Kabanata VI

31 24 0
                                    

Kabanata VI: Pag-iwas

Alas siyete na nang maisipan nilang umuwi. Hinatid namin nina Zad palabas ng bahay. Dito natulog sila Zadkiel sa amin dahil marami namang bakanteng kuwarto sa bahay. Hindi ako nakatulog nung gabi tila ba paulit-ulit na nagplaplay ang mga senaryo sa utak ko.

Ang mga mata niyang puno ng lungkot nang matapos bitawan ang mga katagang iyon. Ang init ng katawan niya nang hilahin niya ako sa bisig niya. Tila bang may parang mainit na humawak sa puso ko. I can't believe na a month and few weeks has passed ito na ang nararamdaman ko. Na unti-unti ko na siyang minamahal sa maikling panahon.

Mabilis lamang dumaan ang araw na iyon dahil wala akong ginawa kung mag aral. Agad ding umuwi sina Zadkiel at Abel kaya yun na lamang ang ginawa ko.

Kinuwento ko kay Carmilla ang nangyari nang dumating ang Lunes. Gulat na gulat pa siya sa mga pangyayari. Naglalakad kami pabalik sa room dahil kakatapos lang namin kumain ng lunch.

"Jusko! Kaya naman pala pulang pula ang pisngi ni Braylon nung nagmamaneho pauwi. Nako ha! Pakiramdam ko gusto ka talaga nun. Sana'y seryoso siya sa mga ginagawa niya. Alam ba nina Abel at Zad?" tanong ni Carmilla.

Umiling ako, "Wala pa akong balak sabihin dahil di pa naman ako sigurado tsaka kilala mo naman yung dalawa pag nalaman nila ito alam kong hindi sasang-ayon yun."

Napasinghap siya, "Susuportahan kita kung anong gusto mong mangyari, Serena. Kailangan mo pa din sabihin kayla Zadkiel dahil mas magandang malaman nila mismo sayo kaysa sa iba. Alam mo naman na mabilis kumalat ang balita dito."

Tumango na lamang ako. Hindi ko din alam kung seryoso ba talaga si Braylon sa nangyayari sa amin. Hindi ko naman maiitatanggi dahil alam kong may parte sa akin na gusto iyon ngunit hindi pa din malinaw ang mga pahiwatig niya na parang isa pa ding larawan na hindi maipinta.

Sa mga nangyayari noong nakaraan alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya. Simula palang naman noong una gusto ko na siya pero mas nadepina ang nararamdaman ko tuwing magkasama kami.

"Totoo ba? Si Braylon yung nagbigay nung bulaklak kay Aria kanina? Nakakainggit naman!" narinig kong saad ng babae nang makasalubong kami.

Nagkatinginan kami ni Carmilla. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking dibdib. May liniligawan si Braylon?

"Hoy! Ano yang pinagbubulungan niyo?" mataray na tanong ni Carmilla sa dalawang babaeng dumaan.

"Bakit? Sino ka ba?"

"Pakialam mo kung sino ako! Ang akin lang wag kayong magkalat ng maling balita. Mga shuta kayo!" sambit ni Carmilla sabay hila sa akin paalis doon sa dalawang babae.

"Wag kang maniwala dun, Serena. Ang paniwalaan mo si Braylon, tanungin mo siya mamaya. Mga batang yun, makikichismis nalang mali pa!" singhal ni Carmilla.

"Hayaan mo na, Carms. Baka totoo nga yung sinasabi nila tsaka wala namang masama kung may ligawan si Braylon. Hindi naman ganoong kahaba ang panahon simula nung magkakilala kami at wala namang depinisyon yung mga nangyayari sa amin." Sumibol ang unti-unting panghihina ng mga paru-paro sa aking tiyan. May nakabara sa aking lalamunan na parang kahit anong lunok ko ay hindi ito mawawala kaagad.

Maybe those girls are right. I mean, Braylon would prefer someone older and more mature than me. He won't stick for someone younger than him. Inientertain niya lamang ako dahil kaibigan niya sina Zadkiel. Maybe he is just being kind to me because he doesn't want to have a bad image to Zadkiel and Abel.

"Ano ka ba naman, Serena! Wag ka ngang ganyan! Wag kang maniwala doon, kausapin mo si Braylon aba!"

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mata, agad ko iyong pinunasan. "Hayaan mo na, Carmilla. Pwede ko naman iwasan si Braylon. Kung totoo man yung rumors sa kanila, edi goodluck."

Yun nga ang ginawa ko noong mga sumunod na araw. Madalas kong iniiwasan si Braylon. Tuwing sumasama siya kumain sa amin ay umaalis ako at nagpapanggap na maglilibrary. Pag inaaya niya naman ako ay tinatanggihan ko ito. Hindi na din ako dumadaan sa building nila pag pupunta akong library. Binaling ko ang atensyon ko sa pag aaral. Mas lalong kumalat ang usap usapan sa panliligaw ni Braylon kay Aria. Hinayaan ko nalang ito.

"Zad, Abel, library muna ako." saad ko nang makita kong papalapit si Braylon sa mesa namin.

"Na naman, Serena? Hindi ka na sumasabay sa amin. May kadate ka ba? Nagtatampo na ako." sagot ni Zadkiel.

"Babawi nalang ako bukas, may kailangan lang talaga akong gawin."

"Aalis ka na naman?" narinig kong tanong ni Braylon.

Hindi ko iyon pinansin at dumiretso na ako palabas ng Cafeteria. Nang makalabas ako ay dire-diretso akong tumungo sa library ngunit naramdaman kong may humila sa braso ko. Binalingan ko iyon nang makita ang mga mata ni Braylon na may bahid ng iritasyon, pagtataka at galit. Hinila niya ako sa may likod ng library.

"Iniiwasan mo ko?" Nang nasa likod na kami, hindi niya pa din binibitawan ang braso ko.

"Hindi." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

He lifted my chin to look at him, "Iniiwasan mo ko, Serena. Bakit?" Agad na napalitan ng lungkot at pagtataka ang kaninang galit niyang mga mata.

"Nothing, I just--"

"May iba ka bang gusto? I heard Zadkiel said that you're seeing someone pag pumupunta kang library. Sino iyon kung ganoon?" Hindi pa din inaalis ang titig sa akin.

Pilit kong iniiwasan ang tingin niya. Sumibol ang paghuhumarentado ng puso ko. "I've heard that you are already courting Aria, that's why--"

"That's why you're ignoring me?" dagdag niya.

Dahan-dahan akong tumango. Isang malutong na mura ang pinakawalan niya at yinakap ako. Hindi ako makagalaw sa lakas ng pintg ng puso ko.

"I'm not courting Aria. Ni hindi sumagi sa utak kong ligawan siya. You know that I want to pursue you, Serena. Ikaw ang gusto ko, hindi si Aria."

Naramdaman ko ang mga luha ko na nagbabadyang tumulo. Yinakap ko siya pabalik.

"Fuck! Ang sakit pag nakikitang kong pilit mo kong iniiwasan parang pinupunit ng paulit ulit ang puso ko." rinig ko ang pagpiyok ng kanyang boses sa huling salita na binitawan niya.

Tumulo ang mga luha na nagbabadya sa aking mga mata. Diniin ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. Namanhid ang puso ko sa halo-halong emosyon.

"Please, Serena. Wag mo ko iwasan dahil hindi ko na alam ang mangyayari sakin pag umiwas ka pa."

Grievous: Braylon (GS1)Where stories live. Discover now