Kabanata 19

5 0 0
                                    


"I'm sorry Clara, papunta na sana ako dito nang makita ako ni Risa, my sister" paliwanag niya pa. Kapatid niya pala yun? Mabuti nalang ay hindi ako nag-isip ng iba.

"Bakit hindi ka tumawag?" tanong ko.

"Surprise" maikling sagot niya. Nasupresa talaga ako.

Sabi niya sa akin na hindi na siya magtatagal kaya umalis rin siya pagtapos.

Pasakay na san siya ng sasakyan niya nang bumalik sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ang kamay ko tumingin naman ako sa kaniya.

"Gusto mo ba ako?" ulit niya.

"Hindi ko pa masasabi sa ngayon" palusot ko kahit may nararamdaman na ako sa kaniya.

"Gagawa ako ng paraan para masabi mo sa akin yan" sabi niya saken at hinalikan ako sa noo.

Gumagaan ang pakiramdam ko kapag hinahalikan niya ako sa noo. Papasok na sana ako ng dumating si Lea at parang hindi makalakad ng maayos.

Tumakbo ako palapit sa kaniya at inalalayan siya.

"Lea! Ano nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong ko.

"Fuck Clara! He likes you! Brian! " sabi niya akin na ikinagulat ko.

Pinasok ko siya sa kwarto niya at pinunasan ang mukha niya. Tulog na siya ngayon at mukhang uminom ng alak.

Kinabukasan, pagkatapos ko maligo ay bumaba ako para magluto ng agahan para kay Lea. Nagulat ako ng kausap ni Lea ngayon si Lucas na nakaupo sa malambot naming upuan.

"Clara" tawag sa akin ni Lea.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nag-alalang tanong ko.

"Sinabi ko ni Lucas na may gusto sa iyo si Brian" sabi niya na ikinagulat ko.

"Ano? Hindi ako magkakagusto doon Lea alam mo iyon" sabi ko.

"Patunayan mo sa akin iyon" mahinang sabi niya sa akin at mukhang luluha na.

"Kasi gusto ko si Lucas!" napasigaw ako sa galit. Bakit kailangan niyang ulit ulitin iyon?

Umakyat ako sa silid ko at sinundan naman ako ni Lucas papasok doon. Niyakap niya ako at pinatahan.

"It's fine, nagkamali lang si Lea" sabi niya sa akin para patahanin ako.

"Mali talaga siya" mahinang ko sabi habang umiiyak sa dibdib ni Lucas.

Pinaupo niya ako at pinauinom ng tubig. Ang aga aga nagagalit ako. Mahal ko naman si Lea at hindi ko ipagkakait ang kaligayahan niya. Huwag naman sana ako pag isipa ng masama. Ilang beses niya rin sinabi sa akin kagabi na inaagaw ko sa kaniya si Brian. Hindi naman mangyayari iyon.

"Okay ka na?" nag-aalala niyang tanong.

"Ayos na ako, pumasok ka na" sabi ko sa kanya habang pinupunasan niya ang pisngi ko.

Alas 8 palang ng umaga at sabi niya ay alas  10 pa ako pasok niya. Pagbaba namin ay wala na si Lea, pumasok na ata sa paaralan. Pinakain ko nalang si Lucas at nagkwentohan kami.

"So mag-isa ka lang dito?" Tanong niya.

"Hihintayin ko nalang si ate Joy mamaya" sabi ko nalang para hindi niya mag-alala. Sinabi ko rin sa kanya na Lunes-biyernes lang ako nag-aaral.

Nang makaalis na siya ay naglinis nalang ako sa buong bahay. Kahaponan ay dumating si Ate joy at masaya kaming nag-aral. Paminsan minsan ay tinutukso ako ni ate Joy kay Lucas at kinikilig naman ako. Kagabihan, pumasok si Lea sa silid ko habang nagbabasa ako.

"Clara" mahinang sabi niya at hinarap ko naman siya.

"Sorry, alam kong nagkamali ako" paumanhin niya.

"Sana mapatawad mo ako, nagsabi rin si Brian sa akin na kinausap mo siya para gustuhin ako. Sabi niya kasi sa akin na mas gusto ka niya kesa sa akin at inisip ko rin na gusto mo siya kasi magkausap daw kayo minsan, sorry" sabi niya sa akin at umiiyak. Hinawakan ko nalang ang kamay niya at pinatahan siya.

"Tama na, ayos lang" sabi ko nalang para walang problema.

"Ang bait mo naman" mahinang sabi niya.

"Kapatid na kita Lea, nasasaktan rin ako" sabi ko.

Nagkwentohan pa kamo bago siya bumalik sa silid niya para mag-aral. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Lucas dun.

Nagsabi siya sa akin na may alis kami bukas kasi wala silang pasok bukas. Hindi ko alam saan kami pupunta pero sasamahan ko nalang siya kasi nagpaalam na daw siya ni tito.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at inisip ang mga magagandang pangyayari. Alam na rin ni Lucas na gusto ko siya pero sasabihin ko sa harapan niya ang salitang iyon ulit.

Ilang sandali pa ay hinayaan kong dalawin ng antok para mapabilis na rin ang araw at makita ko si Lucas.

Tatlompu't Pitong Taon ✅Where stories live. Discover now