Kabanata XI

16 12 0
                                    

Kabanata XI: Date

Napasinghap ako nang makita ang score ng aking test paper. It was a bit lower than I expected. Hindi ako nakapag review ng maayos dahil sa rami ng iniisip. Daddy is still not changing his mind about his decision sa business. He still wants me to be in a forced marriage.

Tinago ko ang test paper sa aking bag at nangalumbaba sa desk, katabi ko si Abel ngayon na busy sa pagkopya ng lecture sa notebook ng kaklase ko. My phone beeped, tiningnan ko ito at nakitang text message mula kay Braylon.

Braylon:
Let's eat lunch together. Sunduin kita.

Agad akong nagtipa ng sagot.

Ako:
Okay.

Mabilis na lumipas ang oras at lunch break na agad. Nakita kong nagbubulungan ang mga kaklase ko ng makita na nakadantay si Braylon sa hamba ng pintuan. He was holding a paper bag with a local food chain brand. Nang makita niya ako at biglang kumislap ang kanyang mga mata.

"Sabay kayo?" tanong ni Carmilla habang nagliligpit ako ng gamit.

Tumango ako, "Sabihin mo nalang kayla Abel."

"Sige, magtataka na naman yung mga yun." Kinawayan ko nalang siya bago umalis.

Inabot niya ang kamay ko nang makalapit ako sa kaniya. "Let's go?"

Tumango ako. Nakarating kami sa may picnic table nang magkasalikop ang aming mga kamay. Kumuha pa siya ng tissue nang makitang madumi ang mesa at pinunasan ito. Tinitingnan ko siya habang linalatag niya ang mga pagkain. I love him. I really do.

"Kain na tayo," aniya nang matapos ilatag ang mga pinamili niya. Dalawang chicken fillet and rice, sundae, coke, at isang malaking fries.

Kumuha ako ng kubyertos at nagsimulang kumain.

"Kamusta exams mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Ayos lang, medyo mababa pero it's fine. Ikaw?"

"Well, the same as before." Ngiti niya. I smiled back. Good to know that he is doing great in his studies.

"That's good." saad ko habang hinihiwa ang chicken fillet.

"Do you wanna go on a date?" napatigil ako sa pagkain at liningon siya.

Nakatitig siya sa akin at inaasahan ang aking magiging sagot. Sumibol ang kaba sa dibdib ko, Braylon is asking me on a date!

"Uhm... Sure. Kailan ba?" tanong ko.

"On Saturday, after lunch. Susunduin kita sa inyo."

Tumango ako at pinipigilan ang pag ngiti, "Okay."

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Kilig na kilig naman si Carmilla ng ikuwento ko sa kanya ng sumapit ang Sabado ng umaga.

"Saan daw kayo magdadate?" tanong ni Carmilla.

"Hindi ko pa alam. Hindi naman niya sinabi." sambit ko habang naglalagay ng ng lip gloss. Tiningnan ko ang sarili ko sa sa salamin. Naglagay ako ng pearl clip sa tuktok ng gilid ng aking buhok. Nakasuot ako ng isang white button down mini dress and cream wedges. Kinuha ko agad ang clutch ko na kakulay ng aking wedge.

Tumunog ang phone ko at nakitang nagmessage si Braylon na malapit na siya.

"Saan ang punta mo, Serena?" tanong ni Daddy  nang makita akong pababa ng hagdan. Nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng tv.

"I'm going out with a friend." sagot ko

"Be sure to go home early. Itext mo si Mang Kiko if you need a ride home." aniya at binaling ulit ang mga mata sa tv. Narinig ko ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas. Dali dali akong tumakbo palabas.

Grievous: Braylon (GS1)Where stories live. Discover now