CHERIE'S POV
"Gabby, may s--"
*phone rings...
Hindi na ako natuloy pa sa aking sasabihin ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
May tumatawag ata.
Tumayo siya at lumayo ng ilang hakbang sa akin at saka sinagot ang tumatawag.
Hindi ko man dinig ang kanilang pinag-uusapan ay alam 'kong maganda iyong pinag-uusapan nila lalo pa at kitang-kita ko ang ngiti sa kaniyang labi.
Grabe, nakakainlove.
Bigla siyang naglulundag tapos abot tengang ngiti na tumabi sa akin.
"Cherie, guess why?" Nakangiti niyang tanong pero hindi na ako sumagot bagkus ay hinintay na lamang na siya ay magpatuloy. "Cherie! Malapit ko ng makita si Jhessa! Malapit ko ng makita ang babaeng mahal ko!"
Bigla akong natigilan.
Ahh kaya pala...
Kaya pala abot tenga ang ngiti niya.
Kaya pala sobrang saya niya.
Tungkol pala kay Jhessa.Ang ganda ng ngiti niya. Tangina, sana ako na lang ang dahilan.
Pilit ngiting nakatingin lang ako sa kaniya. Nagpapanggap na masaya sa mga sinabi niya. Dahil yun naman ang dapat. Dapat maging masaya ako dahil ako ay kaniyang kaibigan kahit na higit pa dun ang nakikita ko sa kaniya.
Ngumiti ako na parang hindi nasasaktan.
Bigla niya akong binuhat habang suot-suot pa rin ang ngiting hindi mapawi-pawi.
Hindi ko maiwasang maluha dahil sa pagtatago na aking ginagawa. Nasasaktan ako ng hindi niya namamalayan.
Maingat na ibinaba niya ako at masayang hinawakan sa kamay. Ngunit siya ay natigilan ng makita niyang may luhang kumawala mula sa aking mga mata.
"Cherie, bakit ka umiiyak?"
Agad na pinunasan ko iyon at binigyan siya ng mapait na ngiti.
"Wala, masaya lang ako para sa'yo." Pagsisinungaling ko. "Sige, mauna na ako." Pagpapaalam ko sabay papilay-pilay na tumakbo palabas.
Sinundan niya ako at sinubukang tulungan pero nagmatigas ako at sinabing kaya ko ang sarili ko.
Ramdam ko ang bawat pagkirot ng aking sugat sa aking tuhod pero pakiramdam ko wala lang yun, hindi yun masakit. Ang masakit ay itong puso ko na kahit kailan ay hinding-hindi kayang suklian ng pagmamahal ng taong minamahal ko ng hindi niya alam.
Pilit pa rin akong tumatakbo palayo kahit ako ay sisirok-sirok na sa kalasingan. Pilit pa ring tumatakbo kahit pakiramdam ko ay bibigay na ang aking tuhod na kanina pang kumikirot. Pero wala akong pakialam ang gusto ko lang ay makalayo sandali at mailabas ang bigat ng aking dibdib.
Napahiga na lang ako sa sahig ng makarating ako dito sa isang abandunadong classroom na tanging ako lang ang tao.
Napahiga ako habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha na kanina pang ayaw huminto.
Grabe ang sakit at ang bigat ng nararamdaman ko.
Nagpatuloy ako sa pag-iyak at sa pagsisigaw ng hindi man lang inaalala ang aking paligid at kung sino ang aking magagambala.
Wala na akong pake!
Lagi na lang iba ang inuuna ko, ngayon sana naman hayaan nila ako na sarili ko muna ang intindihin ko. Sana hayaan nila akong maglabas ng sama ng loob na hindi ko kayang sabihin kahit kanino.
"Wala na! Huli na! Bakit kasi hindi ko sinabi habang maaga pa?! Ayan tuloy ako yung nganga!" Bumalisbis muli ang luha sa aking pisngi. "Tapos bukas, gigising ako at makikipag-usap kay Gabby na parang hindi ako nasaktan ngayong gabi. Tangina! Kailan ko ba masasabi 'tong nararamdaman ko?!"
Nagsisigaw ako at humagulhol sa pag-iyak.
Takte! Ang sakit na.
Bigla akong nakarinig ng mga yabag mula sa labas kaya naman pigil-pigil ko ang paghikbi na lumalabas sa aking bibig. Pigil-pigil ko habang nakahawak ang aking dalawang kamay sa aking bibig.
Tapos bigla akong kinabahan ng pumasok ang mga ito sa abandunadong aking kinaroroonan. Pilit na kinalma ko ang aking sarili at nagtago sa likod ng isang book shelf.
Ilang segundo din ang lumipas at inakala 'kong wala na sila. Tatayo na sana ako pero bigla akong napasigaw ng bumulaga sa akin ang isang lalaki.
Tatakbo na sana ako pero bigla naman akong sinabunutan nito. Akin siyang sinipa kaya naman agad itong napabitaw sa buhok ko. Tatakbo na sana ako pero bigla akong napaluhod ng tadyakan nung isa pang lalaki ang aking binti. Napadaing ako sa sakit.
"Ah!"
Napakiskis ang tuhod ko sa semento ng hilahin ako nito papunta sa harap ng isa pang lalaki.
Nagpumiglas ako at buong lakas na itinulak ko sila isa-isa pero hindi iyon sapat para makawala ako sa kanila.
Napadapa ako ng paluin ako nung isa ng kahoy sa may likod. Napaliyad ako sa sakit.
Pilit akong lumalaban kahit halos wala na akong lakas na mailabas pa.
Tangina, tulong...
"Ano sa palagay niyo ang ginagawa niyo?"
Isang boses ang nangibabaw at naging dahilan para magsitakbuhan ang mga lalaking walang awang bumubugbog sa akin kanina pa.
Hindi ko na nagawa pang lingunin ang taong tumulong sa akin. Basta ang naalala ko na lang ay buhat-buhat niya ako palayo sa silid na iyon.
??? POV
Walang emosyong buhat-buhat ko ang katawan ni Cherie na walang malay. Akin siyang tinitigan at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Bilang lider ng Skalva, hindi kita pababayaan Ms. Cherie May Jaco.
Hindi ko man makikitang muli si Czayra, ikaw ang ipapalit ko sa kaniya.
Babantayan at poprotektahan kita sa ngalan ko.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
CasualeMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...