Lunes ngayon, at pumasok na si Lea sa paaralan niya. Si tito naman ay may pinuntahang kliyente at ako naman ay kasalukuyan naglilinis lamang ng bahay.
Habang nanonood ako ng palabas sa telibisyon, may narinig akong katok sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang babae na hindi ko kakilala.
"Sino po kayo?" tanong ko.
"Ahh ako so Risa, classmateako ni Lea, andyan ba siya?" tanong niya.
"Wala po" simpleng sagot ko.
"Baka nasa trabaho pa po niya" sagot ko rin.
"Ah ganoon ba? Pakibigay nalang sa kanya ito" sabi niya at inabot sa akin ang kahon na kulay pula na sobrang ganda ng disenyo.
"Para saan to?" tanong ko.
"Kaarawan niya kasi bukas eh, kasi may alis ako bukaskaya ipapabigay ko nalang" pakiusap niya sa akin.
"Ikaw ba ang kapatid niya?" tanong niya
"Pinsan niya ako" sagot ko at ngumiti.
"Ah ganoon ba? Salamat ah sabihin mo Happy birthday nalang" sabi niya at tumango naman ako. Mukhang mabait naman siya at nagabala pa talaga siya pumunta dito.
"Walang anuman, mag-iingat ka" sabi ko naman bago siya umalis.
Kaarawan niya pala bukas? Ano kaya ibigay ko sa kanya? Wala naman akong pera dito.
Alas 5 na ng hapon ng marinig ko ang tunog sa silpon ko. Hindi ko alam kung sino man ito pero sagutin ko nalang. Tinuruan ako ni Lea kagabi kung paano gamitin ito kagaya ng pagsulat ng mensahe at pagsagot sa tawag.
"Sino to?" panimula ko.
"Hi Clara, si Lucas to" sagot niya sa kabilang linya.
"Ah sino nagbigay sayo ng numero ko?" nagtatakang tanong ko.
"Si Lea" simpleng sagot niya.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo Lucas?" tanong ko.
"Gusto lang kita kamustahin" sagot niya.
"Okay lang ako haha, ikaw?" tanong ko rin.
"I'm fine too" sagot niya.
"Bakit ang lalim ng tagalog mo?" tanong niya.
"Nakuha ko pa ito kung saan ako nang galing"sagot ko. Totoo naman.
"Ahh really? That's amazing" puri niya ata pero di ko naintindihan.
"Salamat" simpleng sagot ko.
Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago niya binaba kasi may gagawin pa siya. Alas 7 na ng gabi at kakauwi palang ni tito, nagluto ako ng uulamin namin ngayon. Ilang sandali lang ay nakauwi na rin si Lea.
"Masarap yan ah" puri niya sa luto ko.
"Talaga" sagot ko at tumawa siya.
"Oo nga pala Lea, may pinabigay sa iyo si Risa ata yun" sabi ko at nilingon niya ako pagtapos niya nilapag ang dala niya.
"Talaga? Ano yun?" tanong niya.
"Mamaya ko nalang ibibigay sa iyo" sagot ko at tumango naman siya.
Nandito kami sa silid ko ngayon, naisipan kong ibigay na ni Lea ang regaling iyon.
"Ito oh, sabi niya rin maligayang kaarawan" masayang tugon ko at ngumiti siya. Akmang bubukasan niya ito pero pinigilan ko siya.
"Ano ka ba, bukas mo na buksan iyan" pigil ko pa.
"Salamat Clara ah, ako na ang bahala magpasalamat ni Risa bukas tatawagan ko nalang siya" saad niya pa.
"Ay oo nga pala, imbitahan ko nalang si Lucas dito bukas sa kaarawan ko" sabi niya pa na ikinagulat ko.
"Uyy may gusto ka sa kanya no? Namumula ka pa jan" sabi niya pa at tumawa.
"Hindi naman" sabi ko nalang.
Biglang tumunog ang silpon ko at nakita ang mensahe ni Lucas. Hindi ko maintindihan ito kaya nagtanong ako ni Lea.
From Lucas: wyd?
"Ang ibig sabihin niyang ay What You Doing, means ano ang ginagawa mo ngayon" sabi niya pa.
"Salamat" sagot ko at nag mensahe rin sa kanya.
To Lucas: Matutulog na sana
From Lucas: Anyways see you tomorrow
To Lucas: May pangregalo ka ba? Wala kasi ako, walang pera.
From Lucas: Meron, gusto mo sama tayo bumili ng regalo para sa kanya?
To Lucas: Oo sge.
From Lucas: okay then, goodnight.
To Lucas: matulog ka ng mahimbing
Saan kaya ako manghingi ng pera? Siguro kay tito na lang at babayaran ko nalang siya pag nagkapera.
Bukas magkikita kami ni Lucas, gusto ko na siya makita at hindi ako makatulog ng maayos ngayon. Iba ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya, lalo na at umiilaw ang kwentas ko pag kasama ko siya. Siya na kaya ang hinahanap ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/228319434-288-k746734.jpg)
YOU ARE READING
Tatlompu't Pitong Taon ✅
Lãng mạnSi Clara Magallanes ay nabuhay sa panahong 1980. Meron siyang limang kapatid na si Mario, Marites, Maria at Juan. Pumanaw na ang kaniyang ama at ang kaniyang ina naman ay may malubhang karamdaman. Binigyan siya ni Aling Petra, manggagamot na makuha...