Kabanata 17

7 0 0
                                    



Dalawang araw na akong hindi pinapansin ni Lea. Hindi naman nauwi si tito dito kasi marami siyang gagawin. Hindi ko kaya ang hindi siya kausap, kakapalan ko ulit ang mukha ko.

"Lea?" tawag ko sa kanya sa loob ng silid niya.

"Bakit?" binuksan niya na rin sa wakas.

"May nagawa ba akong mali?" deretsong tanong ko.

"Hindi ko alam pero galit ako sa iyo" kanina niyang sabi pero naiyak siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Sa palagay ko gusto ka niya" sabi niya at lumingon sa akin.

"Hindi totoo iya" sabi ko.

"Anong hindi?! Alam mo ba noong hinatid niya ako e ikaw ang hinahanap niya at hindi siya nagsasawang magtanong tungkol sa iyo?! Pinalagpas ko yun! Pero yung pumunta siya dito ay sabi niya sa akin na ikaw ang pinunta niya Clara" mahaba niyang paliwanag. Nasasaktan ako na umiiyak siya ngayon.

"Hindi mangyayari iyo, iba ang gusto ko" sabi ko nalang para gumaan ang loob niya.

"Tutulungan mo pa rin ako?" tanong niya.

"Oo naman" sabi ko at hinawakan ang kamay niya para patahanin siya.

Pinaghanda ko siya ng pagkain at nagkwentohan pa.

"Sorry Clara ah, dapat di kita pinag-isipan ng masama" paumanhin niya.

"Wala iyo, mahal kita at hindi kita Mario's" sabi ko nalang saka siya tumayo at niyakap ako sa likod.

Dahil linggo ngayon, nagsimba kami ni Lea at sinamahan ko siyang pumunta sa may may maraming libro, kung saan pwede ka magbasa dito at mag-aral. Tinatawag daw itong 'Public Library'.

Nagpaalam si Lea na pipili siya ng libro at iniwan ako sa upuan para magbantay baka mawalan kami ng upuan. Nung makarating siya ay ako nanaman ang naghanap. Habang pumipili ako, may narining akong tumawag sa akin.

"Clara" mahina niyang tawag kaya nilingon ko siya.

"Brian?" Paninigurado ko pa.

"Sino kasama mo?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at kumuha ng 2 libro para mabasa ko iyon. Sinundan niya ako hanggang makaupo. Inantay ni Lea ang paningin niya at nagulat sa nakita niya.

"Lea? Are you mad" pabulong niyang tanong nito. Hindi pwede nabigay dito kasi halos lahat ng nandito ay nagbabasa at nagsusulat.

"Yeah" simpleng sagot ni Lea.

"I'm sorry, Clara told me to talk to her the last time, on your birthday" sabi niya at totoo naman.

"Really?" Tanong niya pa.

"Mabait yan, magaling sa lahat" pabulong ko puri ni Lea pero tinignan ko si Brian.

"Sino naman ang tatanggi sa isang Lea Carson?" tanong ko pa sarili ko kunyari at nakita kong tumawa si Lea.

"Tama na, let's read" pambabara niya pa pero nakangiti pa rin.

Pagkatapos namin, inaya kami ni Brian na mag dinner. Si Lea ang bumili para sa amin kaya naman may oras akong kausapin si Brian.

"Gusto mo ba si Lea?" tanong ko.

"Hindi pa" sagot niya.

"Sana magustuhan mo siya, she likes you" sabi ko pa. Humahanga na ako sa sarili ko at nasabi ko yung salitang Englis na iyon.

"I'm thinking of you " sabi niya at nagulat ako.

"Hindi pwede, may iba akong gusto" deretsong sabi ko at nagulat siya.

"I need to see " Hindi pa siya naniniwala.

"Gusto mo ba ako?" tanong ko.

Sasagot na sana siya pero parating na si Lea at may dalang pagkain kaya tumayo si Brian para tulungan ito. Kanina pa namumula ang mukha ni Lea, nararamdaman ko siya.

Masaya kaming nagkwentohan habang kumakain. Hinayaan kong mag-usap silang dalawa kasi mukhang masaya naman si Lea. Hinatid kami ni Brian papuntang bahay.

"Mukhang masaya ka" bulong ko ni Lea kahit nasa harapan siya ng sasakyan.

"Yeah, thanks" sabi niya pa kinindatan ako.

Umayos ako sa pagkaupo ng lumingon sa amin si Brian na nagtataka. Tinignan ko si Lea, 'sana maging masaya ka'.

Tumunog ang silpon ko kaya sinagot ko ito.

"Clara" tawag niya sa akin sa kabilang linya.

"Lucas" sabi ko at napalingon si Lea at nang-aasar.

"Ano gawa mo?" tanong niya.

"Kasama ko si Lea at Brian, kumain lang" sagot ko.

"Ohh good" sabi niya.

Kinamusta niya pa ako bago niya binaba ang tawag. Sakto rin at nandito na kami kaya bumaba na ako.

Nagpaalam na kami ni Brian at nauna nang pumasok si Lea bago ako pero nagulat ako ng hawakan ako ni Brian sa papulsuhan.

"I like you Clara" hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Tatlompu't Pitong Taon ✅Where stories live. Discover now