Habang nililibot ko ang aking tingin sa mga classrooms na aking nakikita ay hindi ko pa rin maiwasang sumimangot.
Nakakainis!
Maya-maya pa lamang habang ako ay naglalakad ay biglang may lalaking bumangga sa akin. Kaya naman ako ay napatingin.
Masama ang tingin niya sa akin. Kaya naman bilang babaeng 'di padadaig, gagantihan ko siya ng tingin. Masama rin gaya ng binigay niya sa akin.
"Ang sama mo maningin ah." Mayabang na sabi nito.
"Ako pa? Kung hindi mo ako sinamaan ng tingin, hindi ko rin yun gagawin." Matapang na sambit ko.
"Kung hindi mo ako binangga, hindi ko yun gagawin."
"Hoy binangga ba kita? Ha?! Ikaw nga 'tong nangbangga e."
"Aba aba at ibinalik mo sa'kin?"
"Kasi ikaw naman talaga!"
"Ang yabang mo." Sabi nito sabay talikod sa akin.
Syempre hindi ako papayag na gaganun niya ako. Lalaban ako.
Sabi mo, mayabang ako? Pwes patutunayan ko sa'yo.
Mabilis na hinawakan ko ang kaniyang balikat at agad na hinarap sa akin.
Ako ay napangisi nang makita ko ang bakas ng gulat sa kaniyang mukha.
"Problema mo?!" Inis na sabi nito sabay tulak sa akin na naging dahilan para mapa-upo ako sa semento.
Pagkatulak niya sa akin ay muli itong tumalikod.
Aba lumalaban.
Inis na tumayo ako at tangkang hihilahin siya muli pero biglang may humawak sa aking mga kamay at inilagay iyon sa aking likuran.
"Ah!"
Bwisit na mga guards 'to! Pakielamero! Bwisit! Bwisit!
Bigla nila akong dinala sa isang silid na 'di ko alam kung ano.
Pilit na ini-upo nila ako sa isang upuan katapat ng isang malaking mesa. May upuan rin ako sa aking tapat ngunit wala namang naka-upo.
Teka nasaan ba ako?
Luminga-linga ako sa aking paligid hanggang sa makita ko sa aking harapan ang lalaking impakto na nakabangga ko kanina. Nakangisi itong nakatingin sa akin na ikina-irap ko.
Ngisi pa more! Patay ka sa'kin pag nagkataon!
"Hi dear alvanians" bigla akong napatingin sa aking tabi nang magsalita ang babaeng naka salamin. "Welcome to guidance office." Pagtutuloy nito habang nakangiti pa.
Talaga lang ha? Happy ka pa niyan? Pero teka...bakit nasa guidance ako?
"Bakit ako nandito?" Kunot noo 'kong tanong tapos biglang napatawa yung lalaking kaharap ko.
"Binangga mo ako, remember?" Tanong nito.
"Ikaw ang bumangga sa'kin!" Giit ko.
Bigla itong tumayo habang nakatingin sa akin ngunit kalaunan ay bumaling din sa babaeng nakasalamin.
"Ms. Guidance Counselor, ibigay ang nararapat. Ibigay ang hustisya." Sabi niya sabay labas ng silid.
...
Inis na inis na winawalis ko ang mga kalat dito sa gymnasium. Padabog na iwinawalis ko ang aking walis na hawak sa bwisit na semento na 'to.
Bwisit kasi e! Yung impaktong lalaking yun yung mali pero ako yung pinarusahan. Nasaan yung hustisya dun?! Kakainis!
'Di ko naman talaga gustong pumasok sa university na 'to e. Pinilit lang ako ng mga parents ko na walang inatupag kundi ang fame ko. Wala naman akong pake sa fame ko e. Bwisit na yan!
Ako nga pala si Cherie May Jaco, isang simpleng babae. Simple man pero hindi mo gugustuhing kalabanin. Palaban pero hindi kagandahan. Oo hindi kagandahan, aaminin ko talaga yan hshs.
Bigla akong natigilan ng biglang may nakabilot na papel ang tumama sa aking binti.
Dahan-dahang nilingon ko ang pinagmulang direksyon noon ngunit kumulo ang dugo ko ng makita ko na naman ang lalaking impakto na siya ring nagbato sa akin nung papel.
Bwisit ka talaga.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
AcakMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...