Kabanata V: Swimming Pool
He's wearing a fitted white shirt and beige shorts. His toned body was visible from the thin layer of his shirt. Kuminang ang hikaw niya ng tamaan ito nang sinag ng araw. Agad naman akong nahagip ng mata niya.
Ang mga kasama niya ay agad na dumalo kay Zadkiel na kakaahon lang sa swimming pool. Nag apiran pa ang mga ito at nagkamayan.
"Thanks sa invite, Zad." batid ng isa niyang kaibigan.
"Don't thank me, thank my cousin." aniya sabay muwestra sa akin na lumapit.
"This is my cousin, Serena. Serena, these are my friends. Kale, Jayce, Margo, and Natasha." pagpapakilala ni Zadkiel nang makalapit ako. Some of them ay mas matanda sa akin sa tingin ko ay kaedad ni Braylon pero ang iba naman ay pamilyar ako ngunit sa mukha lamang. Well, my cousins are popular so I won't be surprised kung marami silang kaibigan.
Nginitian naman ako at pinasalamatan ng mga kaibigan nila.
"Thank you sa pag payag, Serena. I expected na you'll look gorgeous since it was obvious in your genes." sambit nung Kale.
Napangiti ako, "Naku! Wala iyon. Salamat din."
Kita ko sa gilid ng aking paningin ang pag igting ng panga ni Braylon habang nakatitig pa din sa akin mula sa mga lounge chair. Dumalo din sina Carmilla at Abel para batiin ang mga kaibigan.
"Braylon, buti nakarating ka. Wala kayong practice ngayon?" tanong ni Zadkiel nang makitang papalapit si Braylon sa amin.
"Meron pero maaga natapos kaya naisipan namin sumama ni Kale." aniya at hindi pa din inaalis ang tingin sa akin.
Napatango naman si Zad. "Tara na, ano pang hinihintay niyo?"
Sumunod naman ang mga kaibigan nila kaya kaming dalawa nalang ni Braylon ang naiwan. Sumibol ang kaba sa dibdib ko ng bumaling ako sa kaniya. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko.
"You're going to swim?" tanong niya.
Tumango ako. "Yeah, maya maya siguro."
Nakita ko na lalong nanlisik ang mga mata niya sa akin. Lalong kumabog ang dibdib ko.
"What are you going to wear when you swim then?"
"Of course, my bikini top. Ayaw ko namang suotin itong damit ko panligo. Just like Carmilla." Napayuko ako dahil ramdam ko na lalong uminit ang pisngi ko.
He lifts my chin up, "Then, I'll swim with you. I don't like to see other boys eyes look at your body."
Napatingin lang ako sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang iritasyon. Sumibol ang mapaglarong paru-paro sa aking sikmura. Kahit hinahangin ang buhok niya ay hindi pa rin mabawasan ang kaguwapuhan niya. If being good looking is a crime napakarami niya na sigurong kaso. His looks is too good to be true!
"Braylon! Serena! Tara na dito!" tawag sa amin nung Morgan mula sa swimming pool.
Pinagsalikop ni Braylon ang aming kamay at hinila ako patungo sa mga kaibigan nila. Rinig na rinig ko ang lakas ng pintig ng aking puso.
Nang makalapit kami, nakita kong nakatingin si Abel sa magkasalikop naming kamay kaya agad ko itong tinanggal. Napatingin sa akin si Braylon ngunit pinilit kong hindi linungin ito.
Alam kong pinagsabihan na ako ni Abel tungkol dito. Buong buhay ko lagi kong sinusunod ang payo nila Mommy, Daddy, Abel, at lahat ng malalapit sa buhay ko. Hindi ako gumagawa ng desisyon ko mag isa, lagi silang nandoon para gawin ang mga desisyon ko para sa akin ngunit sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam na kailangan kong sundin ang sarili ko. Na kailangan kong mag desisyon ng para sa akin... Kahit alam kong pwedeng mali ang kahihinatnan ito.
Natigil ang pag iisip ko nang marinig ang malambing na tili ni Natasha nang buhatin siya ni Zadkiel.
"Ano ba, Zad! Nakikiliti ako!" sigaw neto at agad namang napairap si Carmilla sa dalawa.
Tinanggal ko ang coachella top ko at tsaka nagswimming, narinig ko pa ang murang pinakawalan ni Braylon nang lumusong ako. Lamig ang agad kong naramdaman nang tumama ang tubig sa aking katawan.
Sina Abel, Kale, Morgan, Jayce, at Carmilla ay libang na libang sa paglalaro ng pool volleyball habang sina Zadkiel at Natasha naman ay naghaharutan sa gilid ng pool. Kitang kita ko ang iritasyon sa mukha ni Carmilla tuwing nalilingon sa direksyon nina Zad. Ano kayang meron sa kanilang dalawa?
Nakaramdam ako ng mainit na haplos sa akin beywang. Liningon ko ito nang makitang si Braylon ang nakahawak sa beywang ko. Wala na siyang suot na pang itaas ngayon. I never thought he's this toned and built! Kitang kita ang mga biyak ng kanyang dibdib hanggang sa kaniyang tiyan. It was just perfect toned for his body. Does he always go to the gym?
Ramdam ko na tila ba tuwang tuwa ang mga mapaglarong paru-paro sa aking tiyan dahil sa mga nangyayari. I need to stop staring at his body! Nag-aapoy na sa pula ang aking pisngi.
"Tss. Next time you go to swim, try to find something decent to wear like a rash guard or something."
Nakita ko na inihahanda na ng mga katulong ang mga kubyertos sa picnic table. Sumunod din si Mommy na dala dala ang mga inumin.
"Tara na kayo, Abel! Kumain na kayo!" untag ni Mommy nang matapos ihanda ang mesa.
"Sige po, Tita." sagot naman ni Abel na nakaupo nalang may gilid ng pool. Nagsisunod naman ang mga kaibigan niya at tumungo sa picnic table.
"Braylon, Serena, kain na tayo." ani ni Carmilla na umahon na din. Dinaluhan naman siya ni Zadkiel upang bigyan ng tuwalya.
"Susunod kami, lalangoy lang ng kaunti." sagot naman ni Braylon kaya tumango na lamang ito at umalis.
Ngumuso lamang ako at sinimulang lumangoy."Serena!" narinig kong sambit niya nang lumangoy ako paalis sa kanya.
Sinubukan kong sumisid sa kabilang dulo ng swimming pool. Ramdam ko ang naghuhumarentado kong puso kasabay ng aking paglangoy. Nang maramdaman ko ang pader nang swimming pool at agad akong umangat tsaka hinilamos ang kamay ko sa aking mukha.
Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya napabaling ako sa kaniya. Iniharang niya ang kanyang dalawang braso sa may pool deck. Konti nalang ang distansya naming dalawa. Ramdam ko ang hininga niya. Ipinatong niya ang noo niya sa aking braso. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit naming dalawa.
"I know I'm no good. But dammit! I want to be better for you, baby."
YOU ARE READING
Grievous: Braylon (GS1)
RomansLittle Miss Perfect si Serena Anika Balmaceda when she arrived Bulacan. Perfect grades. Perfect family and perfect life. Iisang taga pagmana ng kanilang ari-arian. Prinsesa ng Balmaceda. She is born to be successful. She is born to be perfect. Becau...