Kabanata 29

6 0 0
                                    





Dalawang linggo nalang at matatapos na ang misyon ko. Sa loob nang ilang araw, ay umiiyak lang ako. I don't even know what to do, wala ng pag-asa.

"Clara, kumain ka na ija" tawag ni tito sa akin.

"Susunod po ako tito" sagot ko naman. Lumapit siya sa akin at yumakap. Nagsimula nang bumuhos ang luha ko at inalala si Ina.

"Tito, wala na ata akong pag-asa" naiiyak kong sabi.

"I'm sorry Clara" iyan na lamang ang sabi niya.

Nabalita ko rin kay Lea na ikakasal na sila Lucas sa susunod na buwan. Mukhang hindi ko na mapipigilan iyon at tanggapin nalang ang tadhana.

Nagulat ako nang nakita ko si Lucas sa baba ng bahay at may dalang bulaklak. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at nag-usap.

"Congratulations" bati ko.

"I don't like to hear that" sagot niya.

"I'm leaving Lucas, next month" sabi ko na ipinagtaka niya.

"Babalik na ako kung saan ako nararapat, at  iyon ang taong 1980. Bigo ako sa misyon ko, hindi mo ko kayang ibigin at iyong lamang ang pinunta ko dito. Ang kapalit nun ay ang gamot ng ina ko." paliwanag ko sa kaniya at halatang hindi naniniwala. 

"Sana makita pa kita Lucas" umiiyak na sabi ko.

"I don't believe you" hindi siya makapaniwala.

"Ayos lang" sagot ko. Pinunasan niya rin ang luha ko gamay ang kamay niya.

"Magpakita ka sa akin sa susunod na linggo, magpapaalam lang ako sayo ng maayos" sabi ko.

Sabado na ngayon at hawak hawak ko ang kahon ng gamot ni ina. Bumisita rin ako kay  Madam Ore noong nakaraan. Malungkot siya para sa akin at sabi niya na babalik ako sa taon ko at walang maaalala at higit sa lahat, hindi magagamot si Ina.

Pumasok si Lea sa kwarto ko, niyakap niya ako at umiiyak rin. Nakita ko rin si tito na nakatayo sa likod niya.

"Clara, wag mo kami kalimutan ah" sabi ni Lea na umiiyak.

"Makakalimutan ko ba ang naging kapatid ko sa taong to?" Ngumiti parin ako ng pilit kahit umiiyak.

"Mamimiss kita Clara, bumalik ka ah. Dalawin mo kami! Kasi kung hindi, magtatampo ako sayo" sabi niya at umiiyak parin.

"Hindi ko maipapangako Lea, susubukan ko" sabi ko at tumayo para yakapin si tito.

"Tito Julio, maraming salamat sa lahat lahat! Habang buhay ko pong aalahanin ang kabutihan niyo" sabi ko.

"Mag-iingat ka ija, at bumalik ka" iyan na lamang ang sabi ni tito bago sila umalis ng kwarto ko.

Kinabukasan, ito na ang huling araw ko. Mamayang madaling araw ay saktong maglalaho na ako. Pumunta rin so Brian dito at nag paalam ako sa kanya.

Kinagabihan, hinitay ko lang si Lucas dito sa kwarto ko. Hindi naman ako bigo nang pumunta siya dito pero alas 11 nang gabi. Hindi niya daw kayang magpaalam sa akin, pero ginawa niya kasi di niya din kayang mawala ako ng hindi niya ko nakikita sa huling pagkakataon.

Kung nagawa ko lamang ang misyon ko ay sana nakakabalik ako dito habang inaantay ang panahon. At higit sa lahat ay magagamot ko na sana ang ina ko.

Umupo si Lucas sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at pinagmasdan ang mukha niya.

"Clara, mag-iingat ka" sabi niya at niyakap ko.

"Oo naman, ikaw rin" nakangiting sabi ko kahit tumutulo na naman ang luha ko.

"Sana ay magbago ang tadhana kung makakabalik ako" sabi ko.

"Hindi kita kakalimutan Clara" sabi niya at pinatayo ako para yakapin ng mahigpit at halikan ang noo ko.

"Salamat Lucas" pasalamat ko habang yakap parin siya.

"Thank you for making me happy" sagot naman niya at kumawala sa yakap mo.

"Mahal na mahal kita Clara" sabi niya at lumapit ang mukha niya sa akin.

Ilang sandali lang ay dumampi ang labi niya sa labi ko. Nanlambot ang buong katawan ko nang tumagal pa ang halik na iyon. Nang kumawala na ako sa halik niya ay ngumiti ako.

"Mahal na mahal kita Lucas, hanggang sa muli" sabi ko at ngumiti. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ulit.

Nagtagal ang halik na iyon hanggang sa naramdaman kong nawawalan na ako ng lakas at kasabay nun ang paglipad ng Maitin na paru- paru sa katawan ko.

Tinignan ko muna ang mukha ni Lucas habang nakangiti sa kaniya sa huling pagkakataon.Pumatak ang luha ko at  kasunod nun ang pagkawala ng aking malay.

Kung ako man ay nagtagumpay dahil sa iyong pag-iibig, hintayin mo ako sa loob ng Tatlumpo't Pitong Taon. Hanggang sa muli.

Tatlompu't Pitong Taon ✅Where stories live. Discover now