"Serena, nakahanda na ang almusal!" tawag ni Manang Belinda sa baba. Tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin habang sinusuklay ko ang diretso at mahaba kong buhok. Naglagay din ako ng clear mascara sa aking mahabang pilikmata at konting tint sa aking mapulang labi.
"Opo, Manang. Pababa na po!" sambit ko habang naghahadaling kinuha ang aking bag tsaka dumiretso pababa ng aming engrandeng hagdanan.
Nakita ko sina Mommy at Daddy na kumakain sa hapag kainan. Si Daddy ay nakaupo sa kabisera habang si Mommy naman ay tumutulong sa paglalatag ng mga almusal. Sinangag, scrambled eggs, bacon, hotdog ang nakahain sa mesa. Umupo ako sa tabi ni Daddy habang sinalinan ni Manang ang aking baso ng orange juice.
"Eat little faster, Serena. You don't want to be late for the first day of school." ani ni Daddy habang sumisim ng kape at nagbabasa ng diyaryo.
Tumango ako at tinuhog ang hotdog. Grade 10 na ako this school year kaya medyo pressured kay Mommy and Daddy. I'm assumed to be prim and proper so I think it's normal since ako lang ang iisang anak. I also do good in academics so they expected me to have High Honors at the end of the school year.
Nang matapos ako kumain at agad na akong humalik sa pisngi ni Mommy at Daddy para makapag paalam na.
"Bye, Mommy! Bye Daddy! See you after school!" batid ko bago lumabas ng bahay. Nakita ko agad ng puting Everest na nag-iintay sa akin. Pinagbuksan agad ako ni Mang Kiko.
"Magandang umaga, Serena!" bati ni Mang Kiko sa akin.
"Magandang umaga din po, Mang Kiko!" ngiti ko at tsaka sumakay sa loob ng sasakyan.
Agad akong nag tipa ng mensahe kay Carmilla.
Ako:
Papasok na ako ng school, andiyan na ba kayo?
Agad naman tumunog ang aking cellphone hudyat na nag reply si Carmilla.
Carmilla:
Andito na kami, intayin ka namin sa gate nina Zadkiel.
Ilang minuto lamang ay nasa tapat na kami ng asul na gate ng La Consolacion. Bumaba na ako at nagpasalamat kay Mang Kiko sa pag hatid. Agad ko namang nakita sina Carmilla kasama ang pinsan kong si Zadkiel at Abel. Kumakaway pa silang tatlo nang makita nila ako.
"Serena!" masayang sambit ni Carmilla ng makita akong papalapit sa kanila.
Niyakap ko naman ito at nakipag apir sa pinsan kong si Zadkiel at Abel. Magkakaibigan na kaming tatlo nina Zadkiel, Abel at Carmilla simula pa nung Elementarya. I got separated nung nag aral ako ng grade 7 sa Canada. But now, I'm transferred in this school since naisipan nila Mommy na dito nalang ako mag grade 10 imbes sa Canada. I'm fine with it since nandito sila Carmilla.
Napansin kong hanggang balikat nalang ang buhok ni Carmilla pero ang kutis niya ay maputi pa din. Kitang kita ang pula ng pisngi niya dahil sa blush pati ang maamo niyang mata ay naging kapansin-pansin dahil sa brown eyeliner niya.
Si Zadkiel at Abel ang pinakamalapit kong pinsan sa mga Balmaceda. Magkasing tangkad na sina Zad at Abel pero kitang kita pa din na mas lamang si Zad. Their height is very different from most of the grade 10 students. They both have deep set of eyes, slender nose and thin pink lips. Ang pinagkaiba lang nila ay mas matapang at mas misteryoso ang features ni Zadkiel kay Abel. Naka taper cut ang buhok ni Abel habang kay Zadkiel ay naka low quiff. Hindi maitatanggi na malakas ang dating nila lalo na pag magkasama.
"Nasaan sila Kuya Navy, Zad?" tanong ko sa kanya.
Kuminang ang kaliwang hikaw ni Zad nang tamaan ito ng liwanag. Earrings for boys are prohibited but these two doesn't give a damn about it.
"He transferred at Manila last week. Doon niya daw gusto mag college. Besides, Tito Harris is there to help him in his field." Aniya
Tumango ako. Navy Kohen Balmaceda is the older brother of Zadkiel Atlas Balmaceda. Si Abel Vance Balmaceda ay may older sister, si Genevieve Armani na nasa America to study Economics.
"Miss ko na si Kuya Navy kaya pala nung dumalaw ako sa inyo wala siya doon." Simangot ni Carmilla.
Umigting naman ang panga ni Zad sa narinig. "Ang sabi mo you're going to our house to see my new dog, not Kuya Navy."
"Aso mo din naman pinunta ko pero syempre tinignan ko din kung andun si Kuya mo."
Nagpatuloy ang bangayan nila hanggang makarating kami sa aming Department. Nakita ko ang mga seniors na dumaan sa department namin para magpapansin sa mga juniors.
"Ang pogi ni Braylon!" sambit ng babae na nakasilip sa classroom nila nang dumaan ang mga seniors.
"Si Kennedy ba yun?"
"Oh my gosh! Reggie looks so good!"
Napairap ako sa mga narinig kong salita sa mga nalagpasan naming nangingisay na mga babae dahil sa mga seniors. What's with them? Tsaka di ko din maintindihan why they hype them so much!
"Zad! Abel!" deep voice echoed from our back. Napalingon kami sa narinig.
I saw a tall, drop dead gorgeous boy smiling habang naglalakad patungo sa amin. His eyes are sharp and mysterious, may nunal sa gilid ng kanyang left eye. He has a long strong nose, perfect curved lips and straight thick eyebrows. His hair was semi-mess but damn! He looks so good. I never met a boy little older around my age look this good.
"Braylon!" ngiti ni Abel at nakipag bro hug sa lalaki. Ganun din ang ginawa ni Zad. My cousins knew this guy! How?
"Hi Braylon!" ngiting bati ni Carmilla sabay kaway sa kanya.
"Hey, Carmilla. Who's the other girl?" ngisi niya sabay titig sa akin. His stare sent shivers down to my spine. Shit!
"This is Serena, our cousin." Giit ni Zad.
"Just what I thought Balcemada have a certain genetic feature." Aniya habang nakatitig pa din sa akin. He licked his lower lip sabay lipat ng tingin kay Zad at nagpatuloy sa kwentuhan.
Who is that guy?!
YOU ARE READING
Grievous: Braylon (GS1)
RomanceLittle Miss Perfect si Serena Anika Balmaceda when she arrived Bulacan. Perfect grades. Perfect family and perfect life. Iisang taga pagmana ng kanilang ari-arian. Prinsesa ng Balmaceda. She is born to be successful. She is born to be perfect. Becau...