May narinig akong ingay sa paligid kagaya na lamang ng busina ng sasakyan at boses ng mga tao. Minulat ko ang mata ko at nagulat sa nakikita ko ngayon. Ginala ko ang mga mata ko hanggap sa tumapat ito sa sikat ng araw. May mga taong dumadaan at tinitigan ako, merong naaawa at merong natatawa.
Sa tapat ko, may nakita ako bahay na hindi masyadong malaki, hindi rin masyadong maliit at sakto lamang ito. Tinignan ko ang kapaligiran ko, ganito na ba ang buhay ng mga tao sa hinaharap? Maraming gusaling malalaki ang nakatayo, meron din mga nagtataasan instruktura, kaonti na lamang ang punong nakikita ko, at marami ang sasakyan na nagdudulot ng pollusiyon.
Ilang sandali pa, may lumapit sa akin na lalake. Tinignan ko siya at mukhang naawa siya sa kalagayan ko ngayon. Nakaupo lang ako sa lupa at natapatan ng sikat ng araw. Sa nakikita ko rin ngayon, iba ang kasuotan ng mga kababaihan at kalalakihan.
"Miss, are you okay?" tanong niya na ipinagtaka ko kasi iba ang lingguwahe. Naku! ano na ang gagawin ko pero sa dating ng kanyang pananalita ay nagtatanong ito kung ayos lang ako.
"Ayos lang ako Ginoo" sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Are you hungry? May pagkain ako dito" sabi niya at kumuha ng makakain sa bayong niya saka inabot sa akin. Ito ay tinapay na nakabalot sa plastik at magara tignan lalagyan na ito.
"Maraming salamat po Ginoo" nakangiting tugon ko sa kanya at ngumiti. Grabe ang sarap nito! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito. Tinignan ko siya na nakangiti ngayon habang tinignan ako. Nakaluhod rin siya sa harapan ko kaya ang lapit ng mukha niya sa akin. Ang matatangos niyang ilong, magagandang mata at matatamis na ngiti ay nangangahulugan anak siya ng marangyang pamilya.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng bahay na nasa tapat ko.
"Carla? Ikaw ba yan? Naku pasensya na! Kakagising ko lang" sunod sunod na sabi ng lalaking matipuno ang katawan, mga nasa 30 ang edad. Ito na ba si Ginoong Julio?
"Ginoong Julio?" tanong ko at nagtaka.
"Oo ako ito halika pumasok ka na" alok niya. Akmang tatayo na ako ng nilahad ng lalaking nasa tapat ko ang kamay niya.
"Maraming salamat Ginoo papasok na po ako" sabi ko at ngumiti sa kanya.
"No problem Carla" nakangiting sabi niya sa akin bago umalis.
Pumasok na ako sa loob ay pinaupo ako ngi Ginoong Julio sa upuan nila na malambot. Grabe ibang iba na ang bahay sa makabagong henerasyon.
"Maraming salamat po Ginoo" sabi ko sa kaniya dahilan upang lumingon siya sa akin at binigyan ako ng pagkain. Hindi ko alam kung ano ang ulam na ito basta may kanin.
"Masarap ba?" tanong niya at tinignan akong kumain.
"Oo naman po! " masigla kong sagot.
"Sa taong ito ay dapat mamumuhay ka ayon sa iyong paligid, ako na ang bahala sa iyo" sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti.
Binigyan rin ako ng mga lumang damit ng kaniyang anak na babae na kasalukuyang nasa paaralan ngayon. Nandito ako sa bakanteng kwarto ngayon at dito na daw ang magiging kwarto ko. Pinigilan ko rin si Ginoong Julio na akmang maglilinis sana. Maalikabok at mukhang matagal na ang mga nakatambak na gamit dito. Nagbihis na rin ako ng damit. Ang damit soot ko ngayon ay kulay puti na damit, maganda ang tela anlt hanggang braso. Sa pang ibaba naman ay pantalon na hanggang tuhod.
Nagsimula na akong maglinis sa kwarto ko, sakto lang laki nito para isang tao. May kama, lamesa, salamin at lalagyan ng damit. Nang matapos ako, humiga muna ako at antaying dalawin ng antok kahit alas 3 palang ng hapon.
"Alam mo po ba kung ano ako Ginoo?" tanong ko.
" Oo naman ija, nakasulat ang lahat ng pangyayari sa librong sinalin salin sa henerasyon nyo hanggang sa taong to" panimula niya.
"Wag ka mag alala at tutulungan kita sa iyong misyon sa panahong to. Malalaman at malalaman mo rin ang lahat ng ito habang tumatagal " dagdag niya pa.
"Huwag mo na ako tawaging Ginoo ija hahaha. Tawagin mo akong Tito, sa totoo lang mas matanda ka pa sa akin" natatawang sabi niya.
"Opo Tito" sagot ko.
"Ano po ibig sabihin ng tito? tanong ko.
" Ibig sabihin nun ay, mas matanda pa ako sayo at parang tiyohin rin pero kahit pa mas matanda ka sa akin, ayy pagpasensyahan mo na kasi sa panahong ito ay iba sa panahong niyo at walang ibang makakaalam sa katauhan mo" mahabang paliwanag niya at tumango nalang ako.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng nasa 20 and edad. Mahaba ang buhok, payat, kayumanggi ang balat at maganda siya at sa palagay ko ay magkasing edad lang kami.
Tumingin siya sa akin at ngumiti bago tumingin sa itay niya.
"Ah oo nga pala Lea, ito si Clara. Siyang ang pinsan mo at ipinadala lamang siya ng kaniyang ina para bantayan ko siya habang may aasikasuhin ang Ina niya" pakilala sa akin ni Tito Julio.
"Carla ito ang aking anak at iyong pinsan na si Lea, nawa ay magkamabutihan kayo" pakilala rin niya sa anak niya. Ang ganda naman ng pangalan niya saktong sakto sa ganda niya.
"Nagagalak akong makilala ka Lea" nakangiting tugon niya.
"Ahhh me too, nice to meet you" masayang sabi niya sa akin at lumingin sa itay niya.
"Papa, pwede ko ba siyang ituring na kapatid?" tanong niya at di man lang mawala ang ngiti sa labi niya.
"Aba, oo naman" sagot ng papa niya at lumapit siya sa akin at yumakap.
Sana ay maging kakampi ko si Lea sa misyon kong ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/228319434-288-k746734.jpg)
YOU ARE READING
Tatlompu't Pitong Taon ✅
Roman d'amourSi Clara Magallanes ay nabuhay sa panahong 1980. Meron siyang limang kapatid na si Mario, Marites, Maria at Juan. Pumanaw na ang kaniyang ama at ang kaniyang ina naman ay may malubhang karamdaman. Binigyan siya ni Aling Petra, manggagamot na makuha...