Kabanata 16

5 0 0
                                    



"May ipapakilalala ako sayo" sabi sakin ni tito pagkababa ko. Nakita ko ang isang babae na nasa gilid niya.

"This is Joy, siya ang magiging guro mo" masayang tugon niya kaya niyakap ko siya.

"Hi I'm joy" sabi ni babae at nakita ko ang mabait niyang mga ngiti.

"Ako po si Clara" pakilala ko at inabot ang kamay niya.

"Tito salamat po" halos maiiyak kong sabi.

"Yung pangako ko" sabi niya.

Miyerkules  palang ngayon at noong lunes pa siya umalis. Hindi ko maitanggi na gusto ko siyang makita. Tumatag naman siya sa akin at sabi niya uuwi siya sa Pebrero.

"Marunong ka ba magbasa?" tanong ni ate Joy.

"Hindi po, hindi ako nakapag-aral" iyan na lamang ang sinabi ko.

"Ayos lang, sinabi sakin ni Sir Julio" tugon niya pa.

May kinuha siya sa bag niya na libro at ipinakita sa akin. Nagsimula na kami sa pagbabasa. Dalawang letra muna ang itinuro niya sa akin at nang mabasa ko iyon ay 3 letra naman hanggang 4 na letra.

Limang oras niya akong tinuruan at pinabasa niya ako ng mahaba na salita. Pinabasa niya rin ako ng kuwento at natuwa sa akin na para akong bata kung bigkasin ko ito.

Kahit mahirap, hindi siya nagsawa na turuan ako at natutuwa pa siya. Nagpapasalamat talaga ako ni tito at binigyan niya ako ng pagkakataon na matutong magbasa at mag-aral.

"Maraming salamat po" papasalamat ko ni ate Joy.

"Wala iyon, naintindihan kita" sabi niya at tinapik ang balikat ko.

Simula alas 3 ng hapon hanggang alas 8 lang sa gabi ang pag-aaral namin. Nagpaalam na siya sa akin kasi wala naman si tito, lalo na si Lea. Ilang sandali lang ay may kumatok sa pintoan ng silid ko habang nagbabasa ako.

"Clara!" sigaw niya pa at parang ngayon lang ako nakita.

"Masaya ka ata" sabi ko nalang at tumabi sa kanya na nakaupo sa kama ko.

"Wala lang, hinatid kaso ako ni Brian" sabi niya pa at hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Nakakatuwa naman.

"Talaga? sinabi mo na sa kaniya?" tanong ko.

"Nahihiya ako" sabi niya at nalungkot.

"Tutulungan kita!" sabi ko. Hindi ko alam paano pero bahala na.

Ipinamalas ko ni Lea na marunong na ako magbasa ng iilang salita kaya tuwang tuwa siya sa akin. Naghingi pa siya ng pasensya kasi nangako siya sa akin noon na siya ang kumuha ng guro sakin kaso umalis na siya trabaho niya kaya kay tito niya nalang sinabi.

Bumalik na siya sa kwarto niya at kinuha ko yung libro na binigay sa akin ni ate Joy para magbasa nalang. Narinig ko ang tunog ng silpon ko at kinuha iyon.

"Lucas?" sabi ko sa kabilang linya.

"Clara, kamusta?" tanong niya agad.

"Ayos lamang, ikaw?" tanong ko rin. Narinig ko pa siyang tumawa.

"I'm fine, nagpapahinga" sabi niya.

"Masaya ba diyan?" tanong ko.

"Oo sana pagkasama kita" banat niya pa.

Ano? Hindi ako pwede sumama! Hindi ko alam pero namula yung pisngi ko sa sinabi niya.

"Clara?" Hindi ko narinig kong ilang beses niya ako tinawag.

"May kinuha lang ako" palusot ko pa.

"Inaantok ka na?" tanong niya.

"Oo kaonti" sagot ko naman.

"Good thing, gusto ko bumilis ang araw para makita na kita" sabi niya ulit at napangiti naman ako.

"Pahinga ka maigi. Goodnight" sabi ko nalang. Bilis ng tibok ng puso ko.

"Well, goodnight Clara" iyan na lamang ang huling niyang sinabi bago ko ibinaba ang tawag.

Hindi ako makatulog kaya hinayaan kong dalawin ako ng antok.

Kinabukasan, wala si tito ngayon at maaga umalis kaya nagluto ako ng agahan. Ang sabi sa akin ni Lea kagabi ay wala siyang pasok ngayon kahiy huwebes ngayon.

May narinig akong busina ng sasakyan sa labas kaya lumabas ako. Nagtataka ako kung sino iyon kaya lumapit ako. Napatalon ako nang si Brian pala iyon! Binuksan ko ang bakuran para makapasok siya. Pinapasok ko rin siya at pinaupo. Aakyat na sana ako sa taas para gisingin si Lea nang hawakan siya ang kamay ko.

"Ikaw ang pinunta ko Clara" nagulat ako sa sinabi niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi muna ngayon" sabi niya at naguluhan ako. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya ng marinig ko ang yapak na pababa sa hagdanan.

"May bisita ka" inunahan ko si Lea at baka ano isipin niya.

Nakita ko kung pano nanlaki ang mata niya nang makita si Brian na nakaupo ngayon.

"Magluluto muna ako" paalam ko para makapag-usap sila.

Nilagay ko na ang ulam sa lamesa at tinawag sila.

"Kain na" sabi ko sa kaniya.

Tumayo si Lea at nilagpasan ako sa lamesa at padabog na umakyat sa taas pero huminto siya nang tawagin ko siya.

"Kumain kayo!" parang nagagalit niyang sabi. Ano ginawa ko? Tinignan ko si Brian na nagtataka rin kung may nasabi na siyang masama.

Tatlompu't Pitong Taon ✅Where stories live. Discover now