Kabanata IX: Dinner
Kinulot ko ang mga dulo ng aking buhok habang nakatulalang nakatitig sa salamin. In just few hours, we'll be having dinner with the Guazons. Buong araw kong iniisip ang mga pwedeng rason kung bakit magdidinner kami kasama sila. Natigil ang sinulid ng aking mga iniisip nang makitang umilaw ang aking cellphone sa may tabi ng tukador. It was a message from Braylon.
Braylon:
How are you feeling? Have you eaten dinner already? Uminom kang gamot after eating. I miss you.
Napangiti ako sa message niya. It lightens my gloomy mood. Ganito ba pakiramdam nang nagmamahal? Then I must be crazy in love. Nagtipa ako ng sagot.
Ako:
I'm still preparing for a family dinner. I'm feeling okay na, you should eat. I miss you too.
Tinapos ko na ang pag-aayos ko ng aking buhok. Naglagay din ako ng tint at mascara bago dumiretso sa aking closet para makapagpalit ng damit. I wore a short red sweetheart dress and white stilettos. Nang matapos ako ay tumunog ulit ang aking cellphone.
Braylon:
Family dinner with who? Can I call?
Tinignan ko ang orasan malapit sa side table ng kama ko. Its only 7 pm. I still have an hour before the Guazons arrived. Bago pa ako makapagtipa ng sagot ay tumawag na siya. I answered it right away.
"Serena," saad niya. His voice is very deep and husky siguro dahil sa lamig ng kuwarto niya.
"Hmm?" sagot ko at umupo sa may kama habang tinitignan ang manicured nails na ginawa ko kanina.
"You're going to have family dinner with who?"
"With the Guazons daw, kanina lang sinabi ni Daddy."
"Are you wearing something decent? I don't want to think na you're wearing something inappropriate while having family dinner with other people."
Napairap ako sa sinambit niya. "I'm not like that, okay? I'm wearing something classy and decent."
"Damn! Anything you wear looks good on you anyways. Ang hirap hindi maghigpit." I can feel him smiling after saying that. Naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi. Rinig na rinig ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. I really like him, I really do.
"You're so beautiful, Serena. I want to hug you." Dagdag niya nang maramdaman na natahimik ako. Mas naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Rinig ko ang paggalaw niya sa kama pati ang pag kaluskos ng unan. I think he is hugging the pillow right now.
"I want to hug you too."
"Hmm, I would love that right now." I can feel him getting sleepy.
"How's your day, Braylon?" tanong ko nang marinig ang paghinga niya mula sa kabilang linya.
"Everything is fine, baby. I helped my younger brother in his training today. How about you? Okay ka na ba?" I can hear the concern in his voice.
Bago pa ako makasagot ay narinig kong may kumakatok sa pinto ng aking kuwarto. "Serena, tawag ka na ni Madam Annie! Andiyan na ang mga bisita!"
Linayo ko ang cellphone sa aking tainga bago sumagot kay Manang Belinda. "Opo, Manang. Susunod na po!"
"Hello? Serena? Who's that?" rinig kong tanong ni Braylon mula sa kabilang linya.
"Look, Braylon. I got to go. I'll call you later. I promise." Dali-dali kong pinatay ang tawag, hindi ko na inintay ang kanyang sagot dahil narinig ko na ang mga boses mula sa baba.
"Mr. and Mrs. Guazon, I'm really happy and grateful na nakarating kayo sa aming bahay. I hope you didn't have hard time finding our house." Masiglang tinig ni Daddy at kinamayan ang mag-asawang nasa kanilang middle age.
Suit and tie ang suot ng lalaki habang ang asawa niya naman ay nakasuot ng isang elegant dress. Her hair is in pin up while wearing pearl necklace on her neck.
"Don't worry, Sevrino! We enjoyed the trip, it's been a while since we visited Bulacan." Sagot naman ni Mr. Guazon habang ngiting ngiti na tinanggap ang kamay ni Daddy.
Huling pumasok ang isang binatang lalaki na ilang taon lang ang tanda niya sa akin. His hair is in a taper cut. He looks like his Dad. Almond eyes, tall nose, and thin lips. His features are soft but masculine at the same time.
"This is Damien James Guazon, our son. This is my wife, Helena Guazon." Pagpapakilala ni Mr. Guazon sa kanyang asawa at anak. His wife smiled and formally handshakes my Dad habang bumeso naman kay Mommy. Si Damien naman ay nakipag kamayan din kay Mommy at Daddy. His eyes directly looked at me.
"I didn't know you have a beautiful daughter, Mr. Balmaceda." Matamis na ngiti ni Mrs. Guazon nang bumeso sa akin.
"She resembles you so much, Sevrino!" dagdag ni Mr. Guazon. Nagtawanan naman ang dalawa ganun din sina Mommy at Mrs. Guazon.
"This is my daughter, Serena Anika Balmaceda and this is my wife, Annie Rose Balmaceda." Pagpapakilala naman ni Daddy sa amin.
"Nice meeting you po," ngiti ko.
"I hope you and my son get along. You two would be a beautiful couple." Biro ni Mrs. Guazon.
"Indeed, Serena is the perfect wife for our son." Dagdag naman ni Mr. Guazon
Kita ko ang pagkairita ni Damien sa mga usapan ng mga matatanda. I will not deny that I feel something wrong is going to happen. I'm just hoping na hindi ito totoo.
"Enough with the chitchats! Mas magandang pag-usapan natin ito sa hapag kainan." Aya ni Daddy kaya lahat kami ay dumiretso na sa hapag.
Business talks ang pinag-uusapan nila nang magsimula na kaming kumain. Katabi ko si Damien habang sa magkabilang kabisera nakaupo sina Daddy at Mommy. Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa usapan nila, minsan ay nagbibiruan sila tungkol sa amin ni Damien.
"Keep eating, Serena." Bulong ni Damien sa tabi ko nang mapansin na pinanonood ko nalang mag-usap sina Daddy.
Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain. Laughter and chitchats ang tanging maririnig sa hapag. Napatingin ako kay Daddy nang itinaas niya ang kanyang champagne glass at lumikha ng tunog gamit ang kanyang knife upang tawagin an gaming atensyon. Sumibol ang kaba sa akiing dibdib.
"I really enjoyed this dinner with the Guazons. I can now finally secure a brighter future for our business. This toast is for our blooming friendship and for the future marriage of our children. Cheers!" ngiting sambit ni Daddy. Nakita ko ang pilit na ngiti ni Mommy. I can see that she doesn't like whatever is happening right now.
Wait what?! Tila ba ay parang binagsakan ako ng langit nang marinig ang katagang iyon. I felt my heart tearing up into pieces. This can't be happening! Napatayo ako at dali daling tumakbo paalis sa dining room.
"Serena!" tawag ni Daddy nang makalayo ako.
Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha pati ang unti-unting pagkasira ng aking mga pangarap. Humagulgol ako nang makarating ako sa kuwarto. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Sana hindi ito totoo. I wish this is just a dream.
YOU ARE READING
Grievous: Braylon (GS1)
RomansaLittle Miss Perfect si Serena Anika Balmaceda when she arrived Bulacan. Perfect grades. Perfect family and perfect life. Iisang taga pagmana ng kanilang ari-arian. Prinsesa ng Balmaceda. She is born to be successful. She is born to be perfect. Becau...