Nakabusangot na winalis ko ang mga kalat dito sa gym. Sinusungitan ang bawat estudyante na daraan sa aking harapan.
Btw 2nd day ko na sa paglilinis ngayon. Tatlong araw kasi ang parusa sa akin. Parusa na yung impaktong lalaki ang nakinabang.
Pagkatapos 'kong magwalis ay tumingin ako sa aking relo upang tingnan ang oras. May klase kasi ako mamaya. Mahirap na, baka ma-late.
Pero biglang nanlaki ang mata ko nang makita 'kong 8:30 na.
Bwisit! Late na ako!
Dali-daling ibinalik ko ang aking walis na hawak sa kalapit na bodega dito sa gym. Pagkabalik ko ay mabilis na inakyat ko ang building na aking papasukan.
Hingal na hingal akong dumating. Ramdam ko ang malalalim 'kong paghinga.
Grabe bilis nun ah. Nakakahingal takte!
"Ms. Jaco!" Bigla akong napatingin sa gurong nasa unahan nang bigla nitong banggitin ang aking apelyido.
Napakasama naman ng tingin nito sa akin. Mangangain ka? Hshs.
"May balak ka pa bang pumasok?! O tatangla ka na lang diyan?!" Inis na tanong ng guro.
Hindi ko na siya sinagot bagkus ay pumasok na lamang habang nakatingin ng diretso sa aking dinadaanan.
Nakangusong umupo ako sa may bakanteng upuan sa likuran. Baguhan lang ako e, wala pa akong sariling upuan.
...
Inis na pinakinggan ko ang boring na klase ng maestrang nasa unahan.
Ang boring naman nito hays. Anong oras ba matatapos ang boring na klase na 'to? Mabubulok na ko dito oh.
Maya-maya pa lamang ay napansin ko na parang kanina pang nakatingin sa akin itong babaeng katabi ko. Kaya naman akin itong tiningnan.
Diresto pa rin siyang nakatingin sa akin. Nainis ako kaya ini-snob ko na lang.
"Ms. Jaco"
Biglang napukaw ang aking pansin nang marinig ko na naman ang aking apelyido.
Naguguluhang tumingin ako dito tapos bigla niya akong sinamaan ng tingin.
"Stand up!" Sigaw nito kaya naman napatayo na lang ako.
Tinaasan nito ako ng kilay na ininakunot ng noo ko.
Problema nito?
"Naririnig mo ba ang sinabi ko? Sabi ko, define the following words on the board!"
Bigla akong nanigas sa aking tayo.
Bakit ako? Anong alam ko diyan?
Inabot na ako ng ilang segundo, hindi pa rin ako nakakasagot.
Ano naman kasing isasagot ko gayong hindi ko alam ang kasagutan?
Naramdaman ko ang pagkalabit ng aking katabi sabay bulong nang mahina sa akin.
Tinitigan kong maigi ang kaniyang bibig ng sa gayon ay makuha ko ang kaniyang sinasabi.
Bawat paghinto niya ay sinusundan ko iyon ng mga salita na kaniyang sinabi. Binigkas ng binigkas hanggang sa matapos kami.
Nilingon ko ang gurong nasa unahan.
Napangiti ito sa akin habang may kaunting taray sa mata.
"Alam mo naman pala, hindi ka agad sumasagot. Take your seat." Seryosong sabi nito sabay baling ng tingin sa buong klase.
...
"Salamat nga pala." Nakangiti 'kong sabi.
"Wala yun." Nakangiting sabi naman niya sabay aro ng kamay niya sa akin. "Ako nga pala si Thina Camo."
Nahihiyang inabot ko naman iyon. "Cherie May Jaco."
"So...tara na sa canteen? Gutom na ako e."
Napatawa ako. "Sige tara."
...
"Cherie May, curious lang ako ha--"
"Cherie na lang. Hindi ako sanay ng Cherie May." Pagtatama ko sabay higop ng vanilla shake.
"Ayy haha sige."
"Ano ulit yung sasabihin mo?"
"Cherie...bakit nga pala hindi ka nakasagot kanina? Diba sinabi naman last week na may recitation tayo today?" Curious niyang tanong.
"Hindi ko naman alam e. Kahapon lang kaya ako dumating." Sagot ko na ikinagulat niya.
"Newbie ka?"
"Ganun na nga."
"Kung newbie ka, bakit late ka kaagad kanina?"
Naalala ko na naman. Bwisit na impakto yun!
"Naglinis kasi ako ng buong university. Sa laki ba naman nito, magtataka pa ba ako kung aabutin ako ng late?" Sabi ko na naging dahilan para mapakunot noo siya.
"Teka, naglinis?" I nod. "B-bakit? May janitors naman tayo dito ah. Bakit ikaw?"
Napabuntong hininga ako. "Parusa"
"Parusa?" Taas kilay niyang sabi.
"Kahapon kasi pagkadating na pagkadating ko dito, naguidance agad ako."
Nanalaki ang mata niya. "Na-guidance? Bakit?!"
"Habang naglalakad kasi ako...may impaktong lalaki ang bumangga sa akin. Tapos ako yung sinisisi niya na bumangga sa kaniya e siya nga 'tong bumangga sa akin. Tapos sinabihan niya ako ng mga salita na sa kaniya ko dapat sabihin. Nag-away kami tapos inawat kami ng mga guards at dinala sa guidance." Medyo inis 'kong kwento.
Tapos nakita 'kong nakatingin lang ito sa akin habang may blangkong ekspresyon.
"Thina, nagtataka lang ako ha. Bakit ako ipapa-guidance gayong ayon sa batas dito, YOU CAN DO WHATEVER YOU WANT?"
"AS LONG AS YOU CAN DEFEND YOURSELF." pagdudugtong niya.
"Bakit? Kaya ko namang labanan ah! So...pwede akong mag reyna-reynahan dito. Pero bakit ganun? Bakit ako na-guidance? Anong kalseng batas yun?! Ano yun? Echos lang?!" Sunod-sunod 'kong sabi sa may mataas na tono.
"Siguro mataas yung lalaking nakabangga mo." 'Di sigurado niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.
"Mataas?"
"Mataas, estudyanteng may mataas na posisyon dito sa university."
Napaisip ako.
Mataas? Estudyanteng may mataas na posisyon?
Nakaramdam ako ng kaunting takot pero kalaunan ay nawala din.
Hinding-hindi matatalo ng takot ko ang katapangan ko. Ako pa ba? Tss.
"Wala akong pake! Kaya ko siyang labanan!" Sigaw ko na agad niyang tinutulan.
"Cherie, 'yan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Mag-ingat ka sa bawat pananalita mo, maaaring ikapahamak mo 'yan." Alalang sabi niya na ikinairap ko.
I don't care.
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 1: Unexpected Love (COMPLETED)
De TodoMay mga bagay talaga na bigla na lamang dumarating. Handa mo ba itong tanggapin? Pero paano kung pag-ibig na ang dumating? Pag-ibig na hindi inaasahan. Pag-ibig na naging parte na ng nakaraan. Pag-ibig na iyo nang pilit kinakalimutan. Pag-ibig na k...