Habang nakahilata ako sa aking sofa ay bigla akong napangiti ng mapagtanto ko na wala akong klase ngayon.Ang astig ng schedule ah! Once a week lang ang pasok, ayos! Hshs. But still...wala parin akong pake.
Inis na bumangon ako mula sa aking pagkakahiga sabay diretsong umupo.
Kailan ba ako makakalabas sa impyernong 'to?!
Nakakabagot na, sa totoo lang.
Tumayo na ako at inayos ang suot 'kong school uniform.
Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong napalundag sa gulat nang makita ko si Thina na todo ngiti sa akin.
"Uys" naiilang 'kong bati.
"Hi Cherie!" Bati naman niya. "May gagawin ka ba?" Nakangiti niyang tanong.
"Wala naman, bakit?"
"Halika!" Masayang sigaw niya sabay hila sa akin palabas ng dorm.
"T-teka saan mo ba ako dadalhin?"
"Igagala kitaaaaa."
O-okay...
...
"Thina..."
Napatingin siya sa akin. "Hmm?"
"Matanong ko lang ha, baguhan ka lang din ba?"
Napatawa siya ng mahina. "'Di ah, matagal na ako dito."
"Ahh, gaano katagal?"
"Two years." Mabilis na sagot niya na ikinanganga ko.
Wews...
"Hindi ka nabo-bored dito?"
"Hindi tsaka masaya kaya dito."
"Masaya? Baka imyerno." Pagtatama ko habang natatawa-tawa pa.
"Impyerno ka diyan. Masaya dito ha."
"Anong masaya gayong unang araw ko palang dito, na-guidance agad ako?"
"Nako! Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa nakikita at nararanasan ang tunay na ganda at saya dito." Giit niya kaya naman 'di na lang ako umimik.
Alam ko namang hindi niya naiintindihan 'yung side ko kaya hahayaan ko na lang. Alam ko naman na ako lang at ako lang talaga ang makakaintindi sa sarili ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng isang malaking building.
Isang palapag lamang pero malaki. May tatlong pinto sa labas.
Anong meron? Tsaka ano 'to?
"Uy Cherie."
"U-uy"
Kinakausap niya pala ako.
"Ayos ka lang?" Tatawa-tawa niyang tanong.
"Oo naman. Bakit?"
"Titig na titig ka sa building e haha."
"'Di ah, nalakihan lang ako."
"Ahh..."
Muli 'kong ibinalik sa building ang aking tingin.
"Thina curious lang ako ha, ano 'yang building na 'yan?"
"Huh?"
"I mean, bakit ang laki? Para kasing...sobra kung ihahalintulad sa ibang building."
"Ahh...office kasi 'yan nina Sir Isaac at Madam Amanda. Yung sa may kanan, kay Madam Amanda at yung sa may kaliwa, kay Sir Isaac. Tapos yung nasa gitna, yun yung Conference Room."
"Teka, Sir Isaac? Madam Amanda? Sino ang mga yun?" Naguguluhan 'kong tanong.
"Hindi mo sila kilala?" Nanlalaking mata na tanong niya sa akin.
"Magtatanong pa ba ako kung alam ko?"
"Ayy haha sorry naman." Sabi niya na ikinatawa ko ng mahina. "So yun nga, sina Sir Isaac at Madam Amanda yung may-ari nitong university."
"Ahh...wala sigurong anak kaya nakapagpaggawa ng ganito kalaking university." Sabi ko na agad niyang tinutulan.
"Anong walang anak? Hoy, apat anak nila ha. Isang triplets at isang lalaki."
Tama ba ang narinig ko?
"Triplets?"
Tumango siya. "Oo, puro babae."
Wow
"Thina...pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa kanila kahit konti lang?" Hiling ko na umaasang o-oo siya.
"Uhmmm...sure." sagot niya na ikinangiti ko. "Pinaka pagkatao na lang nila yung ikukuwento ko sa'yo."
Napasimangot ako. "Luhh bakit?"
"Kasi makikilala mo pa sila sa bawat araw na nandito ka sa university."
"Ahh...sige sige."
"Si Ms. Ivy yung pinakamabait, si Ms. Izy yung pinakamataray at si Ms. Icy yung pinakagwapo at pinakamaganda."
Nu daw?
"Huh?" Kunot noo 'kong sabi na ikinatawa niya.
"Haha tomboy kasi si Ms. Icy dati."
"Ahh"
"Alam mo ba, kaibigan niya yung nakatuluyan niya."
"Talaga?" Tumango siya. "Pwede pala yun?"
"Haha oo naman."
"Nasaan na nga pala sila ngayon?" Curious 'kong tanong.
"Nasa ibang bansa sila e kasama ng family nila."
Okay, sana all nakakalabas hshs.
"Kung gayon, sino ang namamahala dito kung wala ang mga De Alva?"
Curious lang ako bakit ba?
"Mga kamag-anak nila tsaka ang Skalva."
Napakunot noo ako. "Skalva?"
"Oo nga pala, 'di mo pa alam ang tungkol sa kanila. Ang Skalva ay isa sa mga may matataas na posisyon dito. Skalva ang tawag sa kanila, short term for Skalvanians."
Lalong kumunot ang noo ko. "Skalvanians?"
Grabe naguguluhan ako.
"Pinagsamang skull at alvanians. Skull o bungo symbolises DEATH and alvanians, term for Alva University students. It means...DEATH OF EVERY ALVANIANS." Pagpapaliwanag niya na naging dahilan para maliwanagan ako at kapagkuwan ay natawa ako.
"Ang jeje"
Tinawanan niya lang ako. "Haha jeje na kung jeje. Tingnan natin kung masabi mo pang jeje pag natikman mo na ang hagupit nila." Wews. "Cherie ito ang pinaka interesting sa lahat." Excited niyang sabi para mapukaw ako.
"Sige ano ba yan?"
"Yung lider nila, si Gabriel."
"Oh anong meron?" Taas kilay 'kong tanong.
"Tanging mga Skalva lang ang nakakakita at nakakakilala sa kaniya. Diba mapapaisip ka na...sino yun? Bakit hindi siya nagpapakita? Interesting diba?" Hinampas niya ako ng hindi ako nagpakita ng anumang reaksyon sa sinabi niya. "Hay nako Cherie! Tingnan na lang talaga natin kapag naging biktima ka nila. Ewan ko na lang sa'yo kung ganiyan pa rin reaksyon mo."
Tss. Titingnan.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
CasualeMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...