay agad kaming nagtawanan—ako lang pala. Eto kasing mga kasama ko ay ang seseryuso eh.
"Anong nang susunod na mangyayari?" Tanong sa akin ni Nazneen habang naka-cross arm.
"Hmm, kung mananalo tayo pwede nating magamit ang pera para maka-bili ng ticket," sagot ko sa kanya habang tumatango-tango. Ang talino ko talaga, hihi.
Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Eh pa'no kung hindi tayo mananalo?"
Tinignan ko naman siya sa mga mata niya. "Edi maghahanap tayo ng pera," simpleng sagot ko. "At tsaka, mukhang nagustuhan naman nila ang performance natin kaya eighty percent sure akong mananalo tayo!" Sabi ko pa sa kanila sabay thumbs-up.
"What happened to the twenty percent?" Tanong sa akin ni Lyr.
"Ang twenty percent ay ang negative energy na pumasok sa banda natin. Siya 'yong tipong walang kabuhay-buhay kumanta kanina at—"
"Pinaparinggan mo ba 'ko?" Nakataas kilay na tanong sa akin ni Nazneen.
"Luh, inaano kita d'yan?" Pagmaang-maangan ko.
"Mas malinaw pa sa clear na ako ang tinutukoy mong bad energy," sabi niya at tinignan ako ng masama.
Umiwas naman ako ng tingin bumulong nalang sa hangin. "Negative energy kasi 'yon,"
"Isa sa mga rule ng mermaids and mermans na huwag pilitin ang isa kung ayaw nitong gawin ang isang bagay," dagdag pa niya.
Tinignan ko naman siya. "Eh bakit? Pinilit ba kitang pumunta sa lupa? Hindi ba't ikaw ang kusang sumama? At isa pa, hindi ko sinabing maki-kanta ka sa amin ah," sabi ko habang naka-nguso.
Lumapit sa akin si Lyr para awatin kaming dalawa. "Stop fighting," ani niya pa.
"What is happening here?" Isang hindi pamilyar na baritonong boses ang narinig ko mula sa aming likuran.
Napalingon kami roon at nakita ko ang isang gwapong lalaki na hindi nalalayo sa edad namin.
"Hey, man." Bati sa kanya ni Lorcán at nakibanggaan pa ng balikat. Binati din ito nina Lyr at Aillard, si Nazneen naman ay pilit lang na ngumiti dito. Ako naman ay nagtataka kung sino ang lalaking nasa harap namin ngayon.
Nag-uusap sila ng kung ano-ano pero 'di ako maka-relate, hanggang sa dumapo ang tingin niya sa akin.
Tinignan niya ako na parang nagtataka, ako naman ay binigyan siya ng nagtatanong na tingin.
"Sino ka?" Wala sa sariling tanong ko.
Tinaasan niya naman ako ng kilay at tila 'di inaasahan ang tanong ko. Para bang ineexpect na niya na kilala ko ito pero ang totoo ay hindi naman talaga.
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at nagpakilala. "I'm Elias, the descendant of Poseidon,"
BINABASA MO ANG
Atlantis
Fantasy[On-Going] Highest Rank Achieved: #3 in Mermaids Sereia is just a simple girl with an exquisite beauty. Halos lahat ng lalaki ay nagkakandarapa dito. A money, beauty, brain.. everything. Everyone thought she has 'everything' but there's one thing th...