KINABUKASAN
Habang kumakain kami ni Thina dito sa canteen ay hindi ko pa rin maiwasang alalahanin yung nangyari sa akin doon sa abandunadong classroom.
Buti na lang at yun lang ang nangyari.
"Wuy Cherie"
Napatingin ako sa kaniya. "Hm?"
"Ano ba yang iniisip mo? Kanina ka pang tulala diyan e."
"Ahh wala, naalala ko lang family ko." Paiwas 'kong sagot.
Maya-maya pa lamang ay biglang nagkagulo ang lahat ng nasa canteen ng biglang may isang lalaki ang pumasok dito at pilit pinaalis ang isang babae sa upuan na inuupuan nito.
Kapagkuwan ay bigla ko itong namukhaan.
Unti-unting nabuo ang galit sa aking loob.
Bwisit ka! Ikaw ang dahilan kung bakit muntik na akong magahasa!
Walang pag-aalinlangang tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. Susugudin ko na sana ito pero bigla akong pinigilan ni Thina.
Napatingin ako dito ng may inis na hitsura.
"'Wag mong sabihin na aawayin mo na naman si Mr. Gabby?" Alalang tanong nito habang hawak-hawak ang aking kamay.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay buong lakas na nagpumiglas sa pagkakahawak niya at dire-diretsong tinungo si Gabby.
Nang ako ay makarating sa kaniyang likuran ay ako'y huminto at walang ano ano na sumigaw.
"Hoy Gabby!"
Napatingin ito sa akin habang seryosong-seryoso ang emosyon. Tapos bigla niya akong sinamaan ng tingin kaya naman ganun din ang ginawa ko sa kaniya.
"Ikaw na naman?" Walang buhay na tanong niya sa akin.
"Oo, ako na pinagahasa mo!" Lakas loob na sigaw ko na naging dahilan para ipagtinginan kami ng lahat.
Hindi ako nagpatinag at nanatili akong matatag hanggang sa hilahin niya ako palabas at dinala sa likod nitong canteen.
Bigla niya akong itinulak papunta sa pader sa aking likuran.
Nakaramdam ako ng sakit pero hindi ko ipinahalata.
Hindi ako mahina.
Imbis na dumaing ako at idinaan ko na lamang sa pagngisi na alam 'kong mas ikinainis niya.
"Anong problema mo?!" Galit na tanong nito na nagtatagis na ang bagang.
"Ikaw ang tatanungin ko! Anong problema mo?!" Pagbabalik ko.
"Alam mo ba, iniinis mo ako! Wala kang respeto! Kilala mo ba ako ha?! Ako si Gabby D. Monreal! Alam mo ba ang ibig sabihin ng letrang D sa gitna ko ha?! DE ALVA! De Alva Monreal!"
Napatawa ako ng mahina at saka pinandilatan siya ng mata. "Wala akong pakialam kung sino ka! Isa kang hayop na walang alam kundi magpapatay!" Sigaw ko.
"Anong sabi mo? Hindi ko gawain yun! Oo kinakatakutan ako pero hindi ako pumapatay!"
"Pero ipinagahasa mo ako!"
"Lakas ng loob mo na sabihan ako niyan! Ang yabang-yabang mo! Kinikilala mo muna dapat ang binabangga mo!" Dire-diretso niyang sabi sabay alis.
Naiwan naman ako ditong yukom-yukom ang aking kamao.
Bwisit!
Maya-maya pa lamang bigla akong nakarinig ng mga yapak papalapit sa akin. Aking nilingon ang direksyon na pinanggagalingan nun.
Si Thina pala...
Dali-dali nito akong nilapitan at agad na hinawakan sa kamay.
"Halika, dun tayo sa dorm ko." Pag-aaya nito na akin namang tinanggap.
...
"Anong nangyari?" Alalang tanong niya.
Napabuntong hininga muna ako bago ikinuwento sa kaniya ang lahat.
Bigla 'kong naalala yung sinabi ni Gabby.
"De Alva Monreal!"
"Thina sabihin mo sa'kin, sino ba si Gabby? At bakit siya kinakatakutan?" Curious 'kong tanong.
"Si Mr. Gabby Monreal ay pamangkin ni Sir Isaac. De Alva ang middle initial niya kaya ganun na lang ang takot ng mga alvanians sa kaniya."
"Ahh...now I know."
...
Pagdating ko sa aking dorm ay bigla ko na namang naalala ang mga sinabi ni Gabby.
"Anong sabi mo? Hindi ko gawain yun! Oo kinakatakutan ako pero hindi ako pumapatay!"
"Kung hindi siya pumapatay, so it means...magkaibang tao si Gabby at Gab? Pero bakit pakiramdam ko, iisa sila?" Tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa sarili sa salamin.
Siguro, gusto lang niya akong linlangin para hindi ko siya paghinalaan.
Alam ko at nararamdaman ko na siya ang nasa likod ng pagpapagahasa sa akin lalo pa at binantaan niya ako bago mangyari yun.
Hindi mo ako maloloko Mr. Monreal.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
DiversosMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...