Kabanata III: Miss
Kinuwento ko kay Carmilla ang nangyari sa library at sa classroom nila.
"Hindi kaya gusto ka ni Braylon? I mean he's hitting on you obviously." aniya ng kumakain ng french fries nung free time namin.
Napakibit balikat nalang ako. Hindi ko din alam kung anong habol niya sa akin. Maybe he is just looking for excitement at nataon na ako pa ang napili niya.
"Be careful, Serena. Lalo na kay Braylon, matinik sa babae yan. I mean he's a heartthrob, every girl likes him. Marami siyang admirers. Kung gusto ka man niya, that's gonna be a problem but I'll be there to support you if you know. " aniya sabay sundot sa beywang ko.
Hinilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. I don't know, he's driving me insane these past days. I mean halata naman sa gestures niya pero di ko lang mapinpoint kung anong pinahihiwatig niya.
"Ugh... I don't know. Bahala na, let's just see. Maybe trip niya lang ako for now."
Ilang linggo din ang nakalipas noong nangyari yung nasa library. Hindi na ito nasundan. Nagkikita kami ni Braylon pag kasama namin ni Carmilla sina Zad pero di ko siya tinitingnan at kinakausap. Madalas ko ding iwasan na dumaan sa building nila. Nakikita ko man siya minsan sa labas ng classroom nila pag free time pero patay malisya ako pag natataong makikita siya.
Nakakaramdam ako ng hapdi sa puso ko. I don't know why pero I feel hurt. Dahil siguro nag eexpect ako na masusundan pa ang mga nangyari? Some part of me expects something more from him.
Siguro tapos na ang trip niya sakin. Maybe he realize I'm not worthy of his precious time. That's good... I guess.
"Carmilla?" kalabit ko sa kanya nang malapit na ang breaktime namin.
Tapos na ang Math subject namin kaya naisip kong pumunta ng library para may tingnan. Doon kami dadaan sa building nila.
"Ano yun?" tanong niya sabay harap sa akin. Nagsusuklay siya ng buhok.
"Punta tayo sa library ngayon."
"Ha? Bakit? Ano gagawin natin doon?" Nakakunot ang noo niya.
"Hindi kayo sasabay sa amin?" tanong ni Zad na nakatingin ngayon kay Carmilla.
"Narinig mo pinsan mo diba? Malamang hindi. Nagpapasama siya eh."
Nanliit ang mata ni Zad habang nakatingin sa akin.
"Where's she going?" singit ni Abel.
"Library." sagot ko.
"For what?"
"Basta! Mauna na kayo ni Zad. Sandali lang kami." giit ko sabay hila kay Carmilla.
"Bumalik kayo agad!" narinig kong sigaw ni Zad.
Ano bang problema nung dalawang yun? Pupunta lang akong Library kasi may titingnan ako!
Naglalakad kami patungo sa Building ng mga Senior. Nakita kong break time din nila. Nasa room kaya siya? I'll have to see then.
"Serena, bakit dito pa tayo dumaan? Don't tell m--"
"Shh. Hindi no, dadaan lang naman tayo." sambit ko.
She looked at me playfully na parang alam niya kung ano ang nasa isip ko. No! Dadaan lang talaga ako. I promise.
"Braylon!" narinig kong sigaw ng isang babae.
Liningon ko ito at nakita kong ito yung babae nung nakaraan. Napatingin din siya sa akin like she's shock to see me in their building. Nakita ko din si Braylon na may kasamang mga kaklase niya ata. Nahagip din ako sa paningin niya. He looks at me coldly.

YOU ARE READING
Grievous: Braylon (GS1)
RomanceLittle Miss Perfect si Serena Anika Balmaceda when she arrived Bulacan. Perfect grades. Perfect family and perfect life. Iisang taga pagmana ng kanilang ari-arian. Prinsesa ng Balmaceda. She is born to be successful. She is born to be perfect. Becau...