"Magkapatid ba kayo ni Lea?" tanong niya at umiling ako.
"Magpinsan lang" simpleng sagot ko at ngumiti.
Nagulat ako ng tumabi rin sa akin sa Lucas kaya lumingon ako sa kanya.
"Hinahanap ka ni Lea" sabi niya at tumango ako. Tatayo na sana ako nang marinig ko ang boses ni Lea.
"Oh hi Brian" bati ni Lea.
"Yeah, happy birthday" simpleng sagot ni Brian.
"Can I talk to Clara. Lucas?" Paalam niya kay Lucas.
"Yeah sure"sagot ni Lucas at umalis sila ni Brian.
Tumabi sa akin si Lea at hindi na maitago ang ngiti niya.
"Clara! Crush ko yung Brian" sabi niya sa akin.
"Krash?" Hindi ko alam yun.
"Ahh gusto ko siya" masayang sabi niya.
"Talaga? Bagay kayo!" sabi ko naman.
"Matagal ko na siyang gusto pero di ko pa sinabi sa kanya" biglang nalungkoy si Lea.
"Tulungan kita?" suhistyon ko para mapagaan ang loob niya.
"Talaga?" Masayang tanong niya at ngumiti naman ako.
Binigay ko ni Lea ang regalo ko na ikituwa niya naman. Marami siyang regalo galing sa bisita niya. May malalaki at meron din maliliit kaya masayang masaya siya sa araw niya.
"Do you want to swim?" tanong ni Lea. Pinintindi niya muna sa akin yun saka ako tumango.
Nakasuot ako ng tube at shorts na sobrang ikli pero pinatungan ko ito damit na makita parin ang suot ko. Sabi ni Lea yan daw ang pangalan sa suot ko kaya onti onti ko nalang nalalaman ang mga pangalan.
Pagkalabas ko, naabutan ko si Lucas na nakaupo lang sa pool at may kumausap sa kanya na mga babae.
"Chix boy" bulong ni Lea at umiling.
Mukhang hindi naman niya pinansin ang mga babae. Nang nakita niya ako nakita ko na nanlaki ang mata niya. Lumapit rin siya sa akin ng makaupo na ako.
"You wan't to swim? tanong sa akin. Pareha lang sa tanong ni Lea kanina.
"Sasamahan mo siya?" tanong ni Lea sa kanya.
"If you want" sagot niya.
"Maiwan ko muna kayo, aasikasuhin ko lang ang ibang bisita" sabi niya at nginitian ako.
Nagtampisaw ako sa kulay asul na dagat. Katabi ko si Lucas na nakatingin lang sa akin.
Bigla akong natapilok sa at naibaba ko ang katawan ko sa ilalim ng tubig. Tinulungan ako ni Lucas umahon doon.
"Okay ka lang?" tanong siya at tumango ako.
"Becareful" sabi niya ulit at hinawi ang buhok ko.
Hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa maupo kami. Nagkwentohan lang kami doon at kumain ng onti.
Nang matapos ang selebrasyon, nauna nang umuwi si Lucas at iba pang bisita. Huli na kami ng lumabas at umuwi.
Nandito ako sa kwarto ni Lea at tinignan siyang buksan ang mga regalo. Natutuwa siya at halatang nagustuhan ito. Merong bag, pampaganda,relo at alahas. Nang binuksan niya yung akin, niyakap niya ako at nagpasalamat.
Pumasok na ako sa silid ko at nagbabasa ng libro para antukin. Alas 10 palang ng gabi nang marinig kong tumunog ang silpon ko.
From Lucas: nakauwi ka na?
To Lucas: Opo Ginoo
From Lucas: Let'eat dinner tomorrow.
To Lucas: Sige po Ginoo
From Lucas: Susunduin kita
To Lucas: Hihintayin kita
From Lucas: Sleepwell, goodnight
To Lucas: ikaw rin. Goodnight
Ilang sandali pa akong nakangiti sa silpon ko. Kung si Lucas na ang hinahanap ko, mali pa rin kung ako dapat ang gagawa ng paraan para mahulog ang loob niya sa akin.
Naalala ko si Brian, bakit umiilaw ang kwentas ko nung lumapit siya sa akin kanina. Kung siya ang hinahanap ko, hindi maaari iyon dahil gusto siya ni Lea at ayaw ko agawin siya kay Lea. Nakakalito, kailangan ko nang puntahan si Madam Ore para malaman ko ang totoo at may konkusyon ako.
Ilang sandali pa ako nag-isip isip bago dalawin ng antok.
YOU ARE READING
Tatlompu't Pitong Taon ✅
RomanceSi Clara Magallanes ay nabuhay sa panahong 1980. Meron siyang limang kapatid na si Mario, Marites, Maria at Juan. Pumanaw na ang kaniyang ama at ang kaniyang ina naman ay may malubhang karamdaman. Binigyan siya ni Aling Petra, manggagamot na makuha...