Kabanata II

51 36 0
                                    

Kabanata II: Hadraniel

Nakalipas ang ilang araw ng mangyari ang insidente. Hindi ko na siya pinuntahan pagkatapos noon. His presence is too much for me. I feel like I cannot handle another interaction with him. Baka pag nagkita kami ulit ay baka hindi na kayanin ng puso ko.

"Are you curious, baby?" tanong niya nang makalapit sa akin. Napaatras naman ako sa ginawa niyang paglapit.

Linagay niya sa likod ng tenga ko ang takas ng buhok at inangat ang baba ko. His eyes were full of curiosity. Hindi ako nakapag salita. Wala akong marinig kundi ang bilis ng tibok ng puso ko.

"I'm going to get the fillers." Napailing siya at pumasok sa loob ng classroom niya.

Naglalakad kami ngayon ni Carmilla, papuntang library para manghiram ng libro para sa aming assignment. Hindi na sumama sa amin sila Zad dahil may laro daw sila. Uwian na ngayon, marami nang estudyante ang nag uuwian yung iba naman tumatambay pa sa mga benches. Malapit na din ang paglubog ng araw dahil alas kuwatro na ng matapos ang last subject namin.

Dumaan kami sa Senior Building dahil may shortcut doon papunta sa library ng La Consolacion. Sinubukan kong sumulyap sa kanilang classroom na baka sakaling makita ko siya ngunit nabigo lamang ako nang hindi siya nakita. Umuwi na kaya siya? Nasaan kaya siya?

Napailing nalang ako sa naisip. "Carm, marami bang nagkakagusto dun kay Braylon?" hindi ko din alam kung anong pumasok sa sistema ko para maitanong iyon sa kaibigan ko.

Napatingin siya sa akin at napakunot ang noo. "Oo naman, Serena. Maraming nagkakagusto dun lalo na sa mga juniors. Ang mga Garcia talaga malakas ang dating sa mga babae. Naalala ko pa naging crush ko yung kapatid nun na si Hadraniel noong unang kita ko!"

Napahinto ako. May kapatid siya? Ilang taon kung ganoon? Katulad niya din kaya? I thought he was the only son but maybe not. Nakarating kami sa library. Konti lang ang mga estudyante na nandoon dahil uwian na. Agad nahagip ng mata ko ang likod niya.

Nakaupo siya sa tapat ng isang lalaki na nagbabasa ng libro. Mukhang bored nabored siya na linalaro ang ballpen habang pinanonood ang lalaking nasa harap niya. The other guy looks fine as him! Nakasalamin siya, his hair is in a clean cut. Halos pareho sila ng features pero his eyes are more deep, wala siyang nunal and his lips are more thicker than Braylon. He looks like around my age. Is that his brother?

"Si Hadraniel!" bulong ni Carmilla. So kapatid niya nga! They're like the opposite. Kung si Braylon ay mas relax ang ambiance pero siya hindi, he is like the cold version of him.

"That's him?" tanong ko habang naglalakad kami para makahanap ng libro. Tumango si Carmilla. Sinubukan kong tumingin ulit sa direksyon nila. Napatingin naman si Braylon sa akin, smirk was plastered on his perfect curved lips.

Kinilabutan ang sa pinakitang reaksyon ni Braylon. I swear he gets me everytime! Nakita kong tumayo siya sa kanyang upuan.

"Serena, nahanap ko na yung libro na kailangan natin? Hati na ba tayo? Or Maghahanap ka pa?" batid ni Carmilla. Agad naman akong napatingin sa hawak niya.

"Hahanap pa ako, intayin mo nalang ako sa may table doon."

Tumango si Carmilla at nagsimula nang maglakad papunta sa lamesa na tinuro ko.

"Hey," malambing na sambit ng nasa gilid ko. Napatalon naman ako nang makita siya. His left hand were resting on the bookshelf habang ang isa naman ay nakalagay sa loob ng kanyang bulsa.

"Anong kailangan mo?" sambit ko. Halos manginig ang tuhod ko sa presensya niya. His height almost shadowed my thin body. Agad kong binaling ang paningin ko sa mga libro at nagkunwaring naghahanap pa din ng kailangan ko. I can't look at him straight in the eyes.

"Nothing, I'm just bored. I thought you're going to see me again sa classroom."

Natigil ako sa paghahanap. I looked at him. His eyes showed disappointment but agad din itong nawala. What's with him? Akala niya ba isa ako sa mga fangirls niya? I might have tiny interest on him but no! I'm not one of them!

Natawa ako sa sinabi niya, "Come on, Braylon. That was a one time thing tsaka nautusan lang ako noon. Why would I do that again?"

Umigting ang panga niya. His stare became more cold na parang mali ang sinabi ko sa kanya. Napawi ang ngiti ko sa nakitang reaksyon. Linapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga. His smell lingers on my nose. Sobrang bango niya, he smells like mint and manly perfume.

Nakiliti ako sa hininga niya. Rinig na rinig ko ang humarentado ng puso ko. I can even feel my legs become more jelly from his actions. Damn!

"I'll make sure that this will not be a one time thing, Serena. You'll keep coming back. I'm sure of it." Agad siyang umalis at naiwan akong tulala sa mga salitang binitawan niya.

Hinabol ko ang hininga ko ng makaalis siya. Napahawak ako sa dibdib ko. He is too much for me to handle!

Grievous: Braylon (GS1)Where stories live. Discover now