Kabanata 18

5 0 0
                                    


Lunes ngayon kaya nanatili lamang ako nag-iba dito sa bahay at inantay lamang si ate Joy. Tumawag din sa akin si Lucas kanknang umaga para mangamusta. Pinapabili rin ako ni tito ng mga makakain sa Mini mart malapit sa amin.

Ala 1 palang naman at alas 3 pa dadating si ate Joy kaya lumabas muna ako at bumili. Habang binabasa ko ang listahan ni tito ay may namukhaan ko na namimili rin kasama si... Lucas?! Kelan pa siya nandito?

Nang magtama ang paningin namin ni Risa ay nginitian ko lang siya. Tatalikod na sana ako nang tinawag niya ako at dahil mabait ako, hinarap ko siya. Nakita ko si Lucas na pumipili ng pagkain at dahan dahan lumingon nang lumapit si Risa sa akin.

"Clara! Remember me?" Nakangiting tugon niya sa akin.

"Oo naman Risa" sagot ko.

Tinapunan ko nang tingin si Lucas na mukhang nahihiya sa akin. Hindi man lang siya nagsabi kung umuwi na siya. Kakatapos lang pala ng bagong taon noong bernes sabi sa akin si Lea. Akala ko sa susunod na Lunes pa siya makakarating dito. Hindi pala.

"Mauna na ako ah" paalam ko pa at tumango lang siya.

Tinalikuran ko nalang sila at pinagpatuloy ang ginawa ko. Naglakad na ako pauwi nang may humawak sa akin.

"Clara, sorry" habol niya sa akin.

"Ayos lang" sagot ko.

"I'll explain" sabi niya. Hinihingal parin.

"Saka na Lucas, mag-aaral pa ako" sabi ko nalang.

Nagpaalam na siya kasi kailangan niya daw samahan si Risa pauwi. Pagkauwi ko, naabutan ko si ate Joy na nakatayo sa labas ng bahay kaya tumakbo ako kahit may dala ako. Nakakahiya.

"Pasensya na are joy, may binili lang ako" paumanhin ko.

"Okay lang Clara kakarating ko lang, tutulungan na kita" mabuti nalang at kakarating lang niya. Kinuha niya na rin ang isang plastik para tulungan ako.

Pinakain ko muna ng tinapay at inumin si ate Joy. Pagkatapos, nagsimula na kami sa pag-aaral. Binigyan niya ako ng paper para basahin ko ang kwento nun.

Tinuruan niya rin ako paano magbilang para hindi daw ako dayain. Tinuruan niya rin ako ng mga salitang Englis. Kaonti palang ang nalalamam ko pero natutuwa si ate Joy kasi kahit papaano ay mabilis ako natututo.

Nang magpahinga kami, naisipan kong mag tanong tanong sa kaniya.

"Ate joy, pwede ba kitang tanungin?" tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang gamit niya.

"Oo naman baby" pang-aasar niya pa. 3 taon lang ang agwat namin pero tinuturing niya akong bata pag tinuruan ako.

"Kailan mo malalaman na mahal mo na ang tao?" tanong ko. Nanunukso naman ang mata niya.

"At sino naman iyang gusto mo?" tanong niya.

"Hindi pa ako sigurado" sagot ko.

"Alam mo Clara, kung ikaw ang unang makaramdam ng pagmamahal ay iparamdam mo nalang sa kaniya o hinatayin mo siyang magsabi sayo na baka gusto ka rin niya" paliwanag niya pa.

"Pero dapat, ang lalaki ang unang magsasabi sa nararamdaman niya sa taong gusto niya at sila ang gagawa ng paraan para mapatunayan na mahal talaga nila" paliwanag niya ulit.

"Ganoon po ba? Ano minsan ang ginagawa ng lalaking umiibig para mabigyan alam ang isang babae na gusto siya nito?" Mahabang tanong ko.

"Syenpre, dadalawin nila, kakain sa labas, papasayahin nila, hindi papaiyakin at lalong lalo na kung hahalikan ka. Pagnagawa niya ang mga bagay na iyan sa iyo, ay espesyal ka sa kanya" sabi ni ate Joy at natamaan naman ako. Tugmang tugma sa ginagawa ni Lucas sa akin. Possible kaya?

"Paano kapag nalaman kong nagsinuling siya sa iyo?" Kasunod kong tanong kaya umakto si ate Joy na nagiisip.

"Naku mahirap iyan, hindi mabuti ang pagsisinungaling. Subukan mong makinig sa kaniya at baka may dahilan lang" sabi niya ulit. Ang galing naman ni ate Joy o sadyang narasanasan na niya ang mga bagay na iyan dati.

"Salamat ate Joy" papasalamat ko at tumango lang siya.

Alas 8 na at hinatid ko na palabas ng bahay si ate Joy. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Lucas na nakasandal sa sasakyan niya sa labas.

Lumapit si ate Joy sa kanya at nagulat.

"Lucas?" tanong niya nito.

"Joy! " Tawag niya rin. Magkakakilala pala sila?

"Wait, ano ginawa mo dito?" tanong niya nito at tumingin siya sa akin.

"I'm here for Clara" sabi niya kay ate Joy at tumingin sa akin.

"Baby, siya ba ang tinutukoy mo?" tanong ni ate Joy at ngumiti pa. Nanunukso.

"Ahh hi--" hindi ko na natapos yun ng magsalita si ate Joy.

"Hindi mo naman binanggit sa akin na gusto mo pala tong pinsan ko!" sabi niya at tumawa.

Tinapunan ko ng tingin si Lucas na nakangiti ngayon na parang bata. Ang saya niya at sa narinig niya, hindi pa naman totoo yun. Kainis.

Nagpaalam na si ate Joy at sumakay sa sasakyan niya at nagpaharurot paalis.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ko rin siya magawang tignan. Nagulat ako nang unti unti siyang lumapit sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinabahan ako at nahihiya. Ate joy naman eh!

"Gusto mo ko?" tanong niya na ikinagulat ko.

Tatlompu't Pitong Taon ✅Where stories live. Discover now