ೋ
Chapter 4Sereia's POV
"Water Generation is the ability to produce water from your own hands. Hydroportation, you will be able to teleport across short or long distances through liquid water. And lastly, hydrokenesis, you can manipulate and control liquid water and mold it into any desired shape or form," kanina pa nagsasalita si Lyr pero hanggang ngayon nakatunganga parin ako.
Unti-unti kong pinoprocess sa utak ko ang mga nangyari, kung totoo ba ito o panaginip lang.
Pero mukhang totoo talaga.
"Are even listening?" Parang naiinis na tanong ni Lyr sa akin.
Napaigtas naman ako sa sinabi niya. Huh?
"A-Ahm, eto ba 'yung A-Atlantis Academy na sinasabi nila? Hehehe," tanong ko bigla, pag-iiba ng topic.
"No," si Lorcán ang sumagot.
"This place is ours. Para sa mga guardians ang lugar na ito, dito nagaganap ang pagpupulong at minsan training na rin," dagdag nito, tumango tango naman ako pero ang totoo niyan ay wala talaga akong pake alam kung ito ang Atlantis Academy o hindi.
"Eh nasaan na 'yung Academy?" Tanong ko muli.
"Nasa Atlantis," sagot naman ni Aillard at tumawa.
"Mag-aaral ka lang sa Atlantis kapag natutunan mo ng gamitin ang kapangyarihan mo," seryusong sabi sa akin ni Lyr.
Huhuhu, ayan na naman 'yang kapangyarihan na 'yan eh. Sinusubukan kong ilayo ang topic tapos binabalik niya, tsh.
Ngumuso nalang ako at tumango.
"Now, all you have to do is to concentrate, don't get easily disturb,"
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Tumingin ako sa tubig at nag concentrate.
"Raise your right hand,"
Itinaas ko naman ang kamay ko at sinubukang kontrolin ang tubig.
"Pshh, hahahaha!" Tumingin ako kay Lorcán ng bigla itong tumawa.
"Tsk, I said don't get easily disturb," naiinis na sabi ni Lyr.
Tinuro ko naman si Lorcán. "Eh ang ingay niya eh!"
"That's why you need to concentrate," madiin na sabi sa akin ni Lyr. "Kung pupunta tayo sa mga misyon, don't expect na tahimik lang ang mga lugar na iyon. Kailangan mong mag-concentrate. Don't mind the noise, kailangan mo ng matinding konsentrasyon na hindi madaling masira ng simpleng ingay lang,"
Napayuko ako dahil sa hiya. Parang natakot din ako dito dahil mukhang galit na ito.
"Do it again,"
Tumingin ulit ako sa tubig, katulad ng sinabi ni Lyr ay mas nag concentrate pa ako. Itinaas ko ang kanang kamay ko at sinubukang kontrolin ang tubig gamit ang isipan ko.
Ilang beses ko 'yun ginawa ngunit nahirapan ako. Siguro ay hindi talaga ako magaling mag concentrate.
Try ko kayang mag meditation tuwing umaga?
Sa muling subok ko ay muli kong itinaas ang aking kanang kamay at — woah!
Nanlaki ang mga mata ko dahil may kaunting tubig na tumaas, kaya mas lalo pa akong nag concentrate at sinsubukan iyon gawing bilog, sinubukan ko ring hatiin iyon sa tatlo at gawing hugis puso.
Nakangiti kong ipinakita sa mga kasama ko ang nagawa ko kaya natuwa naman sila. Si Aillard naman ay pumapalakpak pa.
"Not bad for a newbie," Lyr said while looking at me. Tumingin siya sa mga tatlong hugis pusong gawa sa tubig na gawa ko na ngayon ay lumulutang parin sa ere, nakita ko kung paano siya ngumiti pero bigla ring nawala iyon at umiling nalang siya.
"We need to rest, it's already night," sabi niya kaya nagpaalam naman sina Aillard ar Lorcán na mauna na dahil inaantok na sila.
Ako naman ay balak na bumalik sa palasyo ng Darya para malasahan ang masarap na pagkain na tinutukoy ni Lyr kanina.
Sana nga may tira pa, hehehe.
"Where are you going?" napatingin ako kay Lyr, nakasunod ito sa akin.
"Sa palasyo ng Darya," sagot ko sa kanya. "Titignan ko lang kung may pagkain pa ba doon na natira, yung masarap hehe,"
Ngumiti naman siya dahil sa sinabi ko. "Don't worry, I'm sure meron pang natira doon,"
Sana nga, huhuhu. Gutom na ako eh.
Lumangoy kami patungo sa palasyo, kahit gabi na ay marami paring mga tao.
Umupo ako sandali sa mga upuan, ang sabi kasi ni Lyr ay siya nalang daw ang kukuha ng pagkain namin.
Pagdating niya ay may hawak hawak siyang malaking kabibe na may mg lamang pagkain. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon pero mukhang masarap.
Kinain ko na ito at hindi ko mapigilamg mapa-hum habang kumakain. Napakasarap kasi nito.
"Ano 'to?" Tanong ko kay Lyr, patukoy sa pangalan ng pagkain.
"That's deleica,"
Woah. Pati pangalan, ang ganda!
"Hmm," sabi ko pa habang kumakain.
"Antsarap tsarap!"----
Pagkatapos naming kumakain ay lumangoy langoy muna ako sa dagat. Wala naman kasi akong gagawin sa apartment ko kaya dito nalang muna ako.
Lahat ng serena ay nakatira sa apartment, maliban nalang sa mga may trabaho na at sa mga mataas na tao na may sariling bahay.
Sa apartment muna ako ngayon habang hindi pa nalilinis ang titirhan ko.
Nang antukin ako ay bumalik ako sa Bay — ang pangalan ng apartment.
"Hi!" Bati sa akin ng isang serena habang lumalangoy ako papunta sa room ko.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Hi,"
"I'm Savannah," pagpapakilala niya.
"I'm Sereia,"
Tumili ito. "Oh em jiii! I heard you're the third guardian, can we be friends?" Tanong niya at nag-beautiful eyes pa.
Natawa naman ako. "Sure, why not?"

BINABASA MO ANG
Atlantis
Fantasy[On-Going] Highest Rank Achieved: #3 in Mermaids Sereia is just a simple girl with an exquisite beauty. Halos lahat ng lalaki ay nagkakandarapa dito. A money, beauty, brain.. everything. Everyone thought she has 'everything' but there's one thing th...