Kabanata IV

46 30 0
                                    

Kabanata IV: Playboy

"Tara kumain na tayo. I missed you too much."

Naghumarentado ang puso ko sa salitang binitawan niya. Damn! He really knows how to make my heart beat racing.

Mabagal ang oras nang makarating kami sa may Park sa loob ng school. Kaunti lang ang taong nakatambay doon. Yung iba gumagawa ng mga projects, nagkwekwentuhan, o di kaya ay nakatambay lang. Umupo ako sa may picnic table sa may tabi ng narra tree. Umupo din siya sa may tapat.

"What do you want to eat?" aniya, hindi pa din tinatanggal ang titig sa akin.

"Sandwich and Juice, if that's okay." sagot ko sabay kuha ng aking pitaka para mag abot ng pera.

Matalim niyang tiningnan ang hawak kong pera bago tumango at tumayo sa kinauupuan.

"I'll buy us food. Wait for me."

Hindi na ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa kanya na unti-unting naglalaho habang hinahabol ang hininga ko. Something about him is too much for me.

Well, I admit I'm starting to like him pero hindi ko alam na it can be more deeper. I should be aware of his gestures lalo na he is known for being a playboy. Alam kong kailangan kong umiwas pero may parte sa akin na gusto pang mas mapalapit sa kanya. It's like my heart and mind competes when it comes to him.

Nang dumating siya ay kumain kami at nag kuwentuhan. Nalaman ko na he is a consistent outstanding student dito sa LaCo. He was also a swimmer nung Junior but he changed his sports to Basketball nitong Senior. I felt like our conversation made us feel more closer.

Ganoon na lagi ang set up namin pag break. Pupunta siya sa room para sunduin ako o kaya minsan sumasabay siya sa amin nina Zad.

Sabado ngayon at napag usapan namin nila Zad, Abel at Carmilla na magswiswimming kami ngayon dito sa amin. Pumayag naman sila Mommy dahil natapos ko din ang aking mga gawain noong Biyernes.

Natigil ako sa pamimili ng damit ng marinig kong tumunog ang aking cellphone hudyat na may text message ito.

Zadkiel:

Malapit na kami sa inyo. We brought few friends if that's okay. See you later ;)

Nang mabasa ko iyon ay mabilis akong humagilap ng damit na susuotin. I decided to wear a sleeveless white coachella top and denim shorts above my bikini. Itinali ko din ang mahaba kong buhok. Hindi na ako nag abala maglagay ng light make up dahil sa bahay lang naman kami at isa pa we're going to swim.

Naghahadali akong bumaba ng marinig ang busina mula sa aming naglalakihang gate.

"Mang Gino, pakibuksan mo ang gate baka sina Zadkiel na iyan!" narinig kong sigaw ni Mommy mula sa kusina.

Naghahanda ang ilang kasambahay namin ng mga pagkain sa mesa, sina Mommy at Manang Belinda naman ang gumagawa sa kusina. Napalingon ako sa hamba ng pintuan nang makita sina Zadkiel, Abel, at Carmilla. Nginitian ko sila at kinawayan.

"Tita, good afternoon po!" bati ni Abel at tsaka nagmano kay Mommy.

"Hello Auntie Annie! Mano nga po dyan!" dagdag ni Zadkiel kaya natawa si Mommy.

"Kamusta po Tita? Mano po." Bumati din si Carmilla at nagmano.

"Mabuti at nakarating kayo, handa na ang mga pagkain."

"Si Tito Sevrino po?" tanong ni Abel.

"Nasa study niya. Medyo busy ang Tito Sevrino niyo pero mamaya siguro ay bababa na iyon."

Napatango ang tatlo. "Serena, why don't you take them to the backyard? Para makaligo na kayo."

Tumango ako at sabay sabay kaming tumungo sa backyard. Hindi na masyadong tirik ang araw dahil sa matatayog na palm trees na nagsisilbing lilim, nakahanda na ang mga tuwalya sa mga outdoor lounge chairs sa tabi ng rectangular swimming pool namin. Nagsisimula na din maghain sila Manang sa picnic table sa may gilid.

"Nasaan yung mga few friends na sinasabi mo, Zad?" tanong ko sa kanya. He's wearing a navy blue sleeveless tank top and black surfing shorts. May suot din siyang wayfarers at maliit na hoop ring sa kaliwang tainga niya. Ganun din ang suot ni Abel habang si Carmilla naman ay naka halter top at denim shorts.

"Papunta palang sila. They'll text me naman if they're already outside your house." sabay tingin kay Carmilla at Abel na nagtatawanan.

Tumango ako at ngumuso. Sino kaya yung mga pupunta? One person pops on my mind pero pilit kong rinereject na kasama siya. He's busy. He don't have time for this.

"Serena! Tara maligo na tayo!" sigaw ni Carmilla na ngayon ay naka bikini top at shorts nalang.

Nasa pool na ang topless na si Zadkiel habang si Abel naman ay nakahiga sa may lounge chair.

"Mamaya na ako!" sambit ko sabay tungo sa tabi na lounge chair ni Abel.

"Tara na, Carm!" giit ni Zad at tsaka binasa si Carmilla gamit ang watergun. Napatili ito kaya agad na sinugod si Zad sa pool.

Pinanood ko silang mag bangayan at basaan habang nakaupo ako sa lounge chair.

"What are you thinking about?" ani ni Abel na nakahiga habang nakalagay ang parehong kamay sa kaniyang ulo. Suot niya na ngayon ang wayfarers ni Zad.

Umiling ako, "Nothing."

"Is it Braylon? You two have been hanging out lately. You're falling for him?"

Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Nakataas na ngayon ang wayfarers niya sa kanya buhok at nakaupo na sa lounge chair. Matalim ang tingin niya sa akin.

"Don't even try, Serena. Braylon is no good for you. He only likes fun. He's a playboy, you know that right?"

"Yo! Andyan na pala kayo, bakit hindi kayo nagtext?" narinig kong sambit ni Zadkiel.

Bago pa ako maka sagot ay napalingon kaming dalawa ni Abel at nakita ang dalawang babae at tatlong lalaki na kaibigan nila. Nanlaki ang mata ko nang makita ang huling lumabas ng bahay. Si Braylon!

Grievous: Braylon (GS1)Where stories live. Discover now