CHAPTER 7

1.4K 46 0
                                    

Nagmamadali akong tumatakbo. Kanina ko pa kasing hinahanap si Thina, hinding-hindi ko siya makita. Kanina lang magkasama kami e pero pagdating dito sa building bigla siyang nawala.

Nasaan na ba yun?

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtakbo ay bigla na lamang akong nadapa.

Napaisip ako kasi wala namang nakaharang sa dinadaan ko kanina. Paano ako nun madadapa? Diba?

Dahan-dahan 'kong nilingon ang aking likuran at nabuo ang inis at galit sa aking loob ng makita ko si Gabby na nakangisi sa akin.

Mabilis na tumayo ako para ito'y harapin ngunit nang ako'y makatayo na ay bigla naman itong naglakad palayo sa akin.

"Hoy! Ang yabang mo!" Malakas na sigaw ko na naging dahilan para mapalingon siya sa akin.

Lumingon siya habang nandun pa rin ang ngisi niya kanina. Ngisi na nakakaloko.

Takte!

"Tss. Feeling gwapo yak!" Inis na inis na sabi ko sabay singhal.

Nakakainis 'kang impakto ka!

Padabog na tumalikod ako at biglang napataas ang aking kilay ng makita ko si Thina na natatawang nakatingin sa akin.

"Bakit?" Seryosong tanong ko pero nanatili siyang tumatawa na ipinagtataka ko.

Anyare dito? Nababaliw na ata.

"Ang ganda nang pagkaka dive mo na yun ah." Tatawa-tawang sabi nito na ikinataas muli ng aking kilay.

"Nakakatawa yun?"

Lalo siyang ginanahan tumawa na naging dahilan para mapairap ako sa kaniya.

GABBY'S POV

Halos hindi mapawi sa aking labi ang ngisi na sanhi ng pagkakadapa ni Cherie kanina.

Pangit na nga, mamalag-malag pa. Tss, boplax.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan na akong mapalayo sa pinangyarihan kanina.

*phone rings...

"Mr. Gabby, kailangan po kayo dito sa Conference Room." Sabi ng tao sa kabilang linya.

"Sige, papunta na ako."

...

Pagdating ko dito sa Conference Room ay naabutan 'kong naghihintay silang lahat sa akin. Si Ivhan at ang mga officials.

Btw, kami ang naatasang mamuno dito sa university habang wala ang mga De Alva. Kami na sunod sa kanilang posisyon. Kamag-anak kasi nila kami. Oo kamag-anak. Pamangkin kasi ako ni Tito Isaac, ang may ari ng university na ito. Kapatid siya ng aking ina. Kaya sa amin ni Ivhan ipinagkatiwala itong university habang sila'y wala. Naging kamag-anak naman si Ivhan dahil pamangkin siya ni Tita Amanda sa side ng mga Alcarez.

Kami ang pangalawa sa may pinakamataas na posisyon dito sa university. Una ang pamilya nina Tito Isaac, pangalawa kami ni Ivhan at pangatlo naman ang mga Skalva at mga officials. Hindi ko lang alam kung bakit hindi kasali ang mga  Skalva sa pagpupulong na ito.

I don't know why.

...

"Gusto 'kong magkaroon kami ni Gabby ng assistant." Seryosong sabi ni Ivhan sabay nakangising nakatingin sa akin.

Napangisi din ako ng makuha ko ang ibig niyang sabihin.

Chickboy talaga 'to e haha.

"Mr. Ivhan, bakit niyo naman kailangan ng assistant gayong wala naman kayong ginagawa dito sa university kundi magpasarap buhay?" Matapang na pagtutol nung isa na naging dahilan para mapunta sa kaniya ang lahat ng aming tingin.

"Oo nga naman Mr. Ivhan." Pagsabat pa nung isa pang opisyal na napatayo pa sa kaniyang kinauupuan. "Wala kayong pinoproblema." Dagdag pa niya.

Napatayo si Ivhan at itinukod ang kaniyang mga kamay sa mahabang mesa sa aming harapan.

Mariin niyang tinitigan ang lalaking sumabat kani-kanina lang.

"Sino ba ang mas mataas sa atin?" Tanong ni Ivhan tapos biglang napatungo ang mga opisyal.

Natahimik silang lahat. Napatawa na lang ako sa nangyari.

Wala pala kayo e hshs.

Nilingon ako ni Ivhan ng may ngisi sa kaniyang labi sabay bigay ng isang kindat sa akin. Napangisi ako.

Minsan talaga, ka-vibes ko 'to e.

Natapos ang meeting ng walang nagawa ang mga official. Napilitan silang pumayag sa gusto ni Ivhan dahil nga pangatlo lamang sila samantalang kami ay pangalawa.

Paglabas ko ng Conference Room ay bigla akong sinabayan ni Ivhan sa paglalakad.

"Pumili ka na ng babaeng aalipinin mo." Nakangising sabi nito sabay lakad palayo sa akin.

Ako ay napahinto at napaisip.

Hehe parang alam ko na  kung sino.

ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon