CHAPTER 23

1.2K 37 0
                                    

Gabi na, nahihimbing na si ate na nakahiga sa sahig. Gusto ko sana siyang lapitan at yakapin upang hindi siya malamigan pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw. Nakatali rin ako gaya niya.

Napasandal na lang ako sa sandalan ng upuang pinagtalian sa akin. Tapos biglang pumasok sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Gabby kanina.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana sinabi ko na lang na mga Cuanco ang pamilya ko.

Tsaka, sasabihin ko naman dapat e. Gusto ko lang buo ang impormasyon pag sinabi ko sa kaniya para 'di na siya mahirapan. But it all went wrong.

Akala  niya tinraydor ko siya pero hindi, hindi ko magagawa sa  kaniya yun. Kaibigan ko siya kaya hindi ko yun magagawa sa kaniya. Mahalaga siya sa  akin at mahal ko siya. Kaya hinding-hindi ko talaga magagawa ang lokohin siya. Maniwala man siya o hindi, yun ang totoo. Pero sana Gabby, sana paniwalaan mo ako.

KINABUKASAN

Bigla akong nagising mula sa pagkakahimbing nang makaramdam ako ng sakit sa aking likod.

Dahan-dahan 'kong iminulat ang aking mga mata at napagtanto 'kong nasa sahig na pala ako habang pinagpapalo ng mga lalaking ito ng kahoy ang likod ko.

"Ah!" Pag-inda ko.

Napapikit ako sa sakit at sa aking pagmulat ay nakita 'kong nakatingin sa akin si Gabby na nakangisi pa habang ako ay pinapanood na nahihirapan.

"Gabby tulunga-- ah!" Muling lumapat ang kahoy sa aking likuran.

Napaliyad ako habang kunot-kunot ang noo sa sobrang sakit.

Ilang beses nilang pinaulit-ulit iyon hanggang sa wala na akong lakas para magmakaawa sa kanila na tumigil na.

Ilang sandali pa lang at tinigilan na nila ako at hinayaan sa gusto ko.

Pilit akong gumapang sa harapan ni Gabby at buong pusong nagpaliwanag kahit mukhang hindi siya interesado.

"Gabby, hindi kita tinraydor. Hindi ko yun magagawa sa'yo. Sasabihin ko naman dapat sa'yo e, wala lang akong sapat na impormasyon." Pagpapaliwanag ko pero nakatingin lang siya sa akin na parang isang bagay.

Nilingon ko na lamang ang ate ko sa aking likuran at nakita ko itong bugbog sarado na din gaya ko. Walang ano-ano na nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay.

"Ate" pagtawag ko.

Hinang-hina na nilingon niya ako at hinawakan sa mukha. "Cherie..."

"Boss Gab, tutuluyan na ba natin ang dalawang 'to?" Sabi nung isang lalaki na naging dahilan para lingunin ko silang muli.

"Gabby, ikaw nga! Ikaw nga ang tinatawag nilang Boss Gab, ikaw nga ang lider nila!" Sigaw ko pero nanatili siyang seryoso.

"Oo, ako ang lider nila pero hindi ako si Gabby. Ako si Gabriel." Sabi niya sabay turo sa may pintuan. "At siya si Gabby, kapatid ko."

ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon