Kabanata I

77 36 9
                                    

Kabanata I: Curious

"Braylon Marcellus Garcia," ani ni Carmilla nang naglalakad kami palabas ng classroom para mag recess. I'm still thinking of the guy we met earlier. Hindi dahil gwapo siya but he is mysterious and how can my cousins know him when I haven't met him in the first place?

"Varsity player siya dito sa LaCo and he is one of the outstanding students sa track nila. I can't believe you didn't know him, Serena!" dagdag niya na parang disappointed na disappointed sa pagkakaalam na hindi ko kilala yung Braylon.

"I'm not interested to strangers you know.."

"But you're interested at him? Ikaw ha!" pang-aasar niya.

"Hindi no! I'm just shock, okay? Zad and Abel knows him." Giit ko.

"Last summer lang ata nila nakilala si Braylon. Since Varsity si Zad at Abel, nakilala nila si Braylon. May summer training kasi ang mga Varsity."

Napatango ako sa sinabi ni Carmilla. Oh, that's why they knew him? Because he's a varsity player. Well, his height screams it kaya hindi na ako magtataka.

Nakarating kami sa cafeteria na puro si Braylon lang ang pinag-uusapan. He seems so mysterious and interesting that's why tanong ako ng tanong kay Carmilla tungkol sa kanya. Nang makapasok kami sa loob ng cafeteria natanaw ko agad ang dalawang pinsan ko kasama ang grupo ng kaibigan nila.

"Serena! Carmilla! Come here!" sambit ni Zad nang makita din kami.

Agad kaming dumalo sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Abel habang nakatabi naman sa akin si Carmilla. Bunch of guys around my age were sitting in the table.

"Hi, Carmilla! Ano pangalan ng kasama mo?" tanong nung lalaki na nasa tapat namin ibang section ata siya.

Matalim siyang tinignan nina Zad at Abel. "That's my cousin, Luxton."

"Ops! Wrong girl!" hagalpak ni Carmilla.

Napakamot nalang ng batok ang lalaki at napangisi.

"Anong gusto niyong kainin, Serena? Ako na oorder." sambit ni Abel.

"Anything basta without cheese, Abel." Sagot ko.

"Ikaw, Carmilla?"

"Burger nalang tsaka juice."

Tumango si Abel at hinila yung lalaking nagtanong kanina para samahan siya. Agad din naman silag bumalik dala ang mga pagkain. Inorder ako ni Abel ng sandwich at fruit shake.

"Thanks,"

"Anytime, cous."

"Napakabait talaga ni Abel kaysa kay Zad. Tingnan mo nambabae pa." sambit ni Carmilla sabay turo kay Zad na may kaakbay na dalawang senior na babae dun sa table nila.

"That's the difference between a gentlemen and an asshole." Sagot ni Abel kaya tumawa kaming dalawa.

Nagpatuloy ang biruan at tawanan namin nina Abel kasama ang mga kaibigan nila sa kabilang section hanggang sa marinig namin ang bell. I got confused I saw few seniors pero bakit wala siya? Saan kaya ang room niya? Nagkibit balikat nalang ako sa naisip.

"Huy! Nakikinig ka ba? Tama na tulog, Zad!" bulong ni Carmilla sa nakayukong Zadkiel.

Naglelecture kami sa Araling Panlipunan nang marnig kong pabulong na nagbabangayan ang dalawa.

"Shh! Be quiet, Carm. I'm trying to take a nap. Just keep writing!"

"Magsulat ka kaya! I don't want to cover you up kay Tita Maris, they thought you're doing good at school!"

"Fine!" narinig kong bulyaw ni Zadkiel.

Hinayaan ko na silang dalawa sa likod at pinagpatuloy ang aking pagsusulat. Makalipas ang ilang minuto natapos din ako. Ngiting ngiti akong tiningnan ang aking notebook na puno ng malinis at maayos na sulat. Finally!

"Who's done with their lecture?" tanong ng aming guro.

Agad naman akong nagtaas ng kamay. Napatingin ang mga kaklase ko sa akin. What?

"Good job, Ms. Balmaceda. Why don't you help me take some fillers from the Senior High Department?" ani ni Ma'am Dela Cruz.

Napawi ang ngiti ko sa narinig. Saan daw? 

"Let's go, Ms. Balmaceda. The rest of the class finish your lectures before we come back." ani ni Ma'am Dela Cruz at tsaka lumabas ng classroom.

"Go na, Serena!" sambit ni Carmilla.

"Be careful!" dagdag naman ni Abel. 

Tumango ako at tsaka tumayo sa kinauupuan. Dumiretso na din ako sa labas ng classroom upang  masundan si Ma'am Dela Cruz.

"Saan po tayo pupunta?"tanong ko nang makahabol kay Ma'am Dela Cruz.

"Sa section nina Garcia. I need to collect their fillers dahil pinasabay iyon ng kanilang prof." 

Tumango ako. Pupunta kami sa room nina Braylon! Hindi ko alam pero nagsimulang humarentado ang puso ko ng maisip na makikita ko siya ulit. Paano kaya siya sa classroom niya? Maybe his girl classmates admire him so much because who wouldn't? He looks so good plus he is a outstanding student.

Naputol ang aking iniisip nang makitang papalapit na kami sa department nila. I'm really going to see him!

Sumakay kami sa elevator at agad din naming naabot ang third floor. Tahimik ang hallway nang naglalakad kami. Sumibol ang kaba sa puso ko. Huminto kami sa classroom na may nakalagay na 'STEM-206.

"Why don't you collect the fillers, hija? Sasaglit lang ako sa kabilang room. Puntahan mo nalang ako. Is that okay?"

Tumango ako at nagsimulang lumakad si Ma'am sa sumunod na room. So this is his room? STEM pala ang track niya. Nakaramdam ako ng pawis sa aking palad ng kumatok ako sa pinto nila.

Bumukas ito at dumungaw ang isang babae, she looks pretty. Her hair is slightly curled, she even have light make up on that makes her look more stunning!

"Ano yun?" she asked.

"Si Braylon?" tanong ko. I know I should be asking for their fillers but I'm really curious!

Tumaas ang kilay niya sa tanong ko na parang may mali doon. She stops for few minutes pero tinawag niya din si Braylon kalaunan.

"Braylon! Someone's looking for you!" aniya

"Who is it?" narinig kong tanong ni Braylon. His deep voice echoed their classroom.

"I don't know. She's a junior."

Tiningnan niya ulit ako bago umalis ng pinto. Napakibit balikat nalang ako. Agad namang sinapo ni Braylon ang pinto bago ito sumara. His hair is fixed this time, it was styled in a comma. Two of the buttons of his polo are unbuttoned, revealing his dog tag.

"Oh! I didn't expect you to look for me. What is it?" matigas niyang Ingles. Playful smirk was plastered on his face.

"Uhm... Si Ma'am Dela Cruz, she was asking for the fillers." untag ko.

"You could've asked Aria, but you look for me instead." his tone became cold. Nawala na din yung mapaglarong ngisi niya. His eyes stares at me coldly. Muling kong naramdaman ang mga naglalarong paru-paro sa aking tiyan.

"Uh..."

Unti-unti siyang humakbang palapit sa akin. Yumuko ako, I feel like his presence is too much I can't look at him. Hinawakan niya ang baba ko at tiningala sa kanya.

"Are you curious, baby?"

Grievous: Braylon (GS1)Where stories live. Discover now