CHAPTER 2

1.7K 45 0
                                    

3rd day ko na ngayon sa paglilinis ng napakalaking university na 'to.

Hay salamat! Magagawa ko na rin ang mga gusto ko. Hmm hmm hmmm.

"Thina, salamat sa pagtulong sa akin ha."

Napatinigin siya sa akin. "Welcome as always." Sabi nito sabay kindat.

Napatawa na lang ako sa pagkindat niya.

Haha gusto ko yung pagkindat niya. Magkakasundo kami nito.

Btw, kasama ko si Thina na maglinis dito sa may gym. Tapos na kasi kami sa ibang part ng university. Ito na lang ang huli naming lilinisin.

Sinamahan niya ako kasi gusto niya daw akong tulungan dahil batid raw niya ang hirap ng paggawa nun mag-isa.

Na-touch nga ako e. Biruin niyo yun, kahapon niya lang ako nakilala tapos ganito na agad ang kabaitang pinapakita niya sa akin.

Hindi ako kabaitan pero tinanggap niya ako. Tinuring na parang kaibigan. Sana hindi siya magbago. Sana kahit malaman niya pa ang iba ko pang pagkatao ay hindi siya magbago.

Nawala ang tingin ko sa kaniya nang biglang may lalaking dumaan sabay bato ng nakabilot na papel sa amin.

Napatingin kami pareho roon.

Nanlaki ang aking mata sa aking nakita.

Ang impakto!

"Hoy!" Sigaw ko na nakaagaw ng kaniyang pansin.

Napatingin ito sa akin habang nakangisi na animoy baliw.

Nag-init ang aking ulo kaya naman tangkang itinaas ko ang hawak 'kong dustpan para ibato sa kaniya pero bigla akong napatingin kay Thina ng ako'y kaniyang pigilan. Nakatakas tuloy ang magaling na impakto.

Bwisit lang.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong niya sa akin na halata ang takot sa kaniyang boses at mukha.

"Nagtapon e. Kita naman niya na naglilinis tayo!" Medyo inis 'kong sabi

"Kahit na." Giit pa niya habang nakakunot ang noo. "Hindi mo ba siya nakikilala?"

Napa-irap ako. "Newbie nga ako diba?"

"Ayy oo nga pala. Siya si Mr. Gabby Monreal. Isa sa mga estudyanteng may mataas na posisyon dito sa university."

"Ano naman ngayon? Wala akong pake!"

"Anong walang pake?" Taas kilay niyang sabi sa akin sabay tapik ng mahina sa aking braso. "Woy Cherie! Malapit yan sa mga De Alva. Hindi mo dapat kinakalaban ang gaya niya." Pagtutuloy niya na halata ang pag-aalala.

"Tss. Hindi ako natatakot sa kaniya noh! Tsaka isa pa, siya ang dahilan kung bakit ako nagdudusa ngayon!" Sabi ko sabay irap at ibinaling ang tingin sa hawak 'kong walis.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang sabi kaya naman ako ay muling napalingon sa  kaniya.

"Siya ang nakabangga ko kahapon."

"Ano?!" Gulat na gulat na tanong niya sa akin habang bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. "Cherie, patay ka..."

...

Pagkadating ko dito sa aking dorm ay bigla na lamang akong napaupo sa aking sofa.

Naalala ko na naman yung mga sinabi ni Thina.

Patay ako?

"Ano yun? Papatayin ako ng Gabby na yun? Tss, patay kung patay. Wala akong pakialam. Tsaka titingnan kung kaya niya. Baka nga hindi niya kaya e." Mataray kong sabi sa aking sarili sabay harap sa  kalapit na salamin.

Hindi niya ako kilala.




A/N: ito po ang right pronunciation of some of my character's surnames here in my story.

Jaco-(Hako)
Monreal-(Monreyal)

ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon