32 Stalker

854 7 0
                                        

SHASIA SHANE VILLA'S POV

Napaungol ako sa naramdamang sakit sa ulo ko. Tila pinukpok iyun ng kung ano. Napahawak ako sa noo ko at pilit ibinuka ang mga mata. Bumungad saakin ang kisame.

Napatingin ako sa paligid. Bakit parang, pamilyar? Ang kwartong ito tila nakapunta na ako rito noon..

Muling bumalik sa isipan ko ang hubad na katawan ni Diana at Jin Francis. Mariin akong napamura sa aking isipan at agad na bumangon sa kama ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kama ay bumagsak na ako sa sahig.

Saka ko palang naramdaman ang mabigat na bagay na nakagapos sa paa ko. Pagkatingin ko rito ay lalo akong nagulat, nakakadena ang paa ko! Bumilis ang paghinga ko, masamang panaginip ba ito?! Napapikit ako at pilit inaalala ang mga nangyari.

Umalis ako ng condominium building, nasa parking lot na ako at binuksan ang kotse ko para tumungo sa Casa Buenas na sinabi ni NW ngunit hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari. Napahawak ako sa batok ko, masakit parin iyun.

Ang kwartong ito, dito kami dinala ni Jin Francis! Narito na ako sa Casa Buenas! Nakidnap ako ni NW!

Biglang bumukas ang pinto. Napaawang ang bibig ko nang makilala kung sino iyun.

"I-ikaw si NW?!" Gulantang kong tanong at ngumisi lamang ito.

Kumuha sya ng silya at umupo roon. Nagsindi sya ng sigarilyo at puno ng pagnanasang pinasadahan ako ng tingin.

"B-bakit.. P-paano?? M-matagal na kitang kilala, hindi ko akalaing magagawa mo ito saakin!"

"Hindi naman talaga hahantong sa ganito ang lahat, Sha. Kung hindi pinatay ng baliw mong kasintahan ang kapatid ko!"

"Ano bang pinagsasabi mo?! Sinong kapatid mo?! At paanong naging NW ka?!"

"Well then. Listen up well, Shasia. Dahil ikekwento ko sayo ang buhay ko." Anya at napabuga ng usok.

"Ang ina ko ay naging kabit ng isang mayamang lalaki at ako ang naging bunga. Kahit kailan ay hindi ko nakilala ang ama ko. Lumaki akong mahirap pero nagpursige akong mabuti para maiahon ang sarili ko, Sha. Hanggang laking pasasalamat ko na makilala ako ng ina mo. Binigyan nya ako ng magandang oppurtunidad sa malaking syudad, full scholarship sa college at magandang pwesto sa kompanya nyo. At dahil matagal na akong kilala ng ina mo ay naglakas loob akong humingi ng permisong ligawan ka.."

Nanatili ang tingin ko sakanya.

"Pero alam mo ba kung anong ginawa nya?!" Dugtong nya at tila nanggigigil habang inaalala ang nangyari. Tumalim ang tingin nito saakin

"Pinagtawanan nya ako! Ipinamukha nya saaking hindi ako karapat dapat na maging kasintahan mo! Kaya naman inisip ko na siguro ay kulang pa ang effort ko.. Dapat ay may mas maipagmamalaki pa ako, hanggang sa ipakilala ni Jin Francis ang sarili nya saakin bilang kapatid ko. Sya ang anak na legal ng mga Buenas ngunit hindi nya ako itinuring na iba, binahagian nya ako ng yaman na iniwan ng ama namin. Mayaman rin ako Sha! Inakala kong pwede na tayo pero hindi! Nawasak ang kaisipang iyun nang mamatay ang kapatid ko sa hindi makataong paraan at natuklasan ko pang ang pumatay sakanya ay ang kasintahan mo!"

"Pero paano ka naging NW?" Takang tanong ko dahil hindi nya naman nasali yun sa kwento nya

"Noli West ang name ko!" Sigaw nya saakin kaya napapikit ako.

"Alam kong hindi makatarungan ang pagkamatay ng kapatid mo West! Pero isipin mo rin sana na pinagsamatalahan nya ako, kami ng pinsan ko dinruga nya kami!"

"Kasinungalingan! Mabuting tao ang kapatid ko! At ikaw Sha ang magiging kabayaran ng lahat! Hindi naging madali para saakin ang halungkatin ang mga tinatagong baho ni Arjeon Hearwhilm ngunit lahat ng iyun ay ginawa ko para sirain sya! At upang tuluyan syang masira ay aagawin kita sakanya!" Anya at malagim na tumawa

Psychotic Romance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon