AFTER A WEEK
Lumipas ang isang linggo ng aming pagpapanggap at naging maayos naman ang lahat.
Unti-unti na siyang nakakamove-on kay Ms. Ivy at masaya ako para dun. Masaya na akong nakikitang okay siya at masaya na din akong nakikitang nakangiti siya. Pero ang kaso...mas lalong lumalala ang nararamdaman ko para sa kaniya pero syempre, hindi ko sinasabi kasi ayaw 'kong masira ang pagkakaibigan namin. Masaya na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon.
Ngayon ay nandito kami ni Gabby sa may basketball court dito sa university. Syempre hindi naman kasi kami makakalabas e kaya pagala-gala lang kami dito sa loob. Tsaka mabuti na lang at walang naglalaro ngayon dito. Solo tuloy namin itong buong court haha.
"Galing mo magbasketball ah." Puri niya sa akin habang pagod na pagod na tinabihan ako dito sa semento ng court. Nginisihan ko na lamang siya. "Bakit nga pala ang galing mo?" Tatawa-tawang tanong niya na ikinatawa ko din naman.
"Hindi ko alam. Ipinanganak na akong ganito e." Pagbibiro ko na ikinanganga niya.
"Edi wow! Oh edi ikaw na!" Pang-aasar niya na ikinatawa ko.
"Haha sira!" Sabi ko sabay irap sa kaniya na ikinatawa naman niya. "Halika, tumayo ka diyan." Pag aaya ko sabay hila sa kaniya patayo. "Halika, agawin mo sa akin itong bola." Panghahamon ko na ikinangisi niya.
"Sige, ako pa hinamon mo ha." Mayabang na sabi niya na ikinatawa ko ng mahina.
Haha yabang talaga e.
Habang pinatatalbog ko ang bola sa aking harapan ay alisto niya akong binabantayan.
Napaisip ako na kung ano bang magandang gawin para siya ay maisahan.
Aagawin na sana niya sa akin ang bola ngunit bigla akong tumalikod habang bitbit ang bola at tangkang tatakbo pero bigla akong nawala sa balanse at napadapa ng masabit ang aking kaliwang paa sa kaliwang binti niya.
Bigla akong napatihaya sa sakit tapos nagulat na lamang ako ng makita ko siyang bumabagsak sa akin kaya napapikit na lamang ako.
Dahan-dahan 'kong iminulat ang aking mga mata tapos biglang nanlaki ang aking mga mata ng makita 'kong nakadag-an siya sa akin habang ang aming mga labi ay magkalapat.
GABBY'S POV
Bigla akong natigilan sa mga nangyari. Halos hindi ako makagalaw mula sa ibabaw ni Cherie ng maramdaman 'kong naglapat ang aming mga labi at alam ng Diyos na hindi namin iyon sinasadya.
Ilang segundo din kaming nanatiling ganun hanggang sa magkatitigan na kami pero bigla akong nagising sa kahibangan namin ng sumagi sa aking isipan na mali iyong ginagawa namin.
Napabaligwas ako at mabilis na tumayo at saka inalalayan si Cherie na makatayo.
"Ayos ka lang?" Concern 'kong tanong sa kaniya pero hindi man lamang niya ako sinagot tapos bigla na lamang siyang nanghina habang bakas sa mukha ang sakit na hindi ko alam kung saan ba nanggagaling.
Walang pag-aalinlangan na binuhat ko siya pa-bridal style at inilabas sa basketball court at agad na tinungo ang daan papuntang clinic.
Habang akin siyang buhat-buhat ay ramdam ko ang mga tingin sa amin ng mga estudyanteng dinadaanan namin pero wala na akong pake dun.
Mula sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang mga magkakapatid na De Alva na aking makakasalubong pagdating sa palikong bahagi nitong pathway. Babatiin ko sana sila pero naisipan 'kong 'wag na lang lalo pa at nakita ko si Ivy na kasama nila. Nagpanggap na lamang akong hindi sila kita at dire-diretsong naglakad papuntang clinic.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
AcakMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...