Kabanata XIII: Confrontations
I didn't sleep well that night sa dami ng iniisip. So many things happened on our first date and hindi ako maka catch up sa bilis ng mga pangyayari. Nagising ako nang marinig na may nagsisigawan sa kabilang kuwarto. Pinuntahan ko iyon at sinilip. Nakita kong nag-aaway sina Mommy at Daddy. Sinubukan kong pakinggan ang pinag tatalunan nila.
"Is there no other choice, Sevrino? I don't want to send our daughter in Canada again!"
"Listen to me, hon. If she studies engineering in Canada there'll be a bigger chance that she can handle our real estate. Andun naman si Joaquin to guide her. Damien will be there too!"
Daddy wants to send me in Canada again? Bakit? Binuksan ko ang pinto upang harapin sila. Nagulat si Mommy nang makita niya ako. She's crying while sitting on their bed while si Daddy naman ay nakatayo habang nakapamewang.
"Daddy, you want to send me in Canada? Again?" iritado kong tanong.
"Yes, Serena. It will increase the chance na you can handle the real estate if you studied on Canada. Tito Joaquin will be happy to help you with your studies there since he is also a Engineer. Your mom doesn't want you to be forced marriage to Damien but I still want to give it a chance. Doon din siya mag-aaral ng business. We can set the date kung kailan mo gusto umalis."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Daddy. He planned this already. Tears starts forming in my eyes. He doesn't care about me, all he cares is about the future of his business.
"Sevrino! I already told you! Give Serena a chance, our daughter is smart, she doesn't need to be in a forced marriage!" sabat ni Mommy.
"Hon! I know that! But what if she failed? Saan na pupulutin ang pinahirapan natin?! Serena still needs guidance and what I'm doing can help her with—"
"Mommy! Daddy! Tumigil na kayo! Fine! Sige, sa Canada na ako mag-aaral. I'll marry Damien too if you want. Just stop fighting! I don't want to see you two fighting because of this. I'll do whatever Daddy wants. Just don't fight because of this!" tumakbo ako pabalik sa kuwarto ko at doon binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.
I would sacrifice anything than seeing my parents fighting. Okay ng ako yung masaktan, wag lang sila. Seeing them fight breaks my heart. Hearing them shout at each other hurts me. Okay nang ako yung magsakripisyo. Braylon deserves someone else. He deserves Aria, not me. Bahala na kung ano mangyayari. Bahala na yung pagmamahal ko. Bahala na yung mga pangarap ko.
Mabilis na sumapit ang Lunes. Hindi ko na ulit narinig na nagtalo sina Mommy pero ramdam ko na pinagtatalunan pa din nila ito pag wala ako. I didn't talk to Braylon after ng date namin. I just don't have the time to talk to him. I feel empty anyways.
"Serena! Kamusta yung date niyo?" tanong ni Carmilla nang magkita kami sa school.
"Ayos lang, pumunta lang kami sa shrine tapos kumain." sagot ko, I didn't tell her what happened after. Sa susunod na siguro.
"Eh bakit parang matamlay ka? Hindi ka nag enjoy? Boring ba siya ka date? Sabi ko na nga ba mas exciting kadate si Hadraniel kaysa dun." aniya.
"Aalis ako, Carmilla." sambit ko at napahinto siya. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha. It took her few minutes before she realize kung ano yung sinabi ko.
"Ano?! Saan ka naman pupunta!"
"Babalik akong Canada, gusto ni Daddy doon ako mag aral."
"Paano itong school year? Tsaka bakit doon? Pumayag ka ba? Bakit hindi ka umayaw?" sunod-sunod na tanong niya.
Umiling ako, "Baka hindi ko na tapusin yung school year na ito. Hindi na ako lumaban dahil alam kong ipipilit niya pa din ang gusto niya and I don't want to see him and Mommy keep fighting about this."
"Paano si Braylon?"
"I don't want to think about Braylon for now, infatuation lang naman siguro yung nararamdaman ko sa kanya. He will find someone besides me anyways." matamlay kong sagot.
