Kabanata 13

6 1 0
                                    







Kinabukasan, sinamahan muna ako ni tito papunta sa lugar nila Madam Ore bago siya pupunta sa trabaho niya.

"Ikamusta mo nalang ako kay Madam ah, susunduin kita" sabi niya.

"Opo tito, ingat po kayo" sabi ko saka umalis.

Ano ba iyan, magkikita pala kami ni Lucas ngayong gabi. E tetext ko nalang siya.

To Lucas: Magandang umaga, nandito ako sa Laguna pero uuwi ako mamayang gabi kasi hihintayin ko pa si tito na sumunod sa akin. Ayos lang sa iyo?

From Lucas: I'll get you nalang. Anwy Goodmorning.

Tinext ko rin si tito na si Lucas nalang ang susundo sa akin at ayos lang sa kanya. Sabi ni tito siya nalang daw magbigay ni Lucas ng lokasyon kung saan ako kaya binigay ko sa kanya ang numero ni Lucas.

Kumatok na ako at hindi ako nabigo kasi binuksan agad ito ni Madam Ore. Pinaupo niya ako at binigyan ng inumin.

"Oh ija, napaaga ka?" tanong niya.

"Opo paumanhin, may gagawin lang po ako mamaya" sagot ko.

"Naguguluhan ka ba ija?" tanong niya kaagad.

"Opo, bakit po ba umiilaw tong kwentas ko na binigay sa akin ni Aling Petra?" naguguluhan kong tanong kasi naisip ko yung dalawang lalaki.

"Talaga?"masayang tanong niya.

"Ibig sabihin niya ija e nakita mo na ang tataong hinahanap mo par mabuo ang iyong puso" masayang tugon niya.

"Madam Ore, dalawang lalaki po" kinakabahan kong tugon.

"Ganoon ba?" sabi niya at nag-iisip.

"Nililinlag ka ng tadhana ija" banta niya sa akin at kinabahan naman ako.

"Ano po gagawin ko?" tanong ko.

"Malalaman ng iyong puso kung sino ang bibihahagin nito kaya gamitin mo ag puso mo ng mabuti" tugon niya sa akin at binigyan ako ng magaan na ngiti.

"Salamat po" iyan na lamang ang nasabi ko. Nasa akin parin pala ang disisyon.

Alas 3 palang ng hapon at natulog ako dito sa sala ni Madam Ore. Pagkagising, alas 5 na at nakita kong nakaupo si Madam Ore sa tapat ko at may binabasa.

Tumunog ang silpon ko kaya tinignan ko ito.

From Lucas: I'm here.

To Lucas: Sige lalabas na ako.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Madam Ore. Nakita ko rin ang sasakyan ni Lucas at nginitian ko siya.  Lumabas rin ito at nagmano ni Madam Ore. Nagulat si Madam Ore at umilaw ang kwentas ko.

"Madam Ore, mauna po ako salamat po" paalam ko. Ngumiti naman siya sa akin, pero bago siya nagsalita tinapunan niya muna ng tingin si Lucas at ngumiti.

"Oh sige, mag-iingat kayo" sabi niya.

"Ngumiti si Madam Ore sa akin na para bang may sinasabi ang kanyang mga mata.

Tahimik lang ako sa sasakyan at minsan ay tinatapunan ko ng tingin si Lucas na seryosong nagmamaneho.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Gutom lang po" sagot ko at tumawa siya.

"Really? Good" sabi niya.

Alas 7 na ng gabi ng makapunta kami sa isang kainan dito. Habang kumakain, hindi ko maiwasang tignan si Lucas dahil sa kanyang kagwapuhan. Nakita kong tumingin siya sa akin kaya umiwas ako.

"Masarap ba?" tanong niya habang ngumunguya.

"Oo naman, sobra! Salamat talaga" masigla kong sagot kaya napatawa siya. Ang sarap tignan ng ngiti niya parang pinapawi lahat ang problema mo.

"May gagawin ka sa sabado?" tanong niya at umiling naman ako.

"Pupunta tayong tagaytay if it's okay for you" sabi niya.

"Magpapaalam muna ako" sabi ko nalang sa kanya.

"Ako na magpapaalam" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Pwede bang isama si Lea?" tanong ko.

"Tayong dalawa lang" sabi niya naman kaya tumango ako.

Nagpaalam akong pupunta ng palikuran para maghugas ng kamay. Naglalakad na ako papunta upuan namin ng may mabunggo ako kaya umangat ang paningin ko sa kanya.

"Clara?ikaw ba iyan?" tanong ni Brian.

"Ako nga, kamusta ka?" tanong ko.

"I'm fine, it's nice to see you" sagot niya at ngumiti sa akin.

"Who's with  you?" tanong niya. Nagulat ako nang may umakbay sa akin at si Lucas pala.

"Ako dude, why?" sabi ni Lucas.

"I'll see you around Clara" paalam niya at umalis.

Hinatak ako palabas ni Lucas habang hawak ang kamay ko.

"Are you okay? binastos ka ba nun?" Tanong niya at tinuro pa si Brian sa loob kaya naintindihan ko siya.

"Wala naman" simpleng sagot ko. Nakita ko kung pano gumalaw ang panga niya. Bakit siya galit?

"Wag mo na kausapin yun" sabi niya at naluluhan naman ako.

"Paumanhin ngunit hindi pwede, tutulungan ko si Lea para masabi niya na gusto niya si Brian" sabi ko at tinignan niya lang ako.

"Well then, wala naman ako magawa para pigilan ka" sabi niya bago kami sumakay sa sasakyan niya at hinatid ako pauwi.

Tatlompu't Pitong Taon ✅Where stories live. Discover now