Kabanata 4

13 2 0
                                    


Nandito kami ngayon sa kwarto ni Lea at masayang nagkwentohan. Sa totoo lang, mas maraming pa siyang kuwento kesa sa akin. Ang kadaldalan niya ang naghari sa kwarto ng ito pero masaya naman siya kausap.

"May ipapabasa ako sayo Clara, take a look" masayang sabi niya saken at inabot ang sulat na may puso pa. Hindi ko rin minsan maintindihan ang sinasabi niya minsan kasi di naman tagalog. Pano ko babasahin to? Di ako marunong.

"Naku Lea pagpasensyahan mo na ako, di ako nakapag-aral sa hirap ng buhay" palusot ko.

"Really? Ahhh talaga? Gusto mo turuan kita or pagnagkapera ako kukunan kita ng teacher para matutor sayo?" mahabang sabi niya. Wala na akong magawa pa kung hindi tumango.

"Oo nga no ang lalim ng tagalog mo, naintindihan mo ba ako pag nag English?" tanong niya. Salitang Englis pala yun?

"Pasensya na, hindi eh" nahihiyang sagot lo at ngumiti sa kanya.

"Talaga? Dapat sinabi ko agad, pasensya na" sabi niya at hinawakan ang kamay saka ngumiti.

"Ah wala iyon" sagot ko nalang.

Isang oras lang ang nakalipas bago ako pumunta sa kwarto ko natulog

Kinabukasan, ginising ako ni Lea para kumain ng agahan. Nakita ko siyang nakauniporme na at handa nang pumasok sa paaralan. Nag- kwekwentohan lang kami habang kumakain. Maraming rin kuwento si Lea sa akin tulad ng, marami daw siyang gustong lalaki sa school nila, tapos nagapply daw siya ng part time job sa isang gusali. Kahit hindi ko naintindihan ang sinasabi niya minsan ay pipaintindi naman ito ni Tito. Maituturing ko silang pamilya sa taong to. Si tito ay ituturing kong tatay at si Lea naman ay kaibagan at kapatid.

"Aalis na ako pa at Clara ah" paalam ni Lea bago umalis. Sigurado akong maraming ekwekento mamaya iyon.

"Clara, pupunta tayo sa manggagamot ngayon" panimula ni Tito.

"Ah saan po ba iyon? Di ko alam kung saan" malungkot kong tugon.

"Huwag ka mag-alala ija, nasa akin ang address" sabi ni tito at ngumiti sa akin.

Sabi ni tito sa akin ay ang tawag daw sa transportasyon na iyo ay bus. Mahaba ang biyahe namin, hindi ko lang alam kung saan kami patungo. Maraming matataas na gusali na nakatayo, wala na masyadong puno hindi tulad ng panahon ko, marami rin ang iba't ibang uri ng transportasyon na iba iba ang kulay at higit sa lahat, marami na rin tao sa paligid.

Ilang sandali pa ay bumaba na kami, naglakad pa kami ng kaunti bago kami makarating. Ilang beses tinignan ni Tito ang katawan hawak niya at sa bahay na nasa tapat namin. Saktong sakto ang katawan at kung saan kami ngayon.

Ito ay maliit lamang na bahay na makaluma ang disenyo pero maganda tignan. Ilang sandali pa ay tinawag ako ni tito.

"Clara, ikaw na ang kumatok at pumasok" sabi niya na ipinagtaka ko, hindi ba siya papasok?

"Hindi ka po ba papasok?" tanong ko at umiling siya.

"Babalikan kita bukas ng umaga dito Clara at ikaw na ang bahala makipag-usap sa manggagamot" sabi niya kaya tumango nalang ako. Nagpaalam muna si tito Julio bago umalis. Binigyan niya lamang ako ng pera para may mabibili ako kung sailing gutumin.

Kumatok na ako at ramdam ko ngayon ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang matandang babae na may puting buhok. Ngumiti siya sa akin at sumenyas na pumasok.

"Magandang hapon po" panimula kong sabi. Sumenyas siya sa akin na maupo bago pumunta sa kusina niya at kumuha ng maiinom ko.

Maraming bote ang nakalagay sa ang dingding ng bahay, at iba iba ang kulay. May mga gamit rin para sa isang maggamot at maraming halaman sa loob ng bahay niya.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo ija" taong niya na kasalukuyang nasa harapan ko.

"Hindi na po ako magpaligoy ligoy pa lola, gusto ko lang po malaman kung ano ang dapat kong gawin para makuha ko po ang gamot para sa aking ina na may sakit" mahabang sabi ko saka siya ngumiti.

"Maari ko bang malaman ang pangalan mo ija?" tanong niya at tumango naman ako.

"Ako po si Clara" sabi ko saka siya tumango. Tumayo siya at may kinuha sa lamesang medyo malayo sa kaniya. Binuklat niya ito at parang may binabasa o hinahanap.

"Apo ka ba ni Petra?" tanong niya at umiling ako.

"Hindi po lola" deretsong sagot ko.

"Aba bakit kita bibigyan ng gamot? " tanong niya na ikinagulat ko. Ano ang gagawin ko? Pano to?

Tatlompu't Pitong Taon ✅Where stories live. Discover now