Nakita kong papalapit sa amin si Aria. Matalim naman itong tiningnan ni Carmilla. "Sa atin ba papunta yan?"
"Can I talk to you for a minute?" aniya nang makalapit sa amin. Her hair is in a sleek ponytail and she still have make up on. Mas mature talaga siya tingnan kaysa sa akin.
"Sure." Saad ko tsaka sumunod sa kaniya. Tiningnan ko si Carmilla at nahulaan niya agad ito bago tumango.
Pumunta kami sa may inner park kung saan sitting area ito ng mga estudyante. Kaunti lang ang mga tao dito. Sumibol ang kaba sa aking dibdib.
"Anong meron sa inyo ni Braylon, Serena?" tanong niya nang makaupo kami sa isang wooden table and bench.
Natahimik ako. Ano nga bang mayroon sa amin ni Braylon? Kahit ako ay hindi ko masagot ang tanong niya. Hindi ko din alam kung anong mayroon sa amin ni Braylon.
"Serena, bakit si Braylon pa? Braylon is my childhood sweetheart. Bata palang kami, I already know that Braylon will always choose me, that whatever happens he will still like me. That's why I told myself that we can take things slowly since I believe he will always be mine. Pero hindi, you came in. You caught his attention..." Unti-unting tumulo ang mga luha niya.
"He was supposed to court me, Serena. I already told my parents about it since they knew him. But he ignored and shut me down nung nakilala ka niya. He spends most of his time knowing you. Nasasaktan ako, Serena. I love Braylon so much that it pains me tuwing nakikita ko kayong masaya. So I'm asking you..." Lumapit siya sa akin at lumuhod. Pinilit ko siyang tumayo.
"Aria, please wag kang lumuhod." sambit ko nang sinusubukan kong patayuin siya.
"Serena... Please let Braylon go. Mahal na mahal ko si Braylon. All I know was to love him and I can't bear to see him happy with you. Please, Serena! Iwasan mo si Braylon. Let him go..." Humagulgol siya habang hawak-hawak ang mga braso ko.
Umupo ako at sinubukang itayo siya ngunit nabigo ulit ako." Aria... Tumayo ka na, please. Don't do this. The people might misunderstood."
Nararamdaman ko ang pag bara sa aking lalamunan. Nanginginig ang aking mga binti habang pinipilit na itayo si Aria.
"Si Aria ba yun? Grabe naman. Bakit pinaluluhod siya nung babae."
"Sino yung babae? Ang sama naman nun at pinaluhod pa yung babae!"
Samu't saring bulungan ang narinig ko sa mga nakakakita sa amin.
"Aria, tumayo ka na. I'll let Braylon go. Iiwasan ko na siya if that's what you want. I'll let you two be happy." nanginginig ang mga labi ko habang sinasabi iyon.
"Serena! Aria!" narinig kong sigaw ni Braylon. Dali-dali siyang lumapit sa amin.
"Braylon! Si Serena, binalaan niya ako! Sabi niya, sasaktan niya daw ako pag hindi kita tinigilan! Kaya nagmamakaawa ako sa kanya. Braylon she's manipulating you, she wants to hurt me because I like you." Humagulgol si Aria at yinakap si Braylon nang makalapit ito.
"What? Serena, is that true? Bakit mo sinabi yun? Why did you have to do that?" malamig na tanong ni Braylon sa akin. Yinakap niya pabalik si Aria.
Nanlambot ang mga binti ko kaya napaupo ako. Hindi ako makapag salita dahil alam kong iiyak ako once na magsalita ako.

YOU ARE READING
Grievous: Braylon (GS1)
RomanceLittle Miss Perfect si Serena Anika Balmaceda when she arrived Bulacan. Perfect grades. Perfect family and perfect life. Iisang taga pagmana ng kanilang ari-arian. Prinsesa ng Balmaceda. She is born to be successful. She is born to be perfect. Becau...