Tinulungan ako ni Lea magbihis ngayon pati na rin ang paglagay ng pampaganda sa mukha. Hinintay ko nalang na susunduin ako no Lucas ngayon. Alas 10 palang ng umaga baka maya maya nandito na iyon.
"You look perfect in that off shoulder and high waist shorts matching the shoes and your beautiful face" grabe naman pumuri nito.
"Thanks Lea" niyakap ko siya.
Kinunan niya ako ng litrato nang tawagin kami ni tito sa baba, baka nakarating na si Lucas. Kinakabahan ako ngayon.
Nakita ko kung pano namangha ang mga mata ni Lucas pagbaba ko.
"Gorgeous" bulong niya. Ano yun?
Hinatid na kami ni tito at Lea sa labas ng bahay.
"Hoy Lucas! Ingatan mo yang kapatid ko ah! At ikaw naman mag-ingat ka! Call me " mahaba niyang paalam sa amin ni Lucas.
"Mag-iingat kayo ijo at Carla, tawagan niyo ako kung may problema" tugon naman ni tito at niyakap ko silang dalawa ni Lea. Tinapik lang ni tito si Lucas at beso naman kay Lea.
"Salamat Tito at Lea, tatawagan ko kayo. Mag-iingat rin kayo". paalam ko.
"Ako na po bahala kay Carla, salamat po" sabi niya kay tito at tumango lang kay Lea.
Yinapak ko muna sila bago pumasok sa sasakyan ni Lucas.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Palawan" simpleng sagot niya.
"Saan iyon?" tanong ko. Ngayon ko lang narinig iyan.
"You'll see" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Nandito kami ngayon sa 'erport' at inantay nalang namin na makapasok sa eroplano. Ngayon ko lang mararanasan ito. Hinawakan lang ni Lucas ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa eroplano.
Nasusuka pa ako minsan at naiingayan kaya pabalik balik ako sa palikuran. Pinakain lang din ako ni Lucas sa loob ng eroplano. Nakatulog pa ako habang siya ay nagbabasa ng libro.
Pagkababa namin sa eroplano ay pinuntahan namin kung saan ang sasakyan niya. Sabi niya sa akin ay nandito daw sa Palawan ang itay niya kaya may sasakyan siya dito.
Pumasok kami sa isang silid na sobrang ganda, binili niya ba ito? Nagpahinga lang kami saglit at nagising ng gabi.
"Gutom ka ba?" tanong niya. Tumango naman ako.
Ang elegante naman ng malaking gusali na ito. Ang sarap rin ng mga pagkain na inahain. Hindi ko alam kung ano ano ang mga ito pero masarap naman.
"Nakakatuwa ka" sabi ni Lucas habang tumingin siya sa akin na namamangha.
"Pasensya ka na, ngayon ko lang naranasan ito" paumanhin ko sa kahihiyan.
"Ayos lang, gusto kong masaya ka" sabi niya sa akin at ngumiti.
"Marami tayong pupuntahan sa loob ng limang araw" sabi niya pa.
"Talaga?" natutuwa kong tugon.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa loob ng silid namin doon na sobrang ganda.
"Gusto mo mag jacuzzi?" tanong niya itinuro ang parang palangganang may kulay asul na tubig na umiilaw.
"Maaari ba?" natutuwa kong sagot.
Lumusob ako doon at suot ang binigay ni Lea sa akin na pangligo. Tube at shorts lang nakakahiya nga kaso wala akong magawa baka mapahiya pa ako kung mga dadamit ako pangbahay.
Nilalamig ako sa tubig ngayon habang tumitingin sa mga bituin at malalim na buwan. Ilang sandali lang ay nakita ko si Lucas na walang damit pang itaas at papunta sa akin. Agad ko tinakpan ang mata ko at umiwas ng tingin. Naalala ko tuloy ang sabi ni Lea sa akin na ayos lang makita ang katawan ng lalaki basta ay hindi pagnanasaan. Narinig ko siyang tumawa kaya tinanggal ko ang takip sa mga mata ko at hinarap siya.
Nandito siya ngayon sa nililiguan ko at nasa harap ko. Kinunan siya ako ng litrato at kumuha siya ng litrato sa aming dalawa.
Lumapit siya sa akin ng dahan dahan at grabe ang kabog ng puso ko.
"I like you Clara" sabi niya at dahan dahan lumapit sa akin. Pumikit na lamang ako at hiyaan yakapin ako.
Sandali lamang iyon at lumayo ulit siya na nahihiya, ganoon rin ako. Tinapunan niya rin ako ng tingin kalaunan at ngumiti sabay halik sa noo ko.
"Masaya ka ba?" tanong niya sa akin.
"Oo naman" nauutal kong sagot.
"Salamat Ginoo este Lucas" kinakabahan talaga ako.
"Why are keep saying that?haha" natutuwa pa siya.
"Gusto ko lang, para maiba" palusot ko. Hinawakan niya naman ang baba ko at hinarap sa kaniya.
"Well, I like that naman" natatawa niyang sabi.
Lumapit siya ulit sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Aaktong hahalikan niya na ako sa labi nang pinigilan ko siya. Hindi pa ito ang panahon.
"I'm sorry" paumanhin niya sa inakto.
"Hindi, maysasabihin ako" putol ko nalang para hindi siya mahiya.
"Ano iyon?" tanong niya.
"Gusto kita, Lucas" tugon ko at ngumiti siya lalo.
YOU ARE READING
Tatlompu't Pitong Taon ✅
RomanceSi Clara Magallanes ay nabuhay sa panahong 1980. Meron siyang limang kapatid na si Mario, Marites, Maria at Juan. Pumanaw na ang kaniyang ama at ang kaniyang ina naman ay may malubhang karamdaman. Binigyan siya ni Aling Petra, manggagamot na makuha...