"Ate Clara" isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"Ano to? " dahil sa tanong niya, minulat ko ang mata ko. Nakita ko si Mario na ginigising ako.
Nanlaki ang mata ko at nakita ko ang kahon na ibinigay ni Madam Ore. Agad kong kinuha yung sa kamay niya. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit.
"Ate sumakit na naman ulo mo? Limang araw ka nang tulog, huwag mo naman kaming iwan" naiiyak na sabi ni Mario.
"Ano ka ba, iwan mo muna ako sandali" sabi ko at lumabas naman siya.
Bakit naaalala ko parin ang mga nangyayari sa akin? Akala ko a nabigo ako sa misyon ko. Agad ko kinapa yung kwentas ko at laking gulat ko nang makita ang susi nun at nakasabit sa kwentas ko.
Binuksan ko ang kahon at nakita ko ang isang maliit na bote na parang tubig lang. Agad akong tumakbo papunta kay Ina na kasalukuyang natutulog. Nagulat si Aleng Petra na nagluluto.
"Aling Petra! Nakuha ko ang gamot!" masayang sabi ko at nanlaki ang mata niya sa hawak ko.
"Naku Carla, salamat" niyakap niya ako sa tuwa.
Ilang sandali pa ay nagising si Ina. Nandito kami ngayon lahat sa kubo, grabe namiss ko ito. Pinainom ko ni ina ang gamot na iyon para gagaling na siya.
Isang buwan na ang nakalipas at maayos na si Ina, nakakalakad na siya ulit at ang lakas pa. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siya.
"I'm happy" bulong ko sa sarili ko. Ano? Dala dala ko parin ang wikang Englis?
Hindi ako makatulog ng maayos at inalala ang mga nangyayari sa taong iyon. Hindi ko mapigilan ang agos ng luha ko habang inalala sila, tito, Lea, mga kaibigan ko kabilang na si Brian at si Lucas. Namiss ko na siya, sana makita ko sila muli.
"Clara" tawag ni Ina.
"Maraming salamat, at nagkaroon ulit ako ng pangalawang buhay" niyakap ako ni ina at naiyak naman ako. Lagi niya akong sinasabihan ng ganto kahit isang buwan na ang nakalipas.
"Wala yun ina, mahal kita" sabi ko at ngumiti sa kaniya.
Kinuha ko yung kahon at may nakita akong papel na nakadikit sa loob ng kahon. Kinuha ko ito at binasa.
Mahal kong Carla,
Kamusta ka na? Nawa ay mabuti na ang kalagayan ng iyon ina. Sana naging masaya ka sa iyong paglalakbay, hinding hindi kita malilimutan. Oo Clara, tama ka at nakagawa mo ang iyong misyon ng buong puso. Napatunayan ang iyong pag-iibigan ni Lucas sa pamamagitan ng halik. Natapos, nagawa at natupad mo ang iyong misyon. Dahil doon, nais kong sabihin na mabubuhay ka ulit sa taong 2017 at sana ay mabago mo ang tadhana. Bisitahin mo ako at tutulungan kita. Hanggang sa muli Carla.
Nagmamahal,
Madam Ore.
Napatalon ako sa tuwa nag maaari akong mabuhay ulit. Hihintayin ko ang taong iyon, sana ay naaalala nila ako.
"Carla, nagbigay rin ng sulat sa akin si Madam Ore. Sabi niya ay hindi ka nakakalakad ng pagtanda hanggang umabot ka aa taong 2017. Ito ang address ng mansiyon niya, maaari ka lang makapasok roon ng mag-isa ka nalang. Nakakalungkot isipin pero kailangan mong harapin ito. Masaya ako para sa iyo." Mahabang paliwanag niya na ikinalungkot sa kabila ng kasiyahan.
Maaga akong nagising at bumalik na sa pagsisilibi. Nakita ko si Ginoo Alfredo sa hardin kaya binigyan ko ito ng kape.
"Ayos na ba ang kalagayan mo?" tanong niya.
"Opo Ginoo" magalang na sagot ko.
Habang nagluluto ako, narinig ko ang sigaw ni Don Petronilio.
"Ito ay salitang Englis! Hindi ko maintindihan ang lahat ng ito!" sigaw niya sa guardya civil habang hawak ang sulat.
"Ahh Don Petronilio, nakakabasa at nakakaintindi po ako" kinakabahang tugon . Help me.
Ibingay niya lang sa akin ang sulat na iyon at nagtataka parin. Huminga ako ng malalim bago binasa iyon.
"Goodmorning, Don Petronilio. I am inviting you a dinner tonight at my mansion around 7:00 PM. I have something to discuss with you about the rebels near us. See you soon" basa ko pa sa sulat na iyon. Nanlaki naman ang mata niya lalo na si Don Petronilio.
"Ah hehe ang sabi po ay iniimbatahan kayo sa mansyon nila alas syete ng gabi at may paguusapan daw po" paliwanag ko pa at tumango naman si Don Petronilio.
Sinabi ko nalang na nagbabasa ako ng mga libro sa bahay kaya ako nakakaunawa. Palagi na nilang ginagawa sa akin yun sa loob ng ilang buwan na paninilbihan.
YOU ARE READING
Tatlompu't Pitong Taon ✅
RomanceSi Clara Magallanes ay nabuhay sa panahong 1980. Meron siyang limang kapatid na si Mario, Marites, Maria at Juan. Pumanaw na ang kaniyang ama at ang kaniyang ina naman ay may malubhang karamdaman. Binigyan siya ni Aling Petra, manggagamot na makuha...