Kabanata 15

9 0 0
                                    


"Noong una kitang nakita, parang may naramdaman akong kakaiba lalo na't nagkita tayo ulit" kuwento niya pa.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya ngayon, natutuwa ako sa mga reaksyon nakikita ko sa kanya. Kinikilig ako.

"May gusto ka bang iba?" tanong niya sa akin.

"Wala naman, pero may natitipuan lang dati" sabi ko. Si Ginoong Alfredo ang tinutukoy ko.

"Swerte naman niya" nalulungkot niyang sabi.

"Wala akong gusto at hindi ko mahal" paliwanag ko pa.

"Mabuti naman, dapat sa akin ka lang titingin ah" sabi niya at kinindatan ako.

"At bakit naman abir?" tanong ko pa.

"Kasi gusto kita" simpleng sagot niya kaya napatawa ako.

Bumalik na kami sa bahay at humiga na. Tumingin pa siya sa akin habang nakahiga at ako naman ay nag-aayos ng higaan ko.

"Goodnight Clara, I like you" sabi niya pa at tumawa.

"Goodnight, hindi ko pa nasasagot iyan" paalala ko sa kanya.

"Maaantay ko" sabi niya pa.

Alas 10 na at hindi ako makatulog, tinignan ko si Lucas na mahimbing na natutulog ngayon. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama niya. Pinagmamasdan ko siyang natulog, ang tangos ng ilong niya, baka may lahi ito.

Ilang sandali ko pa siyang tinignan nang bumukas ang isa niyang mata. Tatayo na sana ako ng hilahin niya papulsuhan ko at nahiga sa tabi niya. Kinakabahan ako sobra, tinapunan ko siya ng tingin at nakapikit naman siya.

"Wag mo ko titigan" bulong niya pa ngumiti.

"Wag ka kabahan" sabi niya ulit kaya hinampas ko ang dibdib niya at tumawa naman siya.

"Matutulog na ako" sabi ko para pakawalan niya ako sa yakap niya. Ang bango niya naman hindi ko kakayanin ito.

"Sleep here" sabi niya at tinapik ang braso niya.

"Gusto ko do--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako sa noo. Umusog pa siya at nilagay ang ulo sa braso niya habang hinahaplos ito.

' Panginoon tama ba ito?'

Sa panahon ko, hindi pwede ito sa isang babae at lalaki na hindi pa kasal o nagmamahalan. Naalala ko yung kwento ni Lea sa akin na ganito daw ang ginagawa ng taong nagmamahalan. Naalala ko tuloy ang mukha niya pag nagkwekwento ng ganoon kinikilig siya sa imahinasyon niya. Miss ko na si Lea, ang dami ng natutunan ko nun.


Kinabukasan, nagising ako na kayakap si Lucas. Dahan dahan akong kumawala sa mga braso niya at tumayo.

Hindi ko alam kung paano ako magluluto kasi wala akong alam sa bagong lutuan or ano iyon. Naupo ako sa kama ni Lucas hanggang sa dahan dahan niyang binuksan ang mata niya. Nang makita ako, ngumiti siya sa akin.

"Magandang umaga" bati ko.

"Goodmorning" bati niya saka umupo sa kama niya.

Kumakain kami ngayon ng agahan na binili niya sa silpon niya. Meron ba nun?

"Gusto mo ba gumala tayo?" tanong niya at lumiwanag ang mukha ko. Gusto ko iyon.

"Oo naman!" masayang sabi ko.

Alas 11 na ng umaga nang umalis kami papunta sa Tagaytay Picnic Groove iyan ang sabi niya at nabulol pa ako ng ulitin iyan.

Pagkarating namin doon, ay masakay daw kami ng 'zipline' yung may mahabang lubid tas lilipad ka? iyon daw sabi ni Lucas.

Kami na ang susunod na lilipad kaya kinakabahan ako. Hinawakan ni Lucas ang kamay ko na nanginginig sa takot.

"Huwag ka matakot, kasama mo ako" sabi niya pa para mawala ang kaba ko.

Tinitignan pa siya ng mga babae at ngumiting tinignan si Lucas. Ilang sandali pa, nilagyan na kami ng suporta sa katawan para sa paglipad namin.

"1--2-----3" sabi nung lalaki at itinulak kami ni Lucas palayo. Hawak ni Lucas ang kamay ko na ngayon ay nanginginig.

"Wahhhhhhhhhhh" sigaw ko pa sa takot. Nakikita ko ang mga maliliit sa bundok kapag tumingin ako sa baba. Nakakatakot! Ang lalim nun! Sinasampal ako sa lakas ng hangin habang lumilipad kami. Tinignan ko si Lucas na nakangiti lang have ako sumisigaw.

Pagkababa namin, sinabihan ko si Lucas na nasusuka ako kaya sinamahan niya ako sa may bundok.

"Okay ka na?" nag-aalalang tanong niya sa akin at inabutan ako ng tubig.

"Ayos na ako, salamat" sabi ko saka ngumiti sa kanya.

Kumain na muna kami sa isang sikat na kainan. Karamihan sa hinahanda nila ay bulalo, ang sarap sobra.

"Masaya ka?" tanong niya.

"Oo naman" sagot ko at ngumiti.

Pagkatapos namin kumain at napagdesisyonan na naming umuwi dahil hindi ko na kakayanin ang sumakay pa sa kung ano pa ang andoon. Kumuha rin kami ng litrato bago umuwi. Napakagandang tanawin ang nasa ilalim ng nagkakapalang ulap at malalakas na hangin.

Alas 4 na nung umuwi kami kaya alas 6 na nung nakarating kami dito sa tinutuluyan namin. Natulog muna kami saglit at nagising nang alas 8 ng gabi. Kumain kami ng hapunan sa loob ng bahay bago kami nanood ng palabas sa telebesyon.

"Clara" tawag sa akin ni Lucas habang nanonood ako.

"Pupunta ako sa America before Chinese new year" malungkot niya sabi.

"Bagong taon sa mga tsino" basa niya pa sa silpon niya kasi hindi niya alam tagalog nun.

"Ganoon ba? Ilang araw ka doon?" tanong ko.

"Dalawang linggo" sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para mayakap siya.

"Mamimiss kita Clara, antayin mo ako" mahina niyang sabi sa akin.

Tatlompu't Pitong Taon ✅Where stories live. Discover now