Kabanata 25

5 0 0
                                    




Suot ko ang bigay ni Brian today, sabi kasi ni Lea maganda saw tignan sa maganda kong buhok. Papunta kami ngayon sa mall ni Lea at naisipang bumili ng damit. Binigayan naman kami ni tito ng pera para lumabas kami.

Kasalukuyang nag drive si Lea ngayon gamit ang sasakyan ni tito. Mabuti at marunong siyang nagmaneho, gusto ko rin sana kaso huwag nalang.

What I'm dying to say
is that I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true...

I'm crazy for you...

Kanta pa namin sa loob ng sasakyan. Nakabisado ko nalang ang kanyang iyan dahil pinapatugtog palagi ni Lea iyan eh at binasa ko pa ang liriko niyan.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami, bumungad sa amin ang malamig na aircon. Pumasok muna kami sa mga bibilhan ng libro at kumuha doon ng isa at siya rin.

Kumain muna kami si Lea sa isang restaurant bago bibili ng damit. Masaya kaming kumain at nagkwentohan. Ginawa niya pa ako ng 'facebook' at kinuha ang cellphone ko para magpost daw ng litrato doon.

Lumabas na kami ni Lea doon at bumili ng 'shake'. Naglalakad lang kami sa mall habang inuuna ang iniinom namin.

Pumasok na kami sa bilihan mg damit. B-E-N-C-H basa ko pa sa pinasukan namin. Ang mahal kaya ng mga damit nila pero dahil binigyan kami ni tito ng pera, bumili kami. Si Lea lang ang pumili ng sa akin.

Lumabas kami doon at pumunta sa bilihan ng sapatos. Kagaya kanina, siya rin ang pumili ng takong sa akin.

Alas 5 na nang lumabas kami sa mall at umupo sa may 'fountain' sa gilid. Kinunan niya ako ni litrato ganun rin ako sa kanya. Tinuruan niya pa ako paano kumuha nang maganda litrato.

"Girl bibili lang ako ng pagkain para sa atin ah, stay here" sabi niya at tumango lang ako.

"Sige, bumalik ka ah? Natatakot ako" sabi mo sa kanya bago niya ako tinalikuran.

Iginala ko ang mata ko sa paligid at kinuha ang cellphone ko para kunan ng litrato. Napahinto lang ako ng may nahagip ako sa camera my cellphone ko.

Yung babae na kaibigan ni Brian! Binaba ko ang cellphone ko at baka sabihin niya kinunan ko siya ng litrato. Tinignan ko siya at nagulat sa kasama niyang lalaki.

Lucas?

Nakahawak pa ang babae sa braso niya at mukhang masaya. Nagtama ang paningin namin kaya umiwas ako kaagad at umaktong hindi siya nakita.

"Hey, you're the one last day right? Ahhh kasama ni Brian" bungad niya sa akin. Tinapunan ko ng tingin si Lucas na deretsong tumitig sa akin at kumunot ang noo.

"Yes, hi" maikling sagot ko.

"Ahh I'm Mia" pakilala niya.

"Clara" inabot ko ang kamay niya.

"This is my boyfriend, Lucas" pakilala niya pa kay Lucas na ngayon ay nahihiya.

"Lucas" nilabas niya ang kamay niya.

"Hello" maikling sagot ko at di inabot ang kamay niya. Naiinis ako.

Lumingon ako sa likod at nakita si Lea na nanlaki ang mata sa nakita. Sinenyasan ko siya na huwag magsalita.

"Ohh hey, Lucas" bati niya kay Lucas.

"Hey" maikling bati niya.

"Do you know this two girls?" tanong ni Mia kay Lucas.

"Yeah, I know Lea. Classmate ni Risa" sagot niya naman at lumingon sa akin.

"I don't know her" turo niya pa sa akin. Biglang may kumirot sa puso ko nang marinig iyon. Ang sakit.

"Anyway we need to go" masayang sabi niya sa dalawa. Alam ni Lea ang nararamdaman ko ngayon ilang segundo nalang at tutulo na ang luha ko.

Hinawakan ni Lea ang papulsuhan ko at hinatak palayo sa kanila hanggang makasakay kami sa kotse.

Pumatak ang luha ko at sunod sunod na iyon. Pano niya nagawa sa akin to? Ang sakit naman ng sinabi niya. Mas ayos pa sa akin kung sinabi niyang pamilyar siya sa akin kasi kaibigan kami ni Lea.

"Clara, ayos lang iyan" pinapatahan niya ako at  niyakap.

"Papatayin ko yun! Tangina niya" galit na sabi niya at hinagod ang likod ko.

"Tangina ang kapal ng mukha niya! Grabe yung ginawa niya, kinalimutan ka man lang kaagad?" Galit parin siya.

Humarap siya sa akin at pinawisan ang luha ko gamit ang kamay niya. Binigyan niya rin ako ng matamis na ngiti bago magsalita.

"Ako bahala sa iyo, hindi ko hahayaang saktan ka niya puta!" galit na sabi niya at hinawakan ang kamay ko





Song: Crazy for you by Madonna

Tatlompu't Pitong Taon ✅Where stories live. Discover now