"Cuanco"
Bigla akong natigilan sa apelyidong binanggit niya.
Cuanco?!
Cuanco ang apelyido ng parents ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Bakit sa dinami-dami ng apelyido, apelyido pa ng parents ko at ng pamilya ko?
Oo, Cuanco ang apelyido ng pamilya ko pero Jaco ang akin. Ampon kasi ako at Jaco raw ang apelyido ng pamilyang pinanggalingan ko kaya Jaco pa rin ang ibinigay nila sa akin imbis na ipagamit sa akin ang apelyido ng pamilyang kumupkop sa akin.
Bigla akong napaisip.
Hindi kaya, kamag-anak nung Jhessa ang pamilyang kinalakihan ko? Hindi kaya?
Pero...wala naman akong kilalang Jhessa e. Walang silang pinapakilala at nababanggit sa akin tungkol sa babaeng yun mula nung kupkupin nila ako.
Napatingin ako kay Gabby na kasalukuyang nakatingin sa kawalan.
Sasabihin ko ba sa kaniya na Cuanco ang surname ng pamilyang kinalakihan ko? O 'wag na lang?
'Wag na lang siguro. Wala pa din naman akong sapat na impormasyon para sabihin sa kaniya iyon tsaka gusto ko pag sinabi ko sa kaniya iyon ay buo at kompleto na para hindi na siya mahirapan pang pagtagpi-tagpiin ang mga bagay na sinabi ko sa kaniya.
Mula sa kaniyang tabi ay kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. 'Di man niya sabihin pero nararamdaman ko iyon at alam 'kong pilit niya iyong tinatago kapag siya ay nakatingin sa akin.
Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganito. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbigat ng loob ko. Pakiramdam ko'y dala-dala ko ang buong mundo. Napakabigat.
Hayaan mo Gabby, hindi kita hahayaang mag-isa sa mga problema mo. Nandito ako sa tabi mo, laging handang dumamay at tumulong sa'yo.
Tutulungan kita Gabby, tutulungan kita. Hindi ka man magiging akin, gagawin ko ang lahat...mapasaya ka lang. Gagawin ko ang lahat...matagpuan mo lang si Jhessa. Isasakripisyo ko ang nararamdaman ko at ang sariling kaligayahan ko para sa ikaliligaya mo.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
RastgeleMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...