Kabanata VIII

24 16 0
                                    

Kabanata VIII: Arguments

Narinig ko ang pagbasag mula sa kusina ng makauwi ko, dali dali akong pumaroon para malaman kung ano ang pinagmulan ng ingay. Nakita ko si Daddy na hinihilot ang kanyang sentido habang si Mommy naman ay nakatalikod na nakadantay sa may kitchen sink.

"Mommy, Daddy, is everything okay?" tanong ko nang makatutong sa kusina. Ramdam ko ang tensyon nang makahakbang ako sa loob. I know there's something wrong but I don't think it's the right time to force them to tell what's happening.

Nakita kong pinunasan ni Mommy ang kanyang luha bago humarap sa akin, "Yes, anak. Mommy and Daddy just got into an argument. Please call Manang Belinda para malinis ang mga bubog ng pinggan."

Tumango ako at dali-daling hinanap si Manang Belinda. Sa susunod na araw ko nalang tatanungin si Mommy tungkol dito. I don't want to make anything worse. Well, my day is already worst anyways.

"Manang Belinda, tawag po kayo ni Mommy. Alam niyo po ba kung anong nangyari sa baba kanina?" hindi ko mapigilang magtanong.

"Nako hija, mabuting sina Ma'am Annie ang tanungin mo dahil parang tungkol sa iyo ang pinag uusapan nila."

Kumunot ang noo ko. Tungkol sa akin? Bakit napunta sa akin? As far as I know, wala akong ginawang mali. Buong gabi kong inisip kung bakit nag away sina Mommy and Daddy tungkol sa akin. Pilit kong iniisip kung bakit ngunit kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko makita ang dahilan. Is it about my future? Dahil ako ang mamamahala ng business ni Daddy? Then I don't see any problem there.

Biglang tumungo ang cellphone ko sa tabi ng kama. Tiningnan ko ito para malaman kung sino. Isang text message ngunit 'Unknown' ang nakalagay. Kumunot ang noo ko nang makita na walang pangalan ang text message. Binuksan ko pa din ito baka sakaling wrong send lamang.

Unknown:

Can I call?

Wrong send lang ba ito? Sino ito kung ganoon? Bago pa ako makapag reply ay lumipat tumunog ang cellphone ko at umilaw ang 'Unknown' na pangalan niya sa ibabaw ng Ignore at Accept.

Pinindot ko ang berdeng icon para sagutin ang tawag.

"Hello?" saad ko mula sa kabilang linya.

Narinig ko ang paghinga mula sa kabilang linya. "Are you okay? I've been sick worried about you." His husky voice send shivers to my spine. Tumindig ang balahibo ko sa boses niya. How did he get my number?

"I'm fine, where did you get my number?"

"Kay Carmilla. I pleaded her to give me your number. Sabi niya hindi daw maganda ang pakiramdam mo kaya maaga ka umuwi. You should've told me para nakapag pahinga ka nalang imbes na manood ka sa practice ko. I'm sorry."

Rinig ko ang pag aalala at lungkot sa boses niya. I'm sorry too, Braylon. Nagbabadya ang luha mula sa mga mata ko. I remember Aria's words earlier. Gusto kong itanong sa kanya ngunit natatakot ako sa magiging sagot.

I know he told me before na it wasn't true pero what if he only said that para protektahan ang nararamdaman ko? Alam kong alam na niya na nagkakagusto ako sa kanya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Serena?" seryosong tanong niya.

"I'm okay, Braylon. You don't need to worry."

"I can't help it. Gusto kong siguraduhin na okay ka lang. I don't know what to do." His voice sounds so tired.

Nararamdaman ko ang pag tambol ng aking puso ganun din ang mga paru-paro sa aking tiyan. I hope I this won't break me so bad.

"I want to lay down by the fire with you

Where souls are glowing, ever warmer too

Your love surrounds me like a lullaby

Singing softly, you are mine oh mine"

He started singing from the other line. Ang bawat liriko ay nag papatindig ng balahibo ko. His husky voice sounds so clear and it was too good to be true.

"Moon has never glowed this color

Hearts have never been this close

I've never been more certain

I will love you 'til we're old"

Naramdaman ko ang mainit na paghawak mula sa puso ko. I never felt this happy my entire life. Ang init mula sa aking pisngi ay mas lalong bumaga dahil sa lambing ng boses niya.

Naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at unti-unting pagpikit nito. Maganda ang paggising ko kinabukasan. Nang pagdilat ng mga mata ko at agad na tumambad ang cellphone sa harapan ko. Shit! Naalala ko kausap ko pala si Braylon kagabi.

Sinubukan kong buksan ang aking cellphone ngunit paulit ulit lumalabas na wala itong batterya kaya wala akong nagawa kundi icharge ito. I can still remember how husky and sweet his voice yesterday. Gusto kong paulit ulit niya akong kantahan at hindi ako magsasawa.

Nang makababa ako at dumiretso sa kusina ay nakita kong tahimik na kumakain sina Mommy at Daddy sa hapag. Tahimik akong umupo doon at sumandok ng almusal.

Tumikhim si Daddy kaya napatingin kami ni Mommy sa kanya. Sumimsim siya ng kape bago tingnan kaming dalawa ni Mommy.

"Serena?" seryosong sambit ni Daddy. Matalim naman ang tingin ni Mommy kay Daddy na parang pinapigilan itong magsalita.

"Yes, Daddy?" Natigil ako sa pag kain. I can feel the building tension between him and Mommy.

"We are going to have dinner later with the Guazon. They wanted to meet you, anak."

Kumunot ang noo ko. Guazon? Who is that? And for what reasons na gusto nila ako makilala? Bakit masama ang kutob ko tungkol dito?


Grievous: Braylon (GS1)Where stories live. Discover now