Kabanata VII: Sorry
Isang buwan na din ang nakaraan pagkatapos ng pangyayari, mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya nung mga sumunod na araw. Lagi na siyang pumupunta sa classroom namin na madalas ipagtaka nina Zadkiel dahil hindi naman daw napaparoon si Braylon nung hindi pa ako nag-aaral sa La Consolacion.
Nagkibit balikat nalang ako tuwing nauungkat ang usapan nila tungkol sa amin ni Braylon. Takot pa kasi akong bigyan ng kahulugan nag kung anong mayroon sa amin kaya hindi ko pa kaya sabihin sa kanila tsaka na siguro pag sigurado na ang lahat, ang mahalaga ayos kaming dalawa. Masaya na ako sa ganun.
Naglalakad kami pabalik sa classroom ko ng inaya niya ako manood ng laro nila bago kami mag first periodical.
"You should come and watch me play at my practice on Saturday. You can take Carmilla with you since I don't want to see you all alone habang wala ako sa tabi mo." Aniya na nakatingin sa magkasalikop naming kamay habang naglalakad.
Napatingin ako sa kaniya. "You want me to watch you play?"
"Of course, I would to hear you cheer me habang naglalaro ako. Tsaka isa pa, a good luck kiss can make me go for a whole day." Ngisi niya.
Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko kaya pinalo ko ang braso niya, "Ewan ko sayo, Braylon!"
Humagalpak naman siya sa reaksyon ko na may kasama pang pag hawak sa tiyan. "Damn it, Serena! Kung hindi lang tayo high school student pinakasalan na kita."
Ito talagang isang to! Minsan yung biro nakakahimatay! Lalong bumilis ang tibok ng puso ko kaya binilisan ko na ang paglalakad. Ayokong makita niya akong halos kakulay na ng kamatis dahil sa pamumula.
"Serena!" tawag niya nang mapansing inunahan ko na siya sa paglalakad.
Hmp! Bahala ka diyan! Magbibiro ka nalang yung gusto ko pa maging katotohanan. Naramdaman ko namang muli niyang pinagsalikop ang aming kamay nang makalapit siya.
"You know that I'm not joking when I said that I wanna marry you someday."
Nakaupo kaming dalawa ni Carmilla habang nanonood ng practice nina Braylon. Napakaraming humihiyaw ng pangalan niya, yung iba nangingisay pa sa kilig pag nakakashoot siya. Magkalaban ang STEM at ABM ngayon ngunit nangunguna ang STEM dahil mas maliliksi ang mga naglalaro sa seksyon nila kaysa sa kabila.
Samu't saring hiyawan at pamumuri ang narinig ko mula sa mga estudyante na nanonood. Yung iba todo cheer sa ABM habang yung iba sa kabila naman. Maririnig mo din ang pagtili ni Aria sa likod tuwing makakascore si Braylon, todo supporta naman ang mga kaibigan niya.
"GO BRAYLONNN!" sigaw ng isang grupo ng babae nang makashoot si Braylon. Hiyawan at palakpakan ang sumalubong nang mashoot ni Braylon ng 3 points.
He's really good at playing. Hindi ko din ineexpect na magiging ganito siya kagaling dahil nagprapractice palang siya for few months. Nakita ko namang napangiti siya sa akin at kumaway nang mahagip ako ng paningin niya. Napangiti ako at nag-thumbs up.
"Yiee! Swerte naman ni Aria. Nginingitian pa ng soon to be boyfriend niya." Saad ng kaibigan niya.
Napairap naman si Carmilla, "Feeling din yung isang yun ah? Ikaw yung kinawayan at nginitian tapos siya yung magrereact." Bulong neto.
"Hayaan mo na, wag nalang natin pansinin!" sagot ko sa kaniya. Pumalakpak nalang ako nung nakashoot ulit si Braylon.
"Totoo bang liniligawan ka ni Braylon, Aria? Bakit hindi mo pa sagutin kung ganoon?" tanong nung isang babae na tama lang ang lakas para marinig namin ni Carmilla.
"Oo, last month pa nga nagsimula nung manligaw si Braylon. Ayaw ko pang sagutin, it's too early pa naman and alam naman nina Mommy na we should take things slower." malambing naman na sagot ni Aria sa likod.
Malakas naman na umubo si Carmilla kaya napatingin sila sa amin, "Serena, ang kati ng lalamunan ko parang gusto kong manabunot. Bibili muna ako ng tubig, ibibili na din kita."
Natahimik naman sina Aria nang matalim silang tinigna ni Carmilla bago umalis.
Buong laro ay natahimik ako, matinding kirot ang nararamdaman ko sa puso ko pagkatapos marinig iyon. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko, alam kong dapat akong maniwala kay Braylon na hindi niya nililigawan si Aria pero sa mga binitawang salita ni Aria ay parang totoong liniligawan siya ni Braylon at alam na ito ng mga magulang niya. Nakita kong pasulya-sulyap si Braylon sa akin nang makitang walang sigla na pinanonood siyang maglaro.
"Serena, ayos ka lang?" tanong ni Carmilla nang mapansin ang pagiging matamlay ko nung makabalik siya.
"Oo naman." Ngiti ko tsaka kinuha ang bote ng tubig na binili niya.
Nakatingin pa din si Braylon sa akin habang umiinom ako ng tubig. Lumapit siya sa aming puwesto nang pinaupo siya sa bench ng coach nila.
Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang tubig sa kamay ko. Inabot niya din sa akin ang isang bimpo para punasan ko siya. Ginawa ko nga iyon, pinunasan ko ang butil ng mga pawis niya sa kanyang noo hanggang sa kanyang leeg. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin nila sa akin habang pinupunasan si Braylon. Ipinagwalang bahala ko na lamang ito.
"You okay?" tanong niya nang mapansin na hindi ko siya linilingon.
Tumango lamang ako at hindi kumibo. Hinanap niya ang mga tingin ko. "What's wrong?"
"Nothing, Braylon. I'm fine." Pekeng ngiti ko sa kaniya.
Nanliit ang mga mata niya habang tinitignan ako. Liningon niya naman si Carmilla. "Anong nangyari kay Serena?"
"Ito kasing si A—"
Bago pa ito masagot ni Carmilla ay tinawag na ito ng coach nila. Napabugtong hininga ako dahil ayaw kong malaman niya ang dahilan kaya ako ganito. I don't want to see him sad so I decided to keep it on my own. Nararamdaman ko ang mga luha kong nagbabadyang bumagsak. May bara sa lalamunan ko na hindi maintindihan kung ano.
Hindi ko na tinapos ang practice nila at napagdesisyunan ko ng umuwi. "Carmilla, pasabi nalang kay Braylon mauuna na ako. Ikaw ba? Uuwi ka na?"
Umiling ito ngunit nagtataka sa desisyon ko. "Pupunta daw sila Zadkiel eh, nagpapahintay. Bakit uuwi ka na? Baka magtaka si Braylon kas—"
"Masama kasi pakiramdam ko. I want to go home." pagsisinungaling ko.
"Ganun ba? Text ko na si Mang Kiko nang maipasundo ka or kung gusto mo si Zadkiel nalang ang itext ko?" pag-aalala niyang tanong.
"Si Mang Kiko nalang, ayaw kong abalahin sina Zad."
Nakakabinging hiyawan ang naganap nang makashoot ulit si Braylon. Panalo sila sa practice, konti lang ang lamang nila sa kalaban. Nang matapos ang laro ay naghahadaling lumapit sila Aria kaya naharangan si Braylon na nagbabadyang lumapit sa amin. Nakatitig pa din siya sa akin.
Hinatid ako ni Carmilla sa may gate nang dumating si Mang Kiko. "Pagaling ka, Serena. Text mo ko pag nakauwi ka na."
Tumango ako at sumakay sa loob, "Salamat, Carmilla."
Nang makasakay ako ay agad na pinaandar ni Mang Kiko ang sasakyan.
"Okay ka lang ba Serena?" tanong ni Mang Kiko.
Tumango ako, pinipigilang ang mga luha habang nakatingin sa likuran ng sasakyan. Kitang-kita ko habang papalayo ang galit at nagtatakang Braylon na kausap si Carmilla. I'm sorry, Braylon.
YOU ARE READING
Grievous: Braylon (GS1)
RomanceLittle Miss Perfect si Serena Anika Balmaceda when she arrived Bulacan. Perfect grades. Perfect family and perfect life. Iisang taga pagmana ng kanilang ari-arian. Prinsesa ng Balmaceda. She is born to be successful. She is born to be perfect. Becau